CherrylSergio's Reading List
3 stories
Renz De Marco by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 190,718
  • WpVote
    Votes 4,313
  • WpPart
    Parts 33
"Pagkalipas ng maraming taon, muling nagtagpo ang mga landas nina Renz at Noryn dahil sa anak na itinago nito sa kanya. Puwersahan niyang inuwi si Trace - ang kanilang anak sa Calatrava, kasama si Noryn... at si Hans - ang lalaking pinakasalan at ipinalit nito sa kanya." ======================================= BLURB: Kinukuha ni Noryn ang libro sa dala niyang handbag nang marinig niya ang pagbubukas ng pinto sa cockpit. Nag angat siya nang bahagya ng tingin para lang itulos sa kinauupuan. Pakiramdam niya tinakasan siya ng lahat ng dugo sa katawan nang magtama ang tingin nila ng matangkad na lalaking lumabas mula roon. Kumakabog ang dibdib na napatuwid siya sa pagkakaupo. Renz's expression was unreadable as he approached. Naguluhan si Noryn. How did they end up on board with Renz? Noryn was so anxious that she didn't realize how tightly she was gripping the book. Ngayon naiintindihan niya na kung bakit may dalawang jet planes. Ang isa ay para sa kanila ni Hans habang itong sinasakyan nila ay dederetso sa Calatrava. Hihintayin niya na lang ba ang susunod na mangyayari? In a matter of minutes, ipapatapon na siya ni Renz palabas ng jet. Aalis ang sasakyang iyon nang hindi siya kasama, gustuhin niya man o hindi. Isipin niya pa lang, para na siyang mababaliw. She'd rather die kaysa mabuhay nang wala sa tabi niya si Trace. Nangingilid na ang mga luha at nanginginig ang mga kamay niya nang huminto si Renz sa gilid niya. Noryn swallowed the lump in her throat as she felt Renz tower grimly above her. But pain and betrayal were evident in his voice when he started talking. "Malaya kang bumalik sa Amerika kasama ang asawa mo, Noryn. But you can not take my son with you. Maraming taon na ang nawala sa amin, tama na 'yong isang beses mo siyang ipinagkait sa 'kin."
The Billionaire's Obsession | Rated SPG by iamJonquil
iamJonquil
  • WpView
    Reads 1,574
  • WpVote
    Votes 97
  • WpPart
    Parts 6
Mula sa isang mayaman na pamilya na pinanggalingan Keisha, sino ba ang mag-aakala na halos pulutin na sila ng kaniyang ina sa lansangan matapos nilang maghirap? Paghihirap na hindi rin niya napaghandaan ng dahil sa kaniyang ama. Kung babalikan ang nakaraan ni Keisha, para bang isang panaginip lang ang lahat. Dahil isang araw, magigising na lang siya na nasa isang squatter area na. Maging ang kaniyang pag-aaral ay hindi niya natapos. Dahilan upang hindi siya basta-basta makakuha ng maayos na trabaho ngayon. Saktong natanggal siya sa kaniyang pinagtatrabahuhan nang may sumadya sa kanilang bahay, may trabahong alok kay Keisha na hindi na niya natanggihan pa dahil hindi puwedeng matigil ang maintenance ng kaniyang ina. Ang trabaho? Isang kasambahay. Nasanay na siya sa mga gawaing bahay kaya sisiw na iyon kay Keisha at agad niyang tinanggap dahil na rin sa maayos na sahod. Ang hindi lang niya napaghandaan ay ang magiging amo niya. Walang iba kung 'di ang lalaking buong akala niya, hindi na niya makikita pa. Si Tanner. Ang lalaking kung puwede lang iwasan ngayon ay gagawin niya. Ngunit hindi na siya puwedeng mag-backout sa trabaho dahil sa isang pinirmahan na kasunduan. Baliktad na ang mundo, higit na mas mayaman na ang lalaki ngayon. Hindi lang iyon. Dahil mas malamig pa ito sa yelo kung makitungo sa kaniya. At sa bawat araw na lumilipas, palupit din nang palupit sa kaniya si Tanner na para bang ipinamumukha sa kaniya ang naging kasalanan niya rito noon at kung ano na lamang siya ngayon. ____________________________________________ Mababasa po ito sa 2nd VIP Group. Pa-member na po sa nais itong masubaybayan. 😊 Message my FB Page: Author Jonquil for details ❤️❤️❤️
Taming Ms Disaster's Heart (Published Under PHR) by IamLaTigresa
IamLaTigresa
  • WpView
    Reads 277,433
  • WpVote
    Votes 7,093
  • WpPart
    Parts 14
Taming Miss Disaster's Heart By La Tigresa 42php "Sa tingin mo ba hindi ako apektado sa pagngisi-ngisi mo o sa pag-irap o tawa mo? You have no idea how my heart throbs everytime I see you..." Hindi nakatanggi si Trace De Marco nang ipadala ni Atty. Alejandro Banderas ang apo nito sa kanila sa Calatrava para sa isang buwang bakasyon. Trace had heard so much about Christine Joy "Nowan" Gonzales hindi pa man niya nakikita ang babae. Quarrelsome, impulsive, rough and unrefined. Kung mayroon man siyang gustong gawin kay Christine Joy, iyon ay ang putulin ang sungay nito. Magagawa nga kayang turuan ni Trace ng leksiyon si Christine Joy kung may ilang mahahalagang bagay na nakalimutang banggitin sa kanya si Atty. Alejandro tungkol sa apo? The old man forgot to mention that Christine Joy was the eleven-year-old "crazy" little girl Trace promised to marry ten years ago. Sinadya rin ba ng matanda na huwag banggitin na kahit "crazy" pa rin ang apo, si Christine Joy naman ang klase ng babaeng papangarapin ng bawat Adan sa mundo? #LaTigresa #PreciousHeartsRomances #Phr #TraceDeMarco ====== Wattpad Highest rank : # 188 in Romance Top 2 Precious Hearts Romances Best Seller for the month of August 2018