InexorableSerene
- Reads 7,360
- Votes 2,440
- Parts 54
Registered Nurse si Seravina "Avi" Valez.
Board passer. Government hospital nurse. Iyong klaseng nurse na kahit nanginginig na ang katawan sa pagod, tumatakbo pa rin kapag may code blue sa kabilang ward.
By daylight, she survives beneath fluorescent hospital lights and overcrowded hallways, catching lives the system keeps failing, double shifts, delayed salary, and endless exhaustion. Pero araw-araw pa rin niyang isinusuot ang scrubs niya na parang sapat pa ang pag-asa para bumangon ulit.
But at night, she becomes Sinn.
Babaeng sumasayaw sa ilalim ng pulang ilaw ng Velvet Room habang umuulan ng pera mula sa mga lalaking kayang bumili ng isang gabi pero hindi ng totoong koneksyon.
Hindi niya ikinahihiya ang katawan niya. What ashamed her was the country that turned being a nurse into a survival job.
Antonio Luis Aguinaldo never cared about women dancing beneath neon lights. Bilang tagapagmana ng isang bilyonaryong pamilya, sanay siyang mabuhay sa mundong hindi kailanman nagturo sa kaniya kung ano ang tunay na pagod. Pero isang gabi, habang walang interes na nakatanaw mula sa second floor balcony ng Velvet Room, nakita niya si Sinn.
Hindi ito ang pinakamaganda. Hindi rin ang pinakamaingay gumalaw. Pero habang lahat ay sumasayaw para mapansin, siya lang ang mukhang unti-unting nauubos sa ilalim ng ilaw.
At hindi niya maintindihan kung bakit, pero matapos no'n, hindi na niya magawang tumigil sa paghahanap sa babaeng mukhang pagod nang mabuhay pero patuloy pa ring sumasayaw para mabuhay.