Misa_Crayola
Naiinis si Stefan na isinilang siyang Omega. Malaki ang disappointment sa kanya ng ama dahil mababa ang pagtingin nito sa kanilang mga Omega. Nabuhay pa rin naman na marangya si Stefan at nag-aaral pa rin sa magandang eskuwelahan, ang gusto ng kanyang ama ay makahanap pa rin siya ng Alpha na papantay ang yaman sa kanila, mahal siya nito, pero disappointed ito lalo at lalaki siyang Omega habang ang kanyang ina ay isang babaeng Alpha.
Nagagalit siya na wala siyang magiging kalayaan katulad ng mga kapatid sa ama na isinilang na mga Alpha, at dahil din sa pagiging Omega niya nagkaroon ng posisyon ang mga anak sa labas ng ama sa loob ng kanilang tahanan.
Mayaman sila't marangya ang buhay, lahat ng mayroon ang karamihan sa mga Alpha ay mayroon siya kaya naman lalo pa siyang naiinis na ang isang mahirap na katulad ni Gin na nagbebenta ng katawan ay isang Alpha, hindi lang basta Alpha, isa 'tong Dominant Alpha.
Para ilabas ang frustration at hamakin ang katulad nitong Alpha, binili ni Stefan ang isang buong taon ni Gin para maging personal niyang taga-aliw, marahil ang hamakin ito at gawin niyang laruan ay makapagbigay sa kanya ng lakas ng loob na tanggapin na isa siyang Omega at mas higit na iyong maayos kaysa sa lalaking Alpha na isinilang na isang kahig at isang tuka.