RIANNELIE
- Reads 5,702
- Votes 92
- Parts 30
Kinakapatid ni Gab si Irish, madalas itong iiwan sa kanila noon upang maging kalaro niya. Edad kinse siya at anim na taong gulang naman ito. Makulit at madaldal. Kaya naiinis siya rito. Gustong-gusto siya nitong kalaro kahit ayaw niya naman. Madalas niya itong paiyakin at buskahin. Dumating ang sandaling kinakailangan ng magmigrate ng mga magulang nito sa America. Upang doon na magpagamot ang Daddy nito sa sakit na Leukemia.
Akala niya makakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng mang-iistorbo sa kaniya. Pero nang mawala ito sa paningin niya palihim niya itong namiss at minsang hinangad na muling makita. Tila matutupad ang nais niya dahil nakatakda ng umuwi ito pero hindi na bilang kalaro kundi nakatakda ng maging asawa niya. Naipagkasundo na sila nang mga magulang na ipakasal sa lalong madaling panahon, isang kahilingang napakahirap tanggihan lalo pa at ang nakasalalay ay ang mamanahin niya at ang kinabukasan nitong sa kaniya ipinagkatiwala.
May mabubuo kayang pag ibig sa pagitan nila ni Irish?
Kung ang tingin lang sa kaniya nito ay nakatatandang kapatid at dating kalaro.
At si Gab, paano kung sa kabila ng lahat ay matutunan niya na itong mahalin?