tezukajen
Land of the Dawn - eto ang kanilang mundo... At may apat na kaharian ang nahahati sa mundong ito. Sa apat na kaharian may kanya kanya silang Emperor... Subalit ang Land of the Dawn ay gustong pamunuan ng isang Nilalang na gustong maghari sa buong mundo. Kaya ngkaroon ng mga laban sa pagitan ng apat na kaharian.
Ang Moniyan Empire - dito nakatira ang mga malalakas na nilalang na may taglay na kakaibang galing at talino at merong isang hari na namumuno sa kanila na syang pinakamataas sa lahat ng apat na nasasakupan ng Land of the Dawn.
Ang Moon of the Elves - dito naman nakatira ang mga elves, at wolf, mga vampire at dracula. Sila ay mga Nilalang na pumoprotekta sa hari ng Moniyan Empire. Sila din ang nangangalaga sa lahat ng nasasakupan ng Enchated Forest.
Ang Enchanted Forest - dito naman nakatira ang mga Leonins, mga Minotaurs, Warriors Panda, Witches, Goddess. Sila ang mga nangangalaga sa katahimikan at kapayapaan sa Land of the Dawn.
At ang Darkness Alley - dito sa kaharian na to nakasakop ang mga Demonics at mga Cyborg at may isang nilalang sa kahariang ito na gugustuhing maghari sa buong Land of the Dawn.
*****************************************
Lahat ng nakasulat sa story na ito... Ay hango lamang sa malikot kong isipan...
Ang mga pangalan at lugar ay pagmamay ari ng MOBILE LEGENDS by MOONTON hindi ko po ito inaangkin pinalawak ko lang po dahil naadik na ako sa kakalaro ng M.L meaning natuwa lng ako gawan ng STORY 😊😊😊
Credits to the MOONTON MOBILE LEGEND