PHR
13 stories
SWEETHEART 12: Charles' Angel by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 164,548
  • WpVote
    Votes 2,599
  • WpPart
    Parts 22
Cats and dogs. Iyon ang tulad nina Charles at Angeli. Kailanman ay hindi na yata sila magkakasundo pa. Not until Angeli got dumped by her star basketball player boyfriend. And Charles by her smart and beautiful girlfriend. Now that they both have something in common, kakailanganin nila ang tulong ng isa't isa. Pinlano ni Angeli ang isang palabas na tiyak niyang ipagseselos ng kani-kanilang ex-boyfriend-girlfriend. And Charles was her leading man. Everything seemed to be working according to her plan. Ngunit unti-unti ay nakikita ni Angeli ang sarili na nadadala sa palabas nila. Hindi kasama sa plano niya ang ma-in love kay Charles. Pero paano ngayon? Dahil sa kanilang palabas ay nagkabalikan sina Charles at Cathy? ______ All credits goes to the owner of the book Martha Cecilia and the publisher. COPYRIGHT © 2002 by Precious Pages Corporation All rights reserved
Wedding Girls Series 13 - JENNA - Another Wedding Planner by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 118,287
  • WpVote
    Votes 3,148
  • WpPart
    Parts 19
Ang babae nga pala ay nililigawan muna at saka pa lang pasasagutin. Can we be a bit different, sweetheart? Puwede bang sagutin mo na muna ako at saka na lang kita liligawan? Isang taong panliligaw, puwede na kaya? One whole year kasabay ng engagement period. ***** Seryoso si Jenna sa kanyang karera bilang wedding planner. Naniniwala siyang kakambal ng propesyon niyang iyon ang matatag na kredibilidad upang lalo siyang makilala sa mundong pinasok niya. Pero parang tuksong dumating sa kanya ang isang lalaki-na handang mabayad ng kahit limang milyong piso upang sirain niya ang isa sa mga kasal na inihahanda niya para sa kanyang kliyente. Tiyak siya sa kanyang sarili, gaano mang kalaking halaga ay hindi niya ibebenta sa lalaking iyon ang kontartang pinirmahan nila ng kanyang kliyente. Hinding-hindi siya masisilaw sa kaway ng salapi. Iyon nga lang, tila masisilaw naman ang puso niya sa taglay na kaguwapuhan ng lalaking si Jaime dela Merced.
Class Picture Series 6 - The Spoiled Brat and The Bad Boy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,163
  • WpVote
    Votes 1,075
  • WpPart
    Parts 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto. Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her. At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw! Forever And Always "Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Class Pictures Series 7 - Forever And Always by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 16,101
  • WpVote
    Votes 505
  • WpPart
    Parts 22
"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Class Picture Series 5 - Finding Treasure... Finding Love by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 6,037
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 18
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa lugar na iyon, nakilala niya si Art, ang tumulong nang bigla siyang mawalan ng malay sa daan. Dinala siya ng lalaki sa villa na pag-aari ng pamilya nito. Nakalimutan bigla ni Elisa ang pakay sa lugar na iyon. Na-focus ang atensiyon niya sa binata at sa bawat paglipas ng araw ay lalo silang nagkakalapit. Ni hindi nito inilihim ang pagkakagusto sa kanya. Masaya si Elisa na kasama si Art. Sa maikling panahon ay natutuhan niya itong mahalin. Pero hindi siya sigurado kung ganoon din ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya, lalo at nalaman niyang kagagaling lang nito sa isang failed relationship. At iyon ang nagpapagulo sa kanyang isip.
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 221,296
  • WpVote
    Votes 5,015
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
HEAVEN  (Completed) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 182,707
  • WpVote
    Votes 4,234
  • WpPart
    Parts 21
Ang akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. One rainy day, she met Zach. Ito ang eksaktong kabaligtaran niya. Isa itong rebelde sa kanyang kombensiyonal na buhay. Hindi ito marunong bumuo ng koneksiyon, pantapat sa kanya na ang kinasanayang buhay ay binubuo ng koneksiyon sa pamilya at mga kaibigan. Sa kabila niyon ay nagtiwala at umibig siya kay Zach. At gusto niyang makita kung saan siya dadalhin ng tiwalang iyon... This novel was first published in 2013. The cover photo is the cover of the second printing in 2014. The movie rights for this book is already sold to Star Cinema.
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 161,760
  • WpVote
    Votes 3,027
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
Dominic (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 943,033
  • WpVote
    Votes 19,410
  • WpPart
    Parts 17
Isang linggo pagkatapos pakasalan si Alyna ni Dominic del Carmen ay umuwi ito sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa. Hinanap niya ang asawa sa probinsiyang sinasabi nito. Only to find out na ang tunay na Dominic del Carmen ay hindi ang lalaking inakala niyang pinakasalan siya. Bagaman guwapo ang nagpanggap na Dominic, the real Dominic is one delicious hunk of a man!
Minsan Dito Sa Puso Ko (Published by PHR) (Completed) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 838,614
  • WpVote
    Votes 17,948
  • WpPart
    Parts 19
Minsan Dito Sa Puso Ko by Martha Cecilia Published by PHR