Twisted Appreciation
ScienceFaith
Ano kayang gagawin mo kung ikaw yung nasa posisyon ko? Yung lagi ka na lang pinapapili sa mga bagay-bagay. Pero kung sa simpleng bagay lang, ayos lang naman kung ganun. Kaso, ito na, hindi na bagay yung pinag-uusapan eh, tao na! Tao!
Siguro sundin ko na lang yung laging payo ng mga kaibigan ko, "'go with the flow' lang. 'Wag mong pahirapan sarili mo, gumagawa ka lang ng panibagong problema sa problemang hawak mo eh. Chill!"
Kung makapagsalita akala mo madali yung sitwasyon ko. Pero hindi. Hindi talaga. Promise! Seryoso ako.