Comfort stories🧘🏻‍♀️
7 stories
Lucid Dream by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 14,456,269
  • WpVote
    Votes 583,579
  • WpPart
    Parts 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music. Meron namang nagsusulat, nag d-drawing, nag p-paint, at nag co-compose ng kanta. Pero si Angelique, ang paraan niya ng pagtakas sa reyalidad ay tuwing nananaginip siya. Dahil meron siyang ibang kakayahan. Ang kakayahan na kontrolin at i-manipulate ang sarili niyang panaginip.
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,296,399
  • WpVote
    Votes 88,355
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,531,525
  • WpVote
    Votes 585,250
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Pursuing Our Freedom| ✓ by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 14,682,456
  • WpVote
    Votes 570,208
  • WpPart
    Parts 51
[SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIBxWattpad] seniors series #3 A Senior Highschool series. complete [unedited] We are expected to be filial to the ones who brought us into this world. Pero hanggang saan ba ang hangganan ng pagiging mabuting anak? Philomena Gracia Valderama is the epitome of an obedient daughter, lahat ng utos sa kan'ya ng kan'yang mga magulang ay sinusunod n'ya nang hindi ito kinukuwestiyon. There's only one thing that she can't give to them freely, her choice of career. Pero sa huli, she still can't repel from their decisions and she has to sacrifice her passion for practicality. She's currently in HUMSS, because they want her to take law in the future even if she wants to be a teacher instead. Iscalade Jance Altreano is the social butterfly of the STEM strand, lahat 'yata ay kaibigan n'ya kahit ang mga terror nilang professors ay nagiging matalik n'yang kasundo. Except for her, this particular shy girl who tells him that he is her best friend. At sa unang pagkakataon sa buhay n'ya, he doesn't want her to be on his list of friends... because he certainly wants more. We all want to be freed from the invisible chains that we don't let others see but sometimes staying chained is easier than pursuing our freedom. highest rank: #3 teen fiction
Hold You Accountable (Published) | ✓ by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 20,979,002
  • WpVote
    Votes 777,865
  • WpPart
    Parts 48
(PUBLISHED UNDER Bliss Books AND Flutter Fic) seniors series #1 A Senior Highschool series. complete [unedited] 1# NBS Bestseller under Local Fiction [July 2024] Madali lang daw ang maging honor student. You just have to mix intelligence, perseverance and start being assiduous with almost everything - then you'll be rewarded with the medals you have always yearned for. Zafirah Sidney Sanchez has always been like that ever since she stepped her feet in the school grounds. Kaakibat ng pagiging honor student niya, she has always put her grades above everything and believes that she can be the best among the rest. When she met Sarathiel Zyler Aracosa of the STEM strand, he trampled on her ego when his grades were greater than hers and to add salt to the wounds - the guy did it so effortlessly. Being affronted with the sudden revelation that her enemy might just have it all even without inserting any effort, Zafirah made it her school life's mission to beat him when it comes to academics. But what if instead of the passionate hatred that she is insisting to have for him, a burning love would surface? At paano kung ang inaalagaan niyang titulo ay tuluyan nang maagaw sa kanya? And if things go wrong, who do we hold accountable for our choices? Is it our hearts or our minds? highest rank: #1 teen fiction
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,169,219
  • WpVote
    Votes 1,322,002
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Mistakes We Can't Laugh About (Loser #2) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,853,792
  • WpVote
    Votes 1,307,700
  • WpPart
    Parts 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you shared with your first boyfriend, those failed recitations that your classmates don't seem to forget, and those poor outfit ideas that you once thought were cute. Iyong mga dating nakakahiya, nakakainis, at masakit para sa 'yo, pagdating ng araw, ngingitian mo na lang. Maybe by then, you'll realize how much time you've invested in being too emotional. Pero may mga bagay na kahit matagal nang nangyari, hindi natin magawang tawanan. Siguro dahil nakakahiya pa rin? Siguro dahil nakakainis pa rin? O siguro, dahil masakit pa rin? For Amari Sloane Mendoza, it's all of the above. Among all the awkward, failed, and poor instances, falling in love with her classmate, Leon Ysmael Zamora, is the only mistake she can't laugh about.