KateJosipin81
The Gangster in Me: Barouxx Dela Cuesta
Tambay sa kanto, sakit sa ulo ng pamilya, at higit sa lahat laging laman ng kaguluhan sa kanilang lugar.
Ngunit nagbago ang lahat ng iyon kay Barouxx Dela Cuesta nang makilala niya Don Teodoro Madrigal, isang mayamang negosyante. Dahil sa pagtulong niya rito, nang minsang napadpad ito sa kanilang lugar. Bilang ganti tinulungan siya ng don, pinaaral siya nito ng iba't-ibang klaseng martial arts.
Hindi nagtagal kinuha siya ng don bilang bodyguard nang apo, na hindi namang matanggihan ni Barouxx. Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakilala ang pamilya ng don. Marami pala itong kaaway sa negosyo at higit sa lahat isa pala ang don sa nangangasiwa ng sabong. Hindi sabong ng manok kung hindi nang tao.
Nang alukin siya ng don nang isang laban, kapalit ng kanyang apo na si Riana Maris Madrigal ay agad tinanggap ni Barouxx kahit malagay ang buhay niya kay kamatayan. Dahil nahulog na ang loob niya sa dalaga, maging si Riana ay gano'n din.
Ngunit ang hindi alam ng binata ay pakana lamang iyon nang don. Dahil kapag napatay siya sa laban, makukuha nito ang milyong-milyong pusta ng mga tao at mailalayo pa niya ang apo nito.