Rizen47
Year 2060 kung saan isa na ang Pilipinas sa makapangyarihan na bansa sa buong mundo. Isa na sa kinatatakutan ng mga dating kilalang first world country. Year 2060 kung saan maunlad na ang Pilipinas. Hindi lang dahil sa teknolohiya kundi pati rin sa military force ng bansang ito. Ngunit sa kabila ng kaunlaran na tinatamasa ng bansang ito. May isang propesiya pa rin ang lubos na hinahanap ng mga nasa posisyon.
Ang propesiya tungkol sa pitong susi ng langit na ipinagkaloob ng Diyos sa pitong bata na itinakdang magbubukas ng pintuan papuntang langit at mangunguna sa pag salubong sapagbabalik ni Jesus. Ngunit ayon sa propesiya. Sino man tao ang makakuha ng pitong susi ay maaaring makaharap ang Diyos at humiling sa kanya.
Year 2060, kung saan ang bawat leader ng mga bansa ay hindi lang kuntento sa kapangyarihan. Bawat isa sa kanila ay gusto rin maghari-harian bilang Diyos. Maari bang mapigilan ng isang time traveler ang mga bagay na nakatakda kasama ang pitong tinakda o tulad ng nakaraan muli siyang mabibigo.
Halina kayo at samahan ako sa kwentong ayoko man isulat pero kinakailangan.