ScratchPaper9's Reading List
3 stories
Maria Clara'ng Gangster by ScratchPaper9
ScratchPaper9
  • WpView
    Reads 528
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 14
Si Maria Josephina Clara Alba Mercado, ay isang simpleng mag-aaral lamang- teka, sandali! Simple nga ba? Oo, yata- tipikal na estudyante lamang. Masipag lang naman siyang mambwiset, mangulit- este! Masipag siya at napakabait. Hindi makabasag pinggan ang kanyang kadaldalan- ang ibig kong sabihin ay napakatahimik na animo'y kabaligtaran ni Maria Clara- este! Waring si Maria Clara'ng banal na Binibini. Dala niya palagi ang laruang fart bomb, na kung saan ay ipasasabog sa buong klase- ang ibig kong sabihin ay dala palagi ang kanyang aklat, upang magsabog ng karunungan sa klase. Ang angkin niyang pamimilosopo ay hindi matatawaran, ang nais ko lang naman sabihin ay ang kanyang pagiging huwaran. Kailanman ay hindi naging laman ng guidance office- maya'tmaya lang naman. Dahil ipinatatawag sa angking kapilyahan- este! Kasipagan. Iyan si Maria Josephina Clara A. Mercado A.K.A "Maria Clara" A.K.A "Joey" A.K.A "Silver" ang napakaganda, makulay, marumi, mabaho at punung-puno ng kapilyahan niyang buhay ay magbabago. Dahil siya'y papasok sa isang hindi pangkaraniwan na paaralan, at sa kuwentong ito malalantad ang kanyang buong pagkatao. At makikilala niya ang isang binatang hindi pangkaraniwan ang katangian. Sa isang paaralan na ito, na kung saan ang ilang mga estudyante ay may mga microchip implant sa kanilang mga utak, upang sila'y makontrol ng paaralan at puwersahang magsilbi sa mga mag-aaral na may mataas na antas sa paaralan. May magagawa kaya si Josephina para sa mga kaawa-awang estudyante na ito? At dito magsisimula ang kuwento ni Maria Josephina Clara A. Mercado, ang itinatago na bunsong kapatid ng Mercado Brother's, at kaisang-isang tagapagmana ni Silver. -Papel????
Sandig by ScratchPaper9
ScratchPaper9
  • WpView
    Reads 467
  • WpVote
    Votes 14
  • WpPart
    Parts 10
Isang babaeng sandig, na mapupunta sa kasalukuyang panahon na kilala bilang isang "paragahin" o ingat-yaman ng anak ng Rajah na nakatakda mamuno sa kanilang puod, sa kanyang naiwang panahon. At makikilala niya si Azul na kahawig ng kanyang pinaglilingkurang panginoon na si A-lon. Paano kung mahulog ang puso ni Ah-rem sa binatang si Azul sa kasalukuyan? Na kahawig ng kanyang panginoon? At paano kung dumating ang panahon na kailangan niyang mamili? Ang kasalukuyang panahon o ang kanyang naiwang nagisnan na panahon? Paano na si Azul? At paano na si Ginoong A-lon? Na kanyang panginoon na lihim na iniibig.
Huadelein Delzado "Ang Bai" by ScratchPaper9
ScratchPaper9
  • WpView
    Reads 7,473
  • WpVote
    Votes 1,317
  • WpPart
    Parts 81
Maniniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ninuno. Na kung saan noon ay pinamumunuan ng Rajah, mga Datu at ng mga sultan. Ito ay isang mayamang kultura at kinaugalian ng ating mga ninuno, na magpa-hanggang ngayon ay pinagyayaman ng isang Rajah na kung tawagin ay Rajah Bagani. Si Rajah Bagani ay may apat na mga anak, ang panganay ay si Ginoong Isagani at may tatlo itong Binukot na mga anak sina Bai Helena, Bai Huada at Bai Hera. Sa kanyang apat na anak si Bai Huada ang isa sa pinaka pilya, nais nitong lumabas ng kanyang Bukot upang masilayan ang labas ng puod at maranasan ang o na kinabibilangan ng kanyang amang Rajah, na tiyak ay hindi magiging madali para sa Bai. -ScratchPaper