RukiGascon's Reading List
12 stories
GEMME, The Cheerleader [COMPLETED] (St. Catherine University Series Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 259,838
  • WpVote
    Votes 7,062
  • WpPart
    Parts 25
Tuwang-tuwa si Gemme nang mabalitaan niyang nag-break na sina Owen at Fia. Naisip niyang sa wakas ay magkakaroon na siya ng pag-asa kay Owen, ang lalaking pinapangarap niya. Pero hindi malubos ang saya niya dahil mahal pa rin ni Owen si Fia at determinado itong mapabalik dito ang ex-girlfriend. May naisip na plano ang mga kaibigan ni Owen para mapabalik dito si Fia. Kailangan nito ng pretend girlfriend para pagselosin si Fia. Nag-apply siyang bagong girlfriend nito. Habang nagpapanggap siyang girlfriend nito ay plano niyang paibigin si Owen para sa huli ay hindi na nito maisipan pang bumalik kay Fia at maging totohanan ang kanilang relasyon. Pero hindi pala madaling mapaibig ito. Mukhang kailangan niya ng dibdibang pang-aakit dito. *Wattpad version only. (unedited with some deleted parts) *Printed book still available in bookstores . Please do grab a copy
Bud Brothers Series Book 2: My Golly, Wow Betsy! (Published by PHR, Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 251,655
  • WpVote
    Votes 5,647
  • WpPart
    Parts 21
May misyon sa Bud Brothers Farm si Betsy: Susubaybayan at aalamin ang lahat-lahat tungkol kay Wayne Alban, ang misteryosong boyfriend ng kanyang amo. Unang araw pa lang niya roon ay pumalpak na siya nang madaganan at masira niya ang precious hibiscus hybrid ng lalaki. Nangangatal man ang lahat-lahat sa kanya ay umamin siya rito ng kasalanan. "Kahit ano ho ang iparusa n'yo sa akin, tatanggapin ko, mapatawad n'yo lang ako," sabi niya sa dark and utterly mysterious na si Wayne. "Okay. Be my wife," sabi nito. Gilalas siya. Parusa ang hinihingi niya, hindi biyaya!
Bud Brothers Series Book 3: Red Roses For A Blue Lady (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 180,517
  • WpVote
    Votes 4,396
  • WpPart
    Parts 21
Ang gusto lang ni Coco Artiaga ay ang mamuhay nang tahimik at nag-iisa. Ang mapagbintangang aswang ang huling bagay na gusto niyang mangyari sa kanya, pero iyon nga ang nangyari. Sinugod ng taong-bayan ang lumang bahay na tinitirhan niya at balak pa yata siyang sunugin ng mga ito nang buhay dahil nga naniniwala ang mga ito na isa siyang aswang. Enter Carlo, her Lilliputian knight. Buong gilas siya nitong ipinagtanggol sa mga nang-aakusa sa kanya. "Mga katoto, aswang man po ay may karapatan sa due process, ayon sa Saligang Batas ng bansang Pilipinas!" buong giting na wika nito. Itinalaga pa nito ang sarili na maging tagabantay niya. Kapag daw nahati ang katawan niya, ito na ang bahala sa maiiwan niyang kalahati. Mahilig daw ito sa magagandang legs.
Blush Series 3: Crush Curse (Completed) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 290,467
  • WpVote
    Votes 6,259
  • WpPart
    Parts 18
"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng magpakasal ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator nitong kapatid. Inis si Mirinda kay Mack dahil sinasabihan siya dati na bad influence kay Becka. Pinag-resign pa ng lalaki sa trabaho ang kapatid para tuluyang mailayo sa kanya. Kaya nagtaka siya kung bakit napapayag sa request ni Beka. Maybe she was just plain stupid. Or was it something else? Because Mack may be tyrannical, but he was also irresistibly gorgeous.
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 296,914
  • WpVote
    Votes 6,762
  • WpPart
    Parts 17
Dahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Island. Gusto ni Margot na mag-spy siya sa aktor. Kaya ora mismo, lumipad siya papunta sa isla. Ang nadatnan ni Tipper doon ay isang lalaking nagpanganga sa kanya. Alberto was indeed larger than life. Tall, dark and brooding. Ang kaguwapuhan nito ay hindi dala ng matangos na ilong o ng nangungusap na mga mata kundi ng karakter. Hanggang sa ipakilala nito ang sarili. "You see, my dear Tipper, my name's 'Algernon.' Algernon Tobias Fierro, Alberto's older and more dashing brother." Biglang nagdoble ang tingin niya sa lalaki.
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 204,891
  • WpVote
    Votes 4,912
  • WpPart
    Parts 15
Ang balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa proposal para tulungan si Ronald na pagtakpan ang pagiging miyembro nito ng federasyon. Pero tinangay siya ni Robertito-ang kapatid ni Ronald. Kailangan kasi ng lalaki ng pera at ayaw aprubahan ang loan nito sa kompanyang pag-aari ng sariling pamilya. At wala itong balak na isauli siya kay Ronald hangga't hindi naaaprubahan ang loan! Sa lahat naman ng na-kidnap, si Perdita lang ang nagdasal na huwag sana siyang tubusin dahil nabighani agad ang puso niya sa kanyang abductor. At sa lahat naman ng mga kidnapper, si Robertito lang ang masama ang loob nang ibigay na rito ang ransom para sa kanya.
Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 410,405
  • WpVote
    Votes 9,611
  • WpPart
    Parts 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, saka niya natuklasan ang katotohanan-na ibinenta pala siya ng kanyang kaibigan sa lalaking pagbibigyan niya ng sulat para maging asawa nito. Sa tindi ng galit, hindi nagawang i-appreciate ni Agripina ang kaguwapuhan ni Aristeo Cuevas III. Sukdulang magkatabi na sila sa higaan ay hindi pa rin niya magawang pansinin ang pagpapalipad-hangin ni Aristeo, gayong pareho nilang alam na kahit kailan ay wala pang babaeng tumanggi rito...
Cath & Doug by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 34,156
  • WpVote
    Votes 781
  • WpPart
    Parts 9
To read the missing chapters for free, go to my blog-- ayilee.com and click the "Novels" on the menu. Published na ang print book nito. Available na sa bookstores near you :) Magbe-bestfriends ang parents nina Catherine at Douglas. Magkatabi pa ang mga bahay nila. Hindi pa man isinisilang sa mundo ay ipinagkasundo na ang dalawa sa isa't-isa na balang araw ay magiging mag-asawa para maging ganap na silang iisang pamilya binded by law. But Cath and Doug were like cats and dogs. They hated each other since they were kids. Hanggang sa lumaki ay nagbabangayan at nag-aasaran sila. Kaya naman sumuko na ang mga magulang nila na i-matchmake sila sa isa't-isa. Hanggang isang umaga, nagising na lang ang dalawa na magkatabi sa iisang kama. Pareho silang hindi maalala ang nangyari nang nagdaang gabing may mamagitan sa kanila dahil kapwa silang nalasing sa isang party. They both decided to forget about what happened and consider that night as just a nightmare. Pero ang "nightmare" na iyon ay hindi pala nagtatapos doon. Dahil after three weeks ay nalaman na lang ni Catherine na may laman na ang sinapupunan niya at si Douglas ang ama ng ipinagbubuntis niya! Puwersahan silang ipinakasal ng mga magulang nila para makaiwas sa kahihiyan. Pero kahit mag-asawa na ay patuloy ang pagbabangayan nila. Until one day, na-realize na lang si Catherine na may iba na siyang nararamdaman para sa ama ng anak niya. Can someone love and hate someone at the same time? *Note: Unedited version. Watch out for the published book soon.
Love Is Only In The Movies [COMPLETED] (Xander Avila-Drop-dead Playboys Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 307,301
  • WpVote
    Votes 6,863
  • WpPart
    Parts 58
*Love Is Only In The Movies is a novel turned TV series on ABS-CBN last 2010. It was starred by Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez. *Already published in print book and ebook format.
Pen Name: ilovesushi (St. Catherine High Series Book #5) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 13,822
  • WpVote
    Votes 465
  • WpPart
    Parts 8
**Available in bookstores** Ako si Janna San Pedro. Sixteen. Bookworm. Nerd. Unpopular sa SCHS. Pero sa Wattpad, I was popular as an author. I went by the pen name "ilovesushi." Walang nakakaalam na nagsusulat ako sa Wattpad. Hindi nila alam na ako ang nasa likod ng mga istoryang kinakikiligan nila. Yes. I was a hopeless romantic. Literal na hopeless, kasi ang kaisa-isang lalaking crush ko simula pa lang noong grade five, ay ang isa sa pinaka-popular guys in school. Si Jeremy Bernardino. Seventeen. Captain ng school soccer team. Heartthrob. At may equally popular girlfriend. He did not even know I exist and he would not even look at me. Kaya imposibleng mapansin niya ang isang tulad ko. Dala ng frustration, isinulat ko na lang ang pinapangarap kong "love story" namin ni Jeremy sa Wattpad. Hindi ko binago ang pangalan niya bilang hero. Kaya naman nagising na lang ako isang araw at nalamang hinahanap na raw ni Jeremy ang misteryosong writer ng nobela sa Wattpad. No! Hindi niya puwedeng malaman kung sino si ilovesushi. Kasi magkaka-idea siya na iyong nerd at unpopular na babaeng love interest niya sa nobela ay walang iba kundi ako! Nakakahiya!