Phr new
9 stories
Wedding Girls Series 09 - FAITH - The Printer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 128,899
  • WpVote
    Votes 3,081
  • WpPart
    Parts 23
"Hindi pa huli ang lahat para sa atin, Faith. Hindi na natin maibabalik ang mga taong nagdaan pero puwede pa tayong magkasama-sama, di ba? And this time, hindi na tayo magkakahiwalay pa. I love you. Kahit kailan, hindi nagawang pawiin ng galit ang pag-ibig ko sa iyo." ***** Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick. Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa't isa. "Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka." Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. "A-ang mama mo," mahinang sabi niya. "I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn't recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko." Napahikbi siya. "I love you, Patrick." Tumigas ang anyo nito. "Really?" sarkastikong wika nito. "Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?" "Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil-"
Wedding Girls Series 08 - ADRIENNE BLYTHE - The Caterer by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 143,386
  • WpVote
    Votes 3,746
  • WpPart
    Parts 19
I'll tell you that I love you because I want you to be beside me every morning that I wake up and share each breakfast together. I'll tell you that I love you because I want to spend the rest of my life with you. Andie, that's how I really feel right now." *** Madalas ay nakatitig si Andie sa kabilang bahay. Kung mansyon ang turing niya sa bahay na pinagbabakasyunan niya, mas mansyon ang sa kabila. Naalala niya ang kuwento tungkol kay Jesse-ang may-ari ng kabilang bahay. One of the most sought-after bachelors in the city. Ang angkan ay isa rin sa pinakamayaman sa Baguio. And so? Tahimik na react niya na may kasali pang pagtataas ng kilay. Bakasyunista siya. Hindi siya naghahanap ng lalaki. He's rich. At hindi lang basta guwapo. He had the face, the stance, the personality. Kahit na suplado ito, tila nakakadagdag pa iyon sa karisma nito. He definitely had the elements to be tagged as one of the most sought-after bachelors in the city. And so again? Bakit ba ang lalaking iyon ang iniisip niya? Kungsabagay, attractive namang talaga ang lalaki. "But I'm not attracted to him," sabi niya sa sarili. Yeah, hindi ka nga attracted. Kaya nga ganoon na lang kung makatitig ka sa katawan ni Jesse. Ano na nga iyong naisip mo kanina? He's sexy.
Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The Florist by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 162,406
  • WpVote
    Votes 4,124
  • WpPart
    Parts 24
"Kissing you made the difference, Calett. It stirred all the dormant emotions in me. Emotions that I didn't know I possessed until you made me realize they exist. I didn't know what I'm missing until I kissed you." Si Scarlett - gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Chad O'Hara-para lang matuloy ang obsesyon niya na maging Scarlett O'Hara ang pangalan niya. Si Rod - gagawin niya ang lahat para lang alaskahin si Scarlett. Mientras nakikita niyang napipikon ang dalaga, ang saya-saya niya. Si Scarlett uli - hindi niya kailangan si Rod sa buhay niya. Ni hindi niya ito itinuturing na kaibigan-asungot sa buhay niya manapa. Mula't sapul ay alaga na siya nitong buwisitin. Hanggang sa isang araw ay sumagad ang pagkapikon niya sa binata at binuhusan niya ito ng isang pitsel ng juice. Hindi nagalit si Rod. Bagkus ay hinalikan siya. And oh, that kiss felt sooo sweet she almost forgot her name. At nagbago ang lahat kina Scarlett at Rod...
The Wedding Garter Promise by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 636,884
  • WpVote
    Votes 13,639
  • WpPart
    Parts 58
Kitkat dropped a garter on his lap. Naniningil na siya. She wanted a two-week long exciting adventure with him. Iyon ang hinihingi niyang kabayaran sa pag-iwan nito sa kanya noon. "Linawin natin ito. Iyong dalawang linggong hinihingi mo, are we going to be together round the clock?" sindak nito sa kanya. "Ayaw mo ba?" she asked in a challenging tone. Napasipol si Dominic. "Alam na alam mo kung ano iyong naabala mo kanina. I'm very active, Kat. In more ways than one, so to speak. And if we will be together for two weeks, ngayon pa lang sabihin mo na sa akin kung kasali iyan sa activity natin for two weeks or kakailanganin kong mag-excuse ng konting oras para iraos ko iyan sa iba," he said blatantly. "Sex is one of my regular activities. It's a natural thing for me. Imposibleng lumipas ang dalawang linggo na wala ako niyan." Her heart skipped another beat. Pero hindi siya nagpahalata. "We almost did that ten years ago, Dom. Ikaw ang nagpamalay sa akin sa mga bagay na wala akong kaalam-alam dati. Let's start that two weeks. And let's wait and see if we are going to do it. If the occasion calls for it. So be it." His eyes locked on hers. It was filled with burning passion. "Mukhang hindi naman kailangang maghintay pa. I will make sure that we'll have an occasion to call for it." Oh, dear, she felt a liquid heat pooled between her thighs. Masusulit ang dalawang linggong pangarap niya... Author's Note The published version of this story is entitled Passion Overdue (released by Red Room Books) using a different pen name Sam Raye.
Perfect Kind Of Trouble [COMPLETED] by writershiie
writershiie
  • WpView
    Reads 11,719
  • WpVote
    Votes 284
  • WpPart
    Parts 10
Zoe was always been afraid of Luke. Hindi lang kasi ito nanggaling sa isang makapangyarihang pamilya, may pagka-bad boy din kasi ito. At na-bully na siya nito minsan and she vowed not to let that happen ever again. Kaya nga ayaw niyang muling makaharap ito. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil nung kinailangan niya ng tulong, si Luke ang dumating. Of all people! At hindi lang iyon, lagi na itong sumusulpot na parang isang kabute matapos ang pagtatagpo nilang iyon, ngunit hindi dahil nililigawan siya nito kundi dahil gusto nitong bilhin ang restaurant na pag-aari niya. Hell will freeze first bago niya ibebenta ang restaurant niya! But as they got to know each other more and more and she let herself be more vulnerable around him, she became uncontrollably attracted to him. Hinayaan din niya ang sariling mahulog rito...until it was too late and he ripped her heart into tiny pieces. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Hello, guys! So I will post another story. If you happened to read my first PHR book (Can't Escape Love), this would be the story of Zoe and Luke. So don't be confused if the characters are somewhat familiar. Hehe. Sa mga hindi nakabasa, okay lang po. Hindi niyo po kailangang basahin 'yung unang libro para maintindihan ito. This is a standalone novel po. 💖 Enjoy reading po!
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 275,360
  • WpVote
    Votes 4,979
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.
NIGHTINGALE TRILOGY book 2: MAGBALIK (UNEDITED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 99,398
  • WpVote
    Votes 1,615
  • WpPart
    Parts 23
"Handa akong pagbayaran nang buong buhay ko ang lahat ng kasalanan ko sa 'yo. Please, Bianchi Villanueva, pakasalan mo ako at maging alipin mo ako habang-buhay." Self-proclaimed man-hater si Bianchi. Bakit? Dahil wala namang idinudulot na maganda sa buhay ng mga babae ang mga lalaki! Mga paasa lang sila! Mga manloloko! Mga manggagamit! Bakit pa ba siya maniniwala sa mga lalaki kung buong buhay niya, namulat siya sa pagloloko ng isang lalaki. Hindi nga ba't kaya wala siyang kinagisnang ama ay dahil iniwan lang nito ang kanyang ina? At siyempre, may sariling pinaghuhugutan din si Bianchi dahil minsan na rin siyang naloko ng isang lalaki. Ang ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at guwapong si Taylor! Oo, inaamin niya, guwapo si Taylor. Eh, ano naman? Manloloko naman ito! Iniwan na lang siya basta, pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila. Kaya hinding-hindi na siya maniniwala sa kahit kaninong lalaki! Kaya lang, pagkalipas ng limang taon, bumalik si Taylor sa buhay niya. Ito pa rin ang dating ubod ng walanghiya, antipatiko, presko, at oo, ubod ng guwapong si Taylor. Panay ang pa-cute ni Taylor sa kanya. Duh! As if naman magpapaapekto siya. Not in this lifetime. Lalo pa't ang puso niyang traidor ay tumitibok pa rin sa binata kahit na anong kaila ang gawin niya. But never will she ever admit it to him. Baka masaktan lang uli siya. Iyon nga lang, hindi pa man nalalaman ni Taylor na mahal pa rin ito ni Bianchi, nasaktan na agad siya. Paano, ang sabi ni Taylor, ibalik na lang daw nila ang dati nilang samahan. 'Yong samahan kung kailan naging mabuti silang magkaibigan. Ouch!
CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 101,875
  • WpVote
    Votes 1,582
  • WpPart
    Parts 12
"Stop begging me to let you go. Because that's the last thing I'd do." Pagkalipas ng sampung taon, bumalik si Casey sa Pilipinas sa pag-aakalang nalimutan na ng lahat ang kanyang madilim na nakaraan. Pero nagkamali siya. Dahil hindi pa man siya nagtatagal sa bansa ay ginulo na siya ng mga tao sa kanyang nakaraan. At isa na roon si Gideon, ang lalaking naging malaking parte ng nakaraan niya. Tatakas na sana uli si Casey pero dalawang bagay ang pumigil sa kanya. Una: ang kagustuhan niyang makasama uli si Gideon kahit kumokontra doon ang kanyang puso at Pangalawa, gusto niyang masiguro ang kutob niyang mayroong inihahandang sorpresa ang binata para sa kanya. Aminado si Casey na mahal pa rin niya si Gideon kaya nakahanda siyang ayusin ang gusot na namagitan sa kanila. Mukhang ganoon din ang gusto ng binata kaya nagkasundo silang ibalik ang dating magandang samahan nila. Maayos na sana ang lahat. Kaya lang, nalaman niyang ikakasal na pala si Gideon sa iba at inililihim lang nito iyon sa kanya.
A Stolen Kiss and A Love Charade (Published under PHR 2015) - COMPLETED by YaneyChinita
YaneyChinita
  • WpView
    Reads 125,778
  • WpVote
    Votes 2,664
  • WpPart
    Parts 12
A Stolen Kiss And A Love Charade (July 2015) by Yaney Matsumoto "Hindi mo kailangang magbago para sa sa 'kin, Curtis. Na-realize ko na hindi ko naman kailangan ng perfect boyfriend. Na walang standard, standard pagdating sa pag-ibig. Ang mas importante ay 'yong sigurado akong mahal ako at mahal ko rin." Hindi inasahan ni Katrina na tutulungan siya ni Curtis-member ng famous rock band, ubod ng guwapo, talented, at sobrang sikat-upang itaboy ang isang makulit na manliligaw. Nagpanggap itong boyfriend niya, ngunit may hinihingi itong kapalit. And then they were both involved in a kissing scandal. Ipinagkalat pa ni Curtis na girlfriend siya nito. Nagalit tuloy sa kanya ang legion of fans nito. And worst, they were calling her names! She was mad, of course, dahil wala naman iyong katotohanan. Ngunit nakiusap si Curtis na magpanggap siya bilang girlfriend nito. Maging ito pala ay may iniiwasang makulit na admirer. Kaya pumayag na rin siya. Oh, well, nagbabayad lang naman siya ng utang-na-loob. Iyon lang at wala nang ibang dahilan. Ngunit bakit gano'n na lang ang epekto ng mga ngiti, titig, at pasimpleng halik sa kanya ni Curtis? Bakit parang kinikilig siya? Posible kayang nahuhulog na ang loob niya sa lalaking mula pagkabata ay kinaiinisan na niya? PS: This is the raw and unedited version so pardon the typos and grammatical errors you may come across with. This story is connected to my first PHR novel Tatta Hitotsu No Koi (Shinji and Erika's story). So you gotta read that first if you want to be familiarized with the characters. Thank you for reading! ~Yaney