by Sonia Francesca ❤
13 stories
Stallion Riding Club 1: Jubei Bernardo (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 629,906
  • WpVote
    Votes 16,562
  • WpPart
    Parts 10
Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng ama, mga kapatid at lintik na holdaper, natagpuan niya si Jubei. Ay mali, si Jubei pala ang nakatagpo sa kanya. Kasalukuyan siya noong nakikipagnegosasyon sa holdaper nagn sumulpot na lang ang lalaki mula kung saan. Nailigtas siya nito. Kaso, ang pera niya, hindi. Importante pa naman iyon sa kanya. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nagn dahil dito. Kaya bigla na lang siya nitong ipinakulong, saying na isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ang lalaki sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya akalain, sa lahat ng santo rin iyon siya haharap...kasama ng lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Eto ang matindi, narinig at nakita pa niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O di ba ang saya? ***side note*** Post ko muna itong story ni Jubei dahil may kailangan akong gawin dito sa Wattpad. Sa mga di pa nakakapagbasa nito, hope you'll enjoy reading the first ever Stallion boy. Sa mga nakabasa na at nami-miss uli ito basahin, hope you'll enjoy re-reading this. Sa mga nakabasa na na ayaw na basahin uli, apir na lang tayo hehehe!
Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 391,105
  • WpVote
    Votes 8,638
  • WpPart
    Parts 10
Boring ang buhay ni Winry. Wala na siyang social life, wala pa siyang lovelife. And she's not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalaga niyang tiyahin, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad dito na namatay ng malungkot at walang kasama. Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling araw ang takaw-trabahong si Neiji Villaraza sa isang café bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang niya itong nakita at imposible na uli silang magkasama. Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. And premyo? A date with one of the commercial's hunks. Kung saan isa roon si Neiji. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya. Where's her chance?
CALLE POGI:  RYU  (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 102,741
  • WpVote
    Votes 3,049
  • WpPart
    Parts 17
Bigo, galit sa mundo at nasuong sa panganib si Cari. Kaya kinuha niya ang serbisyo ng security expert na si Kim Jaze Asuncion. Dinala siya nito sa Brgy. Calle Pogi upang mailayo at maitago siya sa nagtangkang dumukot sa kanya. Pagkatapos ay ipinasa siya nito sa mga kamay ni Mr. Low Profile Ryu Eustaquio. Pero imbes na protektahan ay ginawa lang siya nitong katulong dahil sa nasira niya ang bukbuking gate ng mas bukbukin nitong bahay. They clash everytime they see each other. Gayunman, sa tuwing nalalagay naman siya sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline. Hindi tuloy maiwasang isipin ng pasaway niyang puso na maaaring may pagtingin ito sa kanya. Uuuuy, tsismis!
The Unexpected You (COMPLETE) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 95,245
  • WpVote
    Votes 2,220
  • WpPart
    Parts 10
Isang eccentric music genius ang biglang nawalan ng gana magpaka-music genius dahil nawalan ng inspirasyon sa buhay. He met an ordinary girl one day, and fell for her. Unfortunately, the girl had other dreams, like going abroad to work for her family's future. Mukhang mawawalan na naman siya ng inspirasyon. Good thing he had a bunch of crazy friends who helped him with his problem. Pero mas lalo lang lumala ang problema ni kuya. Paano na ang lovelife niyang walang kwenta? Paano na ang puso nyang ngayon pa lang natutong magmahal? Sino sa mga kaibigan niya ang uunahin niyang upakan?
Stallion Riding Club #12: YOZACK FLORENCIO (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 281,408
  • WpVote
    Votes 5,989
  • WpPart
    Parts 11
Mataas ang tingin ni Diosa sa kanyang sarili. She could get the attention she wanted. When she needed it, where she needed it. Iyon kasi ang nakasanayan niya. Hanggang isang lalaki ang sumira sa natural na pag-inog ng mundo niya. Si Yozack. Ang lalaking basta na lang niya hinalikan na pagkatapos niyon ay ni hindi man lang siya hinabol para tanungin. She got curious of him. Until one day, she realized she wasn't just curious of him. "I'd like to be your friend," wika sa kanya ni Yozack. "If it's okay with you." KAILANGAN PA BANG I-MEMORIZE 'YAN???
David Klein Cristobal (snippets) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 29,366
  • WpVote
    Votes 718
  • WpPart
    Parts 17
Just random scenes I wrote for these men I considered my 'pets'. Wag seryosohin ang lahat ng inyong mababasa sa kwentong ito. Pantanggal ko lang to ng stress sa trabaho.
CALLE POGI #3: WAKI (completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 137,418
  • WpVote
    Votes 3,495
  • WpPart
    Parts 16
Lumaki si Jazzy na tinitingala ang kanyang Kuya Bucho. Lahat na kasi ay narito. Galing, talino, may itsura at napakabait. Isang perpektong role model. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan ng kahit na anong mali. Kaya laking disappointment niya nang iwan nito ang lahat para sa maging simple at ordinaryong kapitan ng isang maliit na barangay ng Calle Pogi. Dahil hindi matanggap ang naging desisyon nito, nagtungo siya roon. Balak niyang sirain ang reputasyon ng lugar na iyon para layasan na iyon ng kuya niya at bumalik na ito sa agency nila. But there she met one of its residents. Ang pinakasikat na aktor ng bansa na si Waki Antonio. Pero unang kita pa lang nila ay nagkabanggaan na sila dahilan upang mauwi siyang bodyguard nito at makilala ito ng husto. Now she had to choose between the man she idolized and the man who taught her how to love.
CHRISTMAS IN OUR HEARTS (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 34,293
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 11
Alexa and Ian had been friends since childhood. Laging kasama ni Ian sa mga kaganapan sa buhay niya si Alexa. Lagi namang takbuhan ni Alexa ang bahay ni Ian para tambayan. Kahit sa kanilang paglaki, ganon pa rin ang drama nila sa buhay. Until one day, things started to change. May mga ginagawa at sinasabi na si Ian na nakakapagpalito sa puso ni Alexa. At hindi iyon matanggap ng dalaga. Bakit malilito ang puso niya? They were just friends. Right? May kinalaman kaya ang nakakabulag na kutitap ng mga christmas lights sa mga pagbabagong nararamdaman ni Alexa? Kapag natapos ang Pasko, magiging normal na ba uli ang nararamdaman niya? Kung ganon, bakit sa tuwning pinagbabantaan ni Ian na babaklasin ang Christmas tree sa bahay nito, laging to the rescue sa pobreng pekeng puno si Alexa? Teka, parang magulo... Sabi na, eh. Kasalanan talaga 'to ng mga Christmas lights na 'yun, eh.
Let Me Call You Sweetheart (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 166,959
  • WpVote
    Votes 4,340
  • WpPart
    Parts 11
Ginamit ni Moira ang lahat ng nalalaman niya sa taekwondo upang mapatumba ang taong sumusunod sa kanya nang minsang mag-jogging siya sa gabi. Pero mukhang mas magaling at mas mabilis ito. Hanggang sa magpakawala siya ng malakas na sipa. "Ops, ops." Nasalo nito ang kanyang paa. "Huwag si Manoy ko." She knew that voice. It was Chancellor Ortega III, her neighbor and her favorite enemy. "Bitiwan mo ako!" "Muntik mo ng madisgrasya ang future ko. Kaya mag-sorry ka muna." "Manigas ka!" "Sige, kiss na lang."
Kissing Miss Wrong (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 533,299
  • WpVote
    Votes 12,078
  • WpPart
    Parts 32
"Maybe you're not my idea of a perfect woman but that doesn't stop me from loving you." Natagpuan na lang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bisig ni Nathan; his mouth was hovering over hers. Tila huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang dalawa. Her thoughts were in chaos at kulang ang salitang "shock" para ipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. And she was becoming addicted to his soft lips and burning touch. At naalarma ang isip niya nang dahil doon. Alam niyang hindi siya ang ideal woman na hinahanap nito at masasaktan lamang siya kapag nagpatuloy ang kahibangan niya rito. She had lost her defenses and she had already lost her heart to him. Paano pa niya ililigtas ang kanyang pusong hindi nagpapigil na umibig dito?