MarkJhonsenBognot
- Reads 108
- Votes 27
- Parts 18
Alam ni Moises na nangyari na ito. Nabasa niya na ito. Pero nangyayari muli.
Ang binatang si Moises, sa makabagong panahon, ay madidiskubre na kailangan niyang iligtas ang mga taong nakulong sa kabilang mundo. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa nagliliyab na gripo sa CR, ginawang dugo ang baha sa kanal, pakikipaglaban sa demonyong usok, paglalabas ng tungkod sa kinagatang mansanas ni Eva, at higit sa lahat, ay ang paghati niya ng VOID SEA (ang pagitan ng dalawang mundo.)
Sa tulong ng mga kaibigan niyang sina Emman, Noah, Adan, at Eva, ay lalakbayin at babasagin nila ang kabilang mundo para iligtas ang mga inalipin at nakulong na mga tao laban sa mga demonyong anghel at sa kaniyang kinikilalang Kuya Rameses.
Pero parang may mali. Parang mali na iligtas niya ang mga taong ito at makinig sa boses na bumubulong sa kaniya. Parang mali na dinala niya ang mga kaibigan niya rito. Tila isa-isa silang bumabaliko ang istorya na dapat na nakasulat sa banal na libro.