Bethany Sy Stories
8 stories
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 105,104
  • WpVote
    Votes 2,156
  • WpPart
    Parts 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya ibinunton iyon. Namalayan na lang niyang palobo nang palobo ang katawan niya. Bale-wala lang naman sana iyon sa kanya kung hindi lang siya tinawag ni Lanter na "mataba" at "manang." Palibhasa, ubod ito ng guwapo. Dahil doon ay tinangka niyang gayumahin ang matagal na niyang crush na pinsan nitong si Josh para ipamukha kay Lanter na magkaka-love life siya kahit mataba siya. Pero kung kailan hinihintay na niya ang resulta ng ginawa niyang panggagayuma kay Josh ay saka naman biglang bumait si Lanter sa kanya. Kung suyuin siya nito ay para siyang isang prinsesa. Diyata't dito umepekto ang gayuma? Parang gusto tuloy niyang uminom ng isang box na slimming tea.
SUKI DAKARA (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 53,723
  • WpVote
    Votes 1,131
  • WpPart
    Parts 11
Suki Dakara (I Love You, After All) By Bethany Sy published year 2016 PHR "Kapag hinalikan mo ako, para mo na rin akong inalisan ng karapatang umalis sa tabi mo." Hinanap ni Jean si Mr. Right sa halip na magmukmok sa isang sulok at indahin ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng unang boyfriend. Nakilala ni Jean si Zac nang lakas-loob siyang makisakay sa kotse nito pagkatapos niyang mahuli ang kanyang boyfriend na nagtataksil. Ang buong akala ni Jean ay iyon na ang huling pagkikita nila. Pero naulit iyon nang iligtas siya ni Zac sa muntik nang pagkapahamak sa kamay ng lalaking nakasalubong niya sa labas ng isang bar. Natagpuan na lang ni Jean ang sarili na ipinapakilala si Zac sa kanyang mga magulang bilang boyfriend. Sumang-ayon ang binata sa pagpapanggap nila pero hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya rito. Pero may hadlang sa kanilang dalawa. Ang first love ni Zac na matagal nang inaalagaan ng pihikan nitong puso.
BE MY GIRL (COMPLETED)  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 112,790
  • WpVote
    Votes 2,978
  • WpPart
    Parts 32
"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Charity ni tita Tina -ang babaeng tinulungan niya matapos nitong mahimatay sa loob ng mall. Hindi siya naniniwala sa mahikang meron ang bracelet na ibinigay sa kaniya ng mabait na ginang. Kamalasan pa nga siguro ang dala ng bracelet sa kaniya dahil ng unang beses na ginamit niya iyon ay bigla na lang iyon natanggal sa kamay niya matapos siyang pasukin ng isang manyakis na lalaki sa loob ng restroom cubicle. Naulit ang kamalasan niya nang muli ay magtagpo ang landas nila sa university kung saan siya nag aaral. Tristan Kai San Miguel pala ang pangalan ng manyakis na lalaki at nag iisang anak pa ito ng may ari ng eskwelahan nila. Aminado si Charity na totoong gwapo nga si Kai. Mestiso, matangkad at perpekto ang mukha nito. Lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki ay mayroon si Kai. Pero napakayabang nito at spoiled brat pa. Sa inis niya dahil palagi siya nitong tinatawag na babaeng mangkukulam ay bumigkas siya ng isang spell sa harap nito. "Magmula ngayon sa tuwing sasapit ang oras na 11:11 wala kang ibang iisipin kundi ako. Walang ibang sasagi sa isip mo kundi ang maganda kong mukha." seryosong sabi niya kay Kai habang nakatingin siya ng matiim sa mga mata nito at nakalapat ang isang palad niya sa kaliwang dibdib nito. Ang akala niya ay nagtagumpay siya na inisin ito. Pero bakit kahit siya ay apektado na rin sa gawa-gawa niyang spell? Hindi lang kasi niya naiisip si Kai tuwing sumasapit ang oras na 11:11. Minu-minuto pa!
HALF A HEART WITHOUT YOU (PUBLISHED UNDER PHR PUBLISHING) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 61,182
  • WpVote
    Votes 1,100
  • WpPart
    Parts 12
Naging raket na ni Ami ang gumawa ng projects at thesis ng mga tamad na estudyante sa kanilang university. At isa sa mga suki niya ay ang napakaguwapo at kilalang commercial model na si Hunter Alexzaynder Majid. Isang araw ay nangailangan si Hunter ng tulong. This time ay walang kinalaman sa kahit anong subject ng lalaki. "Kailangan ko ng babaeng magpapanggap na girlfriend ko para tigilan na ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Ikaw agad ang naisip ko dahil alam ko na kaya mo silang patumbahin lahat." Halos malaglag ang mga panga ni Ami sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa offer ni Hunter na may katapat na malaking halaga. Pero dahil sa isang pangyayari na kinasuungan nilang dalawa ay napilitan siyang tanggapin ang proposal. Pero may problema, habang tumatagal ay nararamdaman ni Ami na unti-unti nang nahuhulog ang loob niya kay Hunter. Hindi pa pala siya immuned sa matamis na ngiti ng binata. Kahit yata uminom siya ng anumang klase ng vitamins ay hindi na maitatanggi ng kanyang puso na may kakaibang epekto sa kanya ang pagpapanggap niya bilang nobya ni Hunter.
BLACK SOULS SERIES BOOK 1: KENTON DEL TIERRO (Ongoing) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 12,468
  • WpVote
    Votes 326
  • WpPart
    Parts 16
Nagulo ang tahimik na buhay ni Bullet mula nang tulungan niya ang isang kaklase sa pambubully ng isang mayabang na schoolmate nila. Sa pag aakalang kasabwat ng mga bully si Kent ay aksidenteng nasuntok niya ito sa mukha. Mula noon ay naging magulo na ang buhay niya dahil ang mismong leader pala ng Black Souls ang kinalaban niya. Kilala at kinatatakutan ang grupo ng Black Souls dahil ang mga ito ang mismong kumakalaban sa mga bully sa campus nila. Naging 'alipin' siya ng leader ng Black Souls na si Kent dahil na rin sa pagkakamaling nagawa niya. Hindi naman sana iyon problema sa kaniya dahil kayang kaya niyang harapin ang galit ng masungit na si Kenton Del Tierro. Pero unti unti ay nagbago ang tingin ni Bullet kay Kent nang makasama niya ito at mas nakilala pa. May soft side din naman pala ang suplado at gwapong leader na kinatatakutan ng marami sa campus nila. Natagpuan na lang niya ang sarili na naaaliw na sa mga pagsusungit ni Kent sa kaniya. Hinahanap hanap na niya ito kapag hindi niya ito nakikita. Pero kung kailan naman natutunan na niyang mahalin si Kent ay saka naman nila natuklasan na hindi sila pwede. Sa paglipas ng maraming taon ay muli itong bumalik. Nakahanda na raw si Kent na ipaglaban siya. Pero magagawa bang tanggapin ni Bullet ang isang katotohanan na pwedeng sumira sa pamilya niya? -soon to be published under PHR-
THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 38,575
  • WpVote
    Votes 1,560
  • WpPart
    Parts 26
note: this is a collaboration series *book 1* Soon To Be Published Under PRECIOUS HEARTS ROMANCES/PHR FOLLOW/READ/VOTE/SHARE
BITTERELLA TRILOGY: BETTER DAYS WITH YOU by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 11,648
  • WpVote
    Votes 192
  • WpPart
    Parts 12
BITTERELLA TRILOGY BOOK 1: BETTER DAYS WITH YOU (Soon to be Published under PHR) Iniwan si Rubi ng ex boyfriend niyang manloloko kaya dumating siya sa point ng buhay niya na ayaw na niyang maniwala sa LOVE. Bitter siya sa pag ibig, pero hindi niya akalain na may aagaw sa trono niya. Si Luke, ang older brother ng kaibigan niyang si Ella. Prinsipe ng kasungitan si Luke kaya hindi niya akalain na magtatagpo ang mga landas nila at magigising na lang isang araw na mahal na niya ito. Pero paano niya aaminin kay Luke na mahal niya ito kung may hinihintay pala itong bumalik?
ANATANI AITAKUTE by BETHANY SY  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 79,976
  • WpVote
    Votes 2,015
  • WpPart
    Parts 17
Anatani Aitakute (Missing You) By Bethany Sy "Hindi mo man ako inaakit, pero kahit tumayo ka lang sa harap ko at ngitian ako, naaakit na ako." Mula nang maaksidente si Asihiro-ang napakaguwapo at sikat na car racer at modelo-sa huling laban nito ay wala nang naging balita pa si Kharen tungkol sa sinisinta niya. At dahil missing in action ang inspirasyon niya, nagkaroon siya ng writer's block. Kaya nagpasya muna siyang magtungo sa ibang lugar upang magnilay-nilay. Ngunit ang plano niyang pagninilay-nilay ay nauwi sa pagiging mabait at pasensiyosang nurse sa napakaguwapo at napakasungit na pasyente niya na walang iba kundi si Asihiro! Pagkatapos ng ilang gabing pangha-harass niya rito ay bigla na lang itong bumait sa kanya. Ang buong akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila-"MU" na sila, wika nga ng iba. Ngunit isang araw ay may dumating na maarteng "buwisita" ang guwapong sinisinta niya na labis na ikinaselos ng sutil na puso niya. At tila nakalimutan na ni Asihiro ang presensiya niya. May pag-asa pa kayang mabuo ang "Asihiro-Kharen" love team na matagal na niyang pinapangarap, o kailangan pa muna uli niyang painumin ng sangkaterbang gamot si Asihiro para ma-realize nito na siya lang talaga ang babaeng nakatakda para dito? Note: Released year 2012 Published under PHR