zinallianna
- Reads 3,764
- Votes 90
- Parts 40
DESCRIPTION
Sa mundong puno ng luho at kapangyarihan, si Izack Yhell Salvation ang may hawak ng lahat. Siya ang Billionaire CEO ng Yhell Group of Companies - may-ari ng mga sikat na fine dining restaurants, luxury hotels, at ang pinakamalaking supplier ng hospital equipment sa bansa. Bukod sa negosyo, isa rin siyang mahusay at kinikilalang General Surgeon.
Malamig, istrikto, perfectionist, at tila walang pakialam sa kahit sino maliban sa trabaho. Para sa kanya, ang pera at tagumpay lang ang tanging katotohanan. Wala nang puwang ang pag-ibig o anumang emosyon sa buhay niya.
Samantala, sa kabilang banda, naroon si Rhianna Gomez - isang simpleng dalagang kumakayod bilang waitress sa isang sikat at mamahaling restaurant upang maitaguyod ang kanyang sarili. Wala siyang maipagmamalaking yaman o titulo, pero may pusong busilak, masipag, at handang gawin ang lahat para mabuhay.
Magkrus kaya ang landas nila sa hindi inaasahang pagkakataon, o mananatiling strangers sila panghabambuhay? Sa agwat ng mayaman at mahirap, may pag-asa bang mabuo ang pag-ibig? O mananatili lang silang dalawa sa magkabilang dulo ng mundo??