cashewsbeast
Si Thale Gavin Atkinson ay isang 18 anyos na binata, isang anak-mayaman na mahilig makipaglaro at landian sa kahit kaninong babaeng magugustuhan nito.
Walang nagtatagal sa kaniya sapagkat siya nga ay isang babaero. Ngunit, kahit naturingan itong playboy, hindi pa rin nito nagagawang takasan ang responsibilidad bilang nag-iisang anak ng mga Atkinson.
Hindi niya pwedeng baliwalain at pabayaan ang kaniyang pag-aaral dahil siya ang magmamana at magtataguyod ng kanilang kompanya't sari-saring negosyo pagdating ng araw.
Sa kabilang banda, si Alexynn Nesha Cantrell ay isa ring 18 anyos na dalaga. Siya ang tipo ng babaeng mas iniintindi ang kinabukasan kaysa mga walang kabuluhang bagay.
Maraming nagkakagusto at gustong manligaw sa kaniya ngunit hindi niya binibigyang pansin ang mga ito. Gusto niya munang mag pokus sa pag-aaral at makapagtapos bago pumasok sa isang relasyon.
Isang umaga sa isang park, aksidenteng nagkabanggaan ang binata at dalaga. At sa hindi inaasahan ay nasungitan ng dalaga ang isa at hindi naging maayos ang una nilang pagtatagpo.
Tadhana na nga ba ang naglapit sa kanila o isa lamang itong aksidenteng pagtatagpo? Siya na nga ba ang babaeng bibihag sa puso ng binata at magpapatino rito?
Sa ganito nagsimula ang storya ng isang binatang playboy at isang dalagang ang priority ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
- cashewsbeast