magalangbinesa's Reading List
19 stories
ONE SHOT STORIES [COMPLETED]  by kissoftragedy
kissoftragedy
  • WpView
    Reads 4,417
  • WpVote
    Votes 232
  • WpPart
    Parts 12
Mula sa malawak kong imahinasyon ang mga istoryang ito. Lahat natatapos, nagbabago at nawawala kaya sana ay maging bukas ang iyong isipan sa reyalidad. Maaaring matapos ang istorya ng buhay mo nang masaya o kabaliktaran nito. Language : Taglish Date started : November 21, 2020 Date ended : December 07, 2020
UGMA by AlingAleng_
AlingAleng_
  • WpView
    Reads 65,353
  • WpVote
    Votes 2,348
  • WpPart
    Parts 27
Wattpad Webtoon Studios Winner Wattys 2022 Winner - Young Adult Si Maria Maruha Ignacio ay isang Pasigueñong ipinanganak sa 70s at isang certified batang 80s. Umiikot lamang ang kaniyang kabataan sa kaniyang ultimate crush na si Aga Muhlach, sa pag-abang sa radyo ng mga paborito niyang kanta, sa pagrenta niya ng mga VHS o betamax, sa pagnood ng mga palabas habang kinakain ang tig-pisong mga chichirya, sa pagkabisado sa mga sikat na kanta sa Jingle Songhits, sa paglaro sa mga sikat na games sa arcade ni Lolo Pedring, at sa pagtambay sa ilalim ng puno ng kaimito kasama ang matatalik na mga kaibigan. Wala siyang ideya na hindi mabubuo ang kaniyang kabataan kung hindi niya mararanasan ang pana ni Kupido. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana sapagkat sa dinami-raming lalaki sa mundo ay sa kaniyang kaibigan pa siya mahuhulog. Gagawa siya ng paraan upang mapigilan lamang ang kaniyang nadarama para rito. Ngunit sa pag-iwas sa pag-ibig ay hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nawawala ang kaniyang pinakaiingatan. Pipigilan na lamang ba ni Maruha ang kaniyang nadarama dahil iyon ang tama o kailangan na lamang niyang tanggapin ang katotohanan na mag-isa siyang uusad sa kolehiyo na wala sa kaniyang tabi ang mga kaibigan? Nasimulan: June 20, 2021 Natapos: August 14, 2022
Choco Mint (Little Cupcakes Series: Book 2) by icewendy
icewendy
  • WpView
    Reads 43,719
  • WpVote
    Votes 699
  • WpPart
    Parts 11
Pretend girlfriend ang role ni Gwen sa buhay ng best friend niyang si Tony para pagtakpan ang gender problem nito. Single mom naman ang role niya nang kupkupin si Mint na inulila ng kanyang ate. Wala na siyang reklamo sa takbo ng kanyang buhay. Pero nagulo ang sitwasyon sa biglang pagsulpot ni Renton, ang totoong ama ni Mint. Noong una, hindi pumayag si Gwen na magpakilala ang lalaki kay Mint dahil para sa kanya, wala na itong karapatan sa bata nang iwan nito ang mag-ina. Pero tinakot siya ni Renton na magkikita sila sa korte kung hindi siya papayag kaya wala siyang naging choice. Habang tumatagal ang pagsasama nila ni Renton, may na-realize si Gwen. Parang gusto niyang dagdagan ang role na gagampanan. Parang gusto niyang maging girlfriend ng tatay ni Mint. Si Renton naman, parang hindi lang ang pagpapakaama kay Mint ang gusto, kundi ang maging tunay na siyang ina at maging totoo na silang pamilya. Pero paano? Nakakulong pa siya sa kasunduan nila ni Tony, habang may babae naman sa nakaraan ni Renton na bumalik sa buhay nito.
My Clumsy Love by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 111,360
  • WpVote
    Votes 1,977
  • WpPart
    Parts 20
Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing palpak ang lahat ng mga date niya. Malakas ang kutob niya na may dalang malas sa buhay niya si Sam-ang lalaking dumurog sa puso niya may dalawang dekada na ang nakalipas. Mula noon ay itinigil na niya ang pangangarap na ito ang magiging groom niya pagdating ng araw. Pero tila ayaw makisama ng tadhana. Pilit na nagsusumiksik sa isip niya ang mga alaalang nag-uugnay sa kanya kay Sam-her first kiss, first dance, and a love she couldn't seem to run away from after all these years...
Say You'll Stay (COMPLETED) by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 117,583
  • WpVote
    Votes 1,497
  • WpPart
    Parts 11
Supermodel No. 6 Romeo Garzon, "Ang Masungit" sa TMA.
Let Me Be Your Only One (COMPLETED) by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 163,590
  • WpVote
    Votes 2,536
  • WpPart
    Parts 11
Supermodel No. 3 John Phillip de Raven, "Ang Papa Phi" ng TMA.
THE STORY OF US: PATTY AND ANDRES (published under PHR2370)  COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 272,806
  • WpVote
    Votes 2,720
  • WpPart
    Parts 11
Masugid na nanliligaw si Andres sa kaibigan ni Patty na si Azenith. Maliban sa kanya, botung-boto ang lahat sa binata para sa kanilang kaibigan. Matagal na silang magkakilala ni Andres pero ni hindi siya pansin nito. Bilang ganti, madalas niyang asarin ito. Pikon at suplado kasi si Andres kaya natutuwa si Azenith na kulitin ang binata. Nang mabasted ito, somehow, ikinaligaya niya iyon. Nalaman niya ang dahilan kung bakit... nang halikan siya nito.
Camp Speed Series 8: The one who holds my heart [Published Under PHR] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 35,237
  • WpVote
    Votes 578
  • WpPart
    Parts 11
He still has the power to make her heart skip a bit. College pa lang ay gusto na ni Zeke si Akane Mishima, ang weird pero napaka-gandang transferee sa Unibersidad nila. Kaya naman laking tuwa niya nang maging malapit sila sa isa't-isa. Lalong umusbong ang nararamdaman niya para sa dalaga nang makilala niya ang ugali nito. At pakiramdam niya ay pareho lang naman sila ng nararamdaman base sa mga ikinikilos nito kapag magkasama sila. Pero naglaho ang lahat ng ilusyon niya nang makita niya itong kayakap ang kaibigan niyang si Kiel. At lalong sumidhi ang sakit na nararamdaman niya nang malaman niyang magkasamang umalis ng bansa ang mga ito. Maayos na siya. Nakapag-move on na siya. Iyon ang itinatak niya sa kukote niya sa loob ng pitong taon. Inabala niya ang sarili niya sa negosyo niya at sa pangangarera. Hanggang sa isang araw, habang itinataboy niya ang isa sa mga babaeng nagpapasakit ng ulo niya, nakita niya itong naglalakad palapit sa kanila. Hindi na siya nag-isip at bigla na lang niya itong hinalikan sa labi. Boom! Sa isang iglap, nakapasok na naman ito sa nananahimik na buhay niya. At doon niya na-realize na hindi nagbago ang nararamdaman niya para dito! Eh ano ngayon kung may Kiel na sa buhay nito? Babawiin niya ito, by hook or by crook!
Driveway to Elvis by Zmnth26
Zmnth26
  • WpView
    Reads 487
  • WpVote
    Votes 22
  • WpPart
    Parts 17
Elvis Avin Mercedes, eldest son of Cristto Alagon Mercedes. Elvis Avin Mercedes and Rya Del Caza are both racers. They are ride buddies since they were young. Pareho sila ng passion bagama't kakompetensya ang tingin nila sa isa't isa. Frienemy ika nga. "Itapon mo na 'yang motor mo at magpatakbo ka nalang ng business ng pamilya niyo. Ladies have no room for this kind of race. Maawa ka nalang sa mga pumupusta sayo." Ang mas nagpapainsulto kay Rya ay tuwing tatapatan siya ni Elvis sa gitna ng karera. Lilingon pa ito upang ipakita lamang kung paano siya nito kadaling lalagpasan at bubugahan ng usok mula sa motor na sinasakyan nito. Napakababa ng tingin sa kanya ng lalake. Kaya naman tinawanan niya lamang ito noong magtapat ito ng nararamdaman noong junior highschool sila. Ganti niya na iyon sa pambubully nito sa kanya mula noong bata pa sila. Wala sa hinagap ni Rya na balang araw ay makikilala ito sa larangan ng pagkakarera, na kahit saan siya titingin ay makikita niya ang mukha nito- ang mukha ng lalakeng sinayang niya. Lumaki sila at sumikat ito, walang nagbago sa pakikitungo sa kanya ni Elvis. Palagi pa din itong nang-iinsulto, ngunit sa pagkakataong iyon ay wala na itong kaakibat na amor. Ang 'frienemy' nilang status ay tuluyan nang naging 'enemy'. Kalaban ang tuluyan niyang naging tingin dito. Hindi niya alam kung iyon din ba ang dahilan ng pag-init ng kanyang ulo sa tuwing napapaligiran ito ng mga babae.
When Love and Hate Collide by NnykeLotsisa
NnykeLotsisa
  • WpView
    Reads 5,731
  • WpVote
    Votes 130
  • WpPart
    Parts 8
"Gwapo nga,Manyak naman!" "Maganda nga,Masungit naman" Hindi maganda ang unang pagkikita nina Kieth at Zac.Sa una palang marami na silang hindi pagkakaunawaan.Para silang aso't pusa kung magbangayan. Sa madaling salita hate na hate nila ang isa't isa. Paano kaya kung dumating ang pagkakataon na hindi na bangayan at awayan ang mangyari sa kanila.Posible kayang magbago ang maramdaman nilang dalawa sa isa't isa?Will opposite do attract?