Anndrienne_0903
- Reads 387
- Votes 21
- Parts 12
2013 nang pumunta si Daisy sa South Korea para hanapin ang kanyang nakababatang kapatid na pinaampon ng kanyang ina sa mag-asawang korean national 15 years ago. Hindi naging madali ang buhay ni Daisy sa South Korea lalo na ng dumating na ang expiration date ng kanyang tourist visa sa nasabing bansa. Hindi pa niya nakikita ang kapatid dahil doon ay napilitang magstay ni Daisy sa Korea kahit na illegal na ang kanyang pananatili doon. Thank you to Sampaguita Hipolito na naging kaibigan niya sa bansa. Pero malas nga talaga siguro si Daisy dahil mismong taga immigration pa ang nakahuli sa kanya!. Si Michael Lee na ubod ng suplado at ni hindi man lang pinakinggan ang pakiusap niya dito sa hayaan muna siyang mag-stay sandali sa bansa nito habang inaakiso niyang muli ang kanyang tourist visa. Pina-deport siya nito sa Pilipinas! At hindi lang yun! Bukod sa may penalty na kailangan siyang bayaran sa Korea pina-ban din siya nito ng tatlong taon! Galit na galit si Daisy sa ginawa ni Michael sa kanya. Kaya naman sisiguraduhin niyang magbabayad si Michael sa kanya pagbalik niya ng South Korea!
Magawa nga kayang makabalik ni Daisy sa South Korea kung ang lalaking tinuturing niyang mortal na kaaway pala ang susi para makabalik siya sa bansa? Paano kung bandang huli siya pala ang mangailangan ng tulong dito para makabalik ng korea at hanapin ang kanyang kapatid?
Pero paano kung maging malakas ang koneksyon nilang dalawa ni Michael Lee kapag nakilala niya ang anak nito na si Ji Hyun?