NoEndingAuthor
Sa bawat takbo ng oras ay mas bumibilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa kilig na nararamdaman kundi dahil sa kaba. Ang pamilya ni Regina ay lilipat pansamantala sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan dahil nasunog ang dati nilang tinitirhan. Hindi alam ni Regina kung anong klaseng bahay at pamilya ang kanilang makakasama sa iisang bubong. Hindi naman siya nagrereklamo at nagpapasalamat pa siya at may mabuting tumulong sa kanila. Hindi sila mahirap at hindi rin mayaman, nasa tamang antas lang ang kanikang buhay. Ang ina ay isang guro sa publikong elementarya habbang ang ama ay sa opisina ng kaniyang kaibigan. Nag iisang anak lamang si Regina kaya sakto lamang ang kinikita ng magulang niya sa pang araw-araw.
Pero ano nga bang mangyayari kung malaman mong ang anak ng kaibigan ng tatay mo ay isa palang sikat na bully sa unniversity na pinapasukan niyo at siya rin ang pinaka ayaw mong makilala sa talambuhay mo.
Mag titiis ka pa bang kasama siya kung sa pagtira niyo sa bahay ni Harvey, ang anak ng mag-asawa ay magbigay siya ng kundisyon at yun ang pagsilbihan at gawin kang alalay sa school?
O pipilitin ang magulang mo na wag ng ituloy ang kanilang balak at umupa na lang ng bahay.
_________
extraaa_pia