Favorites
4 stories
GIRLFRIEND 4 SALE [fin] by Nikkidoo
GIRLFRIEND 4 SALE [fin]
Nikkidoo
  • Reads 1,104,345
  • Votes 17,745
  • Parts 51
"Love knows no money and status." G4S Book 1 © All Rights Reserved. Nagpasya si Angel Cassidy Villamayor na talikuran ang marangyang buhay na kinagisnan noong binalak siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa taong hindi niya mahal, or worse, kilala man lang. Upang tustusan ang kanyang pag-aaral ay kumuha siya ng trabaho. At ito ay ang magpanggap bilang girlfriend ng mayayamang lalaki.  Isang normal na araw lamang para kay Cassidy noong pumunta niya sa all-boy model school, ang Oliver Nate High School, para maghanap ng panibagong kliyente. Pero hindi niya inaasahan ang pagdating ng limang naggagwapuhang lalaki na siyang magiging hudyat sa pagbabago ng buhay niya. Sila ang pinakasikat na top models sa eskwelahang iyon--ang PENTAGON. At ang kakaiba pa dito, parang may kung anong bagay na nagtutulak sa kanya palapit sa mayabang at masungit nitong leader na si Den La Costa. Pagmamahal. Pagdurusa. Mga lihim at paghihiganti. Magawa kaya ni Cassidy na bumalik sa dati niyang buhay gayong unti-unti na siyang hinihigop ng mundo ng limang misteryosong lalaki?
+12 more
(G4S Book2): SHADOW LOVE [fin] by Nikkidoo
(G4S Book2): SHADOW LOVE [fin]
Nikkidoo
  • Reads 676,549
  • Votes 10,656
  • Parts 41
"Love knows no boundaries." Book 2 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. Hindi inakala ni Cassidy na tuluyan na ngang mahuhulog ang loob niya sa lalaking kinaiinisan. Nakita niya kung paano naging matapang si Den sa mga pagsubok na pinagdaanan niya ngunit alam niyang higit pa doon ang iniindang sakit nito. Ang akala ni Cassidy ay magiging maayos na ang lahat ngunit isang araw ay hindi niya inaasahan ang pagkabunyag sa isang matinding sikreto tungkol sa kanyang pagkatao. Iba't ibang klase ng anino ang pumapalibot sa kanila, sa kanilang pagmamahalan, at isang maling hakbang lamang ang maaaring makapagpahiwalay sa kanilang dalawa panghabambuhay.
(G4S Book3): OUR LEGACY by Nikkidoo
(G4S Book3): OUR LEGACY
Nikkidoo
  • Reads 249,223
  • Votes 6,032
  • Parts 32
"Love knows no fear and danger." Book 3 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. "Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?" Iyan ang laging tanong ni Angel Cassidy Villamayor sa kanyang sarili. Labis siyang nalungkot dahil sa ginawang paglayo ng kasintahan. At sa muling pagbabalik nito ay kasabay din ang pagsulpot ng iba't ibang klase ng problema. Ang akala ng PENTAGON ay nakalusot na sila sa malaking gulong kinasangkutan nila apat na taon na ang nakararaan, ngunit hindi nga talaga matatakasan problema. May mga taong babalik mula sa nakaraan at maraming tanong ang mabibigyan ng kasagutan. Pagtataksil, pagpaparaya at pagpapatawad. Maging matatag kaya silang lima para harapin ang pinakamalaking problemang susubok sa pagsasamahan nila? Magawa kaya nilang ipaglaban ang mga mahal nila sa buhay o sa huling pagkakataon ay kakainin muli sila ng takot at ng nakaraan?
An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB) by ladymasquerade
An Angel Turned Into Devil (Published Under LiB)
ladymasquerade
  • Reads 10,176,111
  • Votes 165,367
  • Parts 51
Sa mundo ng mga Elites may isang babae na natatangi... Dahil siya ang kaisa-isang 'low class' na nakapasok sa Royal Academy.. Ang eskwelahan para sa mga mayayaman sa buong mundo.. Hindi niya iniinda ang kahit anong pang-aaping ginawa sa kanya... Pero simula nung may nangyaring trahedya, nagbago ang lahat... Sa pagbabalik niya ipapakita niya kung sino ba talaga siya... Mula sa pagiging mala-anghel naging isa na siyang devil... Maraming sikreto ang mabubunyag.. Pero talaga bang nagbago siya o siya pa din ang anghel na kilala nila?