mercadejas_mel's Reading List
8 stories
The Criminal by DuchessVenus
DuchessVenus
  • WpView
    Reads 73,936
  • WpVote
    Votes 398
  • WpPart
    Parts 4
Montehermoso Series 3 (COMPLETE) NOTE: YOU CAN READ THIS ON DREAME Thylane Montehermoso and Lucario Steve Denson Isang treinta y cinco años na ang dating preso na si Lucario, na ngayon ay gangster sa kanilang lugar. Aniya, siya ang hari sa kanilang lugar dahil siya lang naman ang pinaka kinatatakutan ng mga tao roon, sila ng mga ka-tropa niya. Wala na sa isip niya ang mag-asawa pa dahil aniya'y wala nang papatol sa kaniya, sira na ang buhay niya at wala nang magkakagusto pa sa isang tulad niya na barumbado... Ngunit nang dumating ang isang dalaga na pumukaw sa atensiyon niya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi niya inakala na mahuhulog ang loob niya sa isang babaeng ang edad ay higit na mas bata sa kaniya. Dalawampu't isang taong gulang at maayos ang buhay, malayong-malayo sa estado ng buhay niya, sa magulong buhay niya. Humantong ang pagkagusto niya sa dalaga na halos ayaw na niyang maalis ang paningin dito. Nababaliw siya at natutuliro. Ngunit ang problema niya ay ang pamilya nito, ayaw sa kaniya ng pamilya ng dalaga. Kaya naman ay umalis sila ng lalawigan at nagtanan. Doon ay lumago ang kanilang pagmamahalan. Ngunit may naging dahilan ang dalaga upang lumayo rito. Galit ang naramdaman niya dahil sa napagtanto sa lalaki. Nagkamali siya ng lalaking inalayan ng sarili... Pero makalipas ang panahon ay bigla na lamang itong sumulpot sa harap niya. Hinihiling nitong makita't makasama ang anak na itinakas niya mula sa lalaki. Ngunit... hahayaan niya bang papasukin itong muli sa buhay nila ng anak niya, gayong alam na niya ang tunay na kulay nito? WARNING: Mature content. Read at your own risk. July 5, 2020 - January 13, 2021
Possessively Owned by Messiah by Ajai_Kim
Ajai_Kim
  • WpView
    Reads 781,445
  • WpVote
    Votes 19,314
  • WpPart
    Parts 43
Loving a cold heartbreaker gorgeous man is the most regretful thing that I did. Messiah Avenido wants to possess me until my death. I'm Rebecca Milan and I was possessively owned by Messiah. AVENIDO SERIES #4
Forsaken Wife by Aphrodisiac1031
Aphrodisiac1031
  • WpView
    Reads 73,375
  • WpVote
    Votes 562
  • WpPart
    Parts 9
What's a forsaken wife got to do when her husband is away? "Just cut the chase and have a taste of what a forsaken wife really feels like... all the twists and turn, and the lies..." -Ella Si Cali ay isang literal na dalagang bukid, isang inosenteng dalaga na magsisimula pa lang ng bago niyang buhay sa kolehiyo. Titira siya sa isang apartment na katabi ng isang bahay kung sa'n niya makikilala ang babaeng magbabago ng buhay niya, si Ella. Si Ella ay isang mayamang taga siyudad na kapos lang sa pagmamahal at atensiyon ng kanyang asawa, at ng makilala niya ang kapitbahay, para na rin siyang nagkaroon ng kapatid, ngunit hindi niya alam kung bakit pinaparamdam siya nito ng mga bagay-bagay na hindi pa niya nararamdaman dati, kahit sa magaling niyang asawa. Ito ang buhay ng dalawang tao na pinagtagpo ng pangangailangan, nagbunga ng kasalanan, at maaring mangyari sa totoong buhay. Tunghayan ang kwento ni Ella, isang forsaken wife...
My Gandalla by SummerGracePH
SummerGracePH
  • WpView
    Reads 155,816
  • WpVote
    Votes 5,544
  • WpPart
    Parts 30
Naudlot ang dapat na pag ampon ni Mr. Raul Ferguso kay Gandalla noong bata pa sya. Namatay kasi ang asawa nito at nawalan ng direksyon ang buhay. May apat na anak naman ito. Lahat nga lang ay lalaki, kaya ginusto ng asawa nito ng anak na babae. Pero mapalad pa rin si Gandalla dahil itinuloy ni Mr. Ferguso ang suporta sa kanya. Pagsapit sa tamang edad ay nakatanggap pa sya mula rito ng isang maliit na condo. Labis-labis ang kanyang pasasalamat kahit pa mula noon ay hindi na nya nakita pang muli si Mr. Ferguso. Hanggang sa makatanggap sya ng balita na malubha na ang matanda. Ginusto nito na makita sya, makumusta at pakiusapan sa isang pabor. Malaki ang utang na loob nya sa matandang Ferguso, kaya tinanggap nya ang hiling nito... ang hiling nito na mapagbuklod ang apat na anak na lumayo ang loob rito. Ngayon ay napapaisip si Gandalla kung tama bang tinanggap nya ang hiling ni Raul. Bukod kasi sa masama ang tingin sa kanya ng ibang anak nito, masama rin ang kutob nya na isa-isa na itong magtatapat ng pag-ibig sa kanya! Sinong pipiliin nya gayong lahat ng mga ito ay walang itutulak-kakabigin. Iba't-ibang personalidad, iba't-ibang mukha at ugali. Ang kambal na sina Martin at Neil, ang black sheep na si Mason, at ang playboy na si Rich. Eh paano na lamang pala kung natuloy syang ampunin ni Raul at maging kapatid ang apat na gwapong lalaking ito? Sana talaga, apat ang puso ng isang tao! Damn Ferguso Brothers!