Updating List👑
4 stories
If Scars Ache, It Mourns You by Vel_Ane
Vel_Ane
  • WpView
    Reads 55
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 4
Ganito ba talaga ang magmahal? Laging may kasamang sakit? Mula nang mamulat ang kaniyang musmos na isip sa mundo, tila palagi na lamang siyang nanlilimos ng pagmamahal-sa kaniyang mga magulang, sa kaniyang mga kaibigan, at ngayon, maging sa lalaking pinipintig ng kaniyang puso. Minahal nang lubos ni Isa si Nevan Lavrenti, ang unang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso. Subalit hindi man lang siya nito magawang tapunan ng kahit isang sulyap. At nang muling magtagpo ang kanilang mga landas, wasak na wasak ito dala ng isang mapait na trahedya. Nabigyan siya ng pagkakataong makalapit dito. Ngunit paano nga ba magmahal nang totoo kung ang unang hakbang pa lamang ay isang kasinungalingan? BEWARE! Mature Content-- r+18 Grammatical errors and typos ahead. -Raw and Unedited- Date Started: 09/25/25 Date Finished: PCT: Pinterest
Kúgmat by Vel_Ane
Vel_Ane
  • WpView
    Reads 27
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 5
Sa gitna ng isang malawak na parang, nakatayo ang isang kubong halos lamunin na ng talahib at gabi. Isang batang iniwan ng tadhana, walang pangalan kundi yaong binansag ng mga taong umiiwas sa kanya-"sumpa." Walang kamay na hahawak sa kanya, walang tinig na tatawag ng kanyang pangalan. Ngunit sa katahimikan ng gabi, may mga bulong na umaalon mula sa hangin, may mga yapak na hindi nakikita ngunit ramdam niyang sumusunod. Sa kanyang paligid, ang dilim ay hindi lang kawalan ng liwanag-ito ay buhay, gumagalaw, at dahan-dahang lumalapit. Siya ba ang tunay na sumpa-o ang mga sabik dungisan ang kanyang kamusmusan? BEWARE! Mature Content-- r+18 Grammatical errors and typos ahead. -Raw and Unedited- Date Started: 09/25/25 Date Finished: PCT: Pinterest
KASISIDMON (A Short Horror Story Collection) by Vel_Ane
Vel_Ane
  • WpView
    Reads 218
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 30
Kasisidmon, ang siyang hudyat ng paglipana ng dilim sa buong paligid, ang huling huni ng ibon sa kalangitan, ang unang alulong at kaluskos sa paligid. Magmatyag at huwag magpakampante sapagkat hindi mo alam kung ano ang mga nakatago sa dilim. When the light is away, the Evils will play. Isang bagong koleksiyon ng mga nakakatakot at nakakasindak na mga kwento. Warning! -Gore depiction and Violence ahead. -Raw and Unedited. Started: 12/29/20 Finished: ©Vel_Ane2020