JOYFUL_Mystery
- Reads 969
- Votes 50
- Parts 42
ALMO/CORUNUM Series: The Origin
"UNDECIDED"
Author: JOYFUL_Mystery
Status: COMPLETED
"Langit sa lupa, magulo na mapayapa,
karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya,
Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta
Ako'y bibitaw na, pero mahal pa rin kita."
Maayos ang buhay na ating pinasukan, bago ang panahong nawala ang ating kainusentehan, bago ang pangyayaring nagpagulo sa lahat, noong bago pa naging masakit ang bawat banat ng salita, bawat yabag ng paa, bawat dampi ng paghawak, bawat pagtitig ng mga mata.
Ating mundo ay hindi naman magkaiba, pilit lang tayong pinaglalaruan at nililito ng tadhana. Pinaglalayo dahil sa kasalanang hindi natin batid na nagawa. Ngunit tayo ang dahilan kung bakit ang lahat ay lumala.
Tayo ba talaga ay para sa isa't isa? O sadyang wala lang magawa ang tadhana?
Ako'y nangungulila.
STARTED: April 16, 2017
FINISHED: January 11, 2021