Adventure❣️
8 stories
Si Joshua Lagalag at ang mga Ugrit ng Igbanglo   (BOOK IV) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 233,042
  • WpVote
    Votes 9,929
  • WpPart
    Parts 27
Ano ang gagawin mo kung ang taong palaging nagliligtas sa iyo ay siya namang nasa panganib at kailangan mong iligtas? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Angelo at Joshua sa lugar na kung saan ang tanging pagpipilian ay kung mamatay na walang kalaban laban o lumaban hanggang mamatay. Gaya po ng mga naunang pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo, ang kuwentong ito ay hitik sa labanan at siguradong pananabikan ninyo ang bawat chapter. Sana po ay tangkilikin din ninyo kagaya ng pagtangkilik sa mga nauna kong kuwento. Maraming salamat po. Dedicated to my wife and my kids Special thanks to my cover designer Ate Onang ( sa uulitin po :-))
Si Joshua Lagalag at ang mga Sabadan ng Lamudyong  (Book V) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 214,191
  • WpVote
    Votes 10,079
  • WpPart
    Parts 26
Limang engkantado. Iba-ibang lahi, iba-ibang kakayahan. Pinalaki ng isang mangkukulam. Ginamit ang kanilang kapangyarihan at kakayahan para maghasik ng kaguluhan sa bayan na kanyang pinagmulan. Paano tatalunin nina Joshua at Angelo ang mga kalaban kung ang mismong taong bayan ang ginagamit nito para sila ay labanan? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran ng magkaibigan laban sa mga masasamang elemento na gustong maghasik ng kaguluhan. Isa na namang pakikipagsapalaran ng magkakaibigan sa mundo ng mga engkantado. Gaya ng mga naunang kuwento ni Joshua Lagalag, puno itong action, suspense, comedy at kaunting romance. Sana po ay inyo muling tangkilikin gaya ng inyong pagtangkilik sa mga nauna kong kuwento. Maraming salamat po! Enjoy reading! Special thanks to Ate Onang for the cover design.
Si Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel     (Book I) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 81,259
  • WpVote
    Votes 3,459
  • WpPart
    Parts 8
Gusto ninyo ba ng light horror? Yun bang walang bumabahang dugo o kaya walang patumanggang patayan. Ito ang kwentong hinahanap ninyo. Magaan lang basahin, yun tipong hindi ka magtatalukbong ng kumot pagkatapos basahin ang kwento. Mag eenjoy lang kayo while reading and pagkatapos ay back to normal na. For entairtainment purpose lang and hindi para manakot. Ang kuwento pong ito ay isang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa pangalan ng tao, lugar o pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Nais ko lamang maibahagi sa mga mambabasa ang bunga ng aking malikot na imahinasyon. Hindi po akong isang batikang manunulat kaya ipagpatawad ninyo ang paraan ko ng pagsulat. Ang nais ko lamang po makapag-ambag ng aking sariling gawa sa sining ng pagsusulat. Maraming salamat po and God Bless! Happy Reading! Kuya Boyet Dedicated to my wife and my kids Joshua, Jolet and Lj
Ang Huling Pakikipagsapalaran by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 172,759
  • WpVote
    Votes 12,227
  • WpPart
    Parts 41
Itutuloy mo pa ba kung ang inyong pagmamahalan ay tuluyan ng nahadlangan ? Itutuloy mo pa ba kung ang kasama mo mula noong simula ay wala ng maalala sa mga nangyari? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran sa ngalan ng pag-ibig at pagkakaibigan. Ito na nga kaya ang huli?
Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 254,776
  • WpVote
    Votes 10,111
  • WpPart
    Parts 31
Paano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo! Ito po ang Book III ng Joshua Lagalag Series . Para lubos na maintindihan, basahin po ninyo muna ang Book II ( Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it) at ang Book I ( Joshua Lagalag atang Aswang sa San Gabriel) Sana po ay mag-enjoy kayo at suportahan din ang aking gawang ito gaya ng pagsuporta ninyo sa mga nauna kong isinulat. Happy Reading! Special Thanks to my Cover Designer Ate Onang. Kuya Boyet13
Si Joshua Lagalag at ang  Engkantong Lunhaw by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 219,704
  • WpVote
    Votes 11,098
  • WpPart
    Parts 26
Magkakaibigang magkakasama sa saya, lungkot at pakikipagsapalaran. Pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. Pag-iibigan na pilit hinahadlangan. Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua, Angelo, Pitta at Danara laban sa mga panibagong kalaban. Mga engkantong mas mataas ang antas ng kapangyarihan. Mga engkantong hahadlang sa kanilang pag-iibigan. Mga engkantong magpapabagsak sa Pamunuan. Malampasan kaya nila ang bagong pagsubok?
Si Joshua Lagalag at ang Bundok Mari-it        (Book II) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 278,837
  • WpVote
    Votes 11,325
  • WpPart
    Parts 30
Hanggang saan ang kaya mong gawin para matulungan ang isang kaibigan? Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Joshua alyas " Lagalag " sa bundok ng mga naglalabanang engkanto para mailigtas ang kanyang kaibigan. Pinaghalong adventure, fantasy at suspense kaya siguradong mag-eenjoy kayo sa pagbabasa. Ito po ang Book II ng Joshua Lagalag Series, ang sequel ng Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel. Kailangan po ng konting "referencing" sa 2nd Chapter pero other than that, this is an entirely different story. Mas maraming kalaban, at mas maraming adventure ang susuungin ni Joshua upang mailigtas ang kaibigan at ang buong baryo ng Talisay. Gaya po ng sinabi ko sa Book 1, Ang mga pangalan ng tao, lugar, bagay, o pangyayari na ginamit sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. Tangkilikin po natin ang sariling atin. Thank You very much for the support! Happy reading!
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 746,022
  • WpVote
    Votes 46,539
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!