my fav list!!
7 stories
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,692,690
  • WpVote
    Votes 823
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 136,503,546
  • WpVote
    Votes 2,981,021
  • WpPart
    Parts 83
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?" Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant? Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.
Ang Gwapong Gago by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 621,025
  • WpVote
    Votes 24,879
  • WpPart
    Parts 58
"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang paraan upang buuin ang kanyang sarili. Katulad ng punong ito, sa kabila ng kantandaan ay nagagawa pa rin niyang ayusin ang kanyang sirang sanga at palitan ito ng mas matibay pa. Iyan marahil ang sinasabing kulay ng tag sibol. Habang may buhay ay may pag asa. Kaya't matutong makipaglaban kahit ang kapalit pa nito ay isang daang beses na pagkakadapa." -ALDRIN JIMENEZ
Pangarap Ko'y Ikaw (boyxboy) - COMPLETED by YorTzekai
YorTzekai
  • WpView
    Reads 567,059
  • WpVote
    Votes 13,989
  • WpPart
    Parts 32
BOYXBOY YAOI BROMANCE - Si Khalil Pantoja ay isang probinsyano,nakatira sa isang probinsya sa north cebu,ang Calamboa,kahit isa syang binabae ay masipag,matyaga at maasahan,ngunit sila ay mahirap lamang,pero sa likod ng kaharipan ay masayahin sya,sya ang nagbibigay kulay sa buhay ng pamilya nya,salat man sila sa pera at materyal na mga bagay ay masaya silang pamilya. Hanggang sa dumating ang isang trahedya sa kanila para magtulak sa kanyang iwan ang pamilya sa probinsya para makipag sapalaran at humanap ng trabaho sa Manila. Ngunit paano kung maraming pagsubok ang makaharap nya? At ang pinakamatindi dito ay makikilala nya ang lalaking matagal na nyang pinapantasya ngunit napopoot sa mga gaya nya? Ano ang magiging kahihinatnan ng pakikibaka nya? Magpapatuloy ba sya o susuko at uuwi na lamang sa probinsya?
Mama Ko, Karibal Ko  by Insidethedarkcateyes
Insidethedarkcateyes
  • WpView
    Reads 68,081
  • WpVote
    Votes 1,225
  • WpPart
    Parts 54
Walang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil kailan man ay hindi siya nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans noong una dahil para sa kanya, ito ang naging dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang pamilya nila. Ngunit ang galit sa puso ni Macoy ay unti-unting tutunawin ng pag-ibig, pag ibig na bawal sapagkat hindi lang ang batas ng mundo ang kanyang magiging karibal, kun'di higit sa lahat ay ang kanyang sariling ina. DISCLAIMER: MATURE CONTENT INSIDE. Photo credits by: krstnwnchstr
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED! by YorTzekai
YorTzekai
  • WpView
    Reads 1,333,303
  • WpVote
    Votes 30,132
  • WpPart
    Parts 41
Lumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol sa kapwa lalaki o sa isang bakla. Naging pasaway sya,lumihis ng landas,umiwas sa mga bagay na alam nyang katulad sa mga tito nya. Nagpaka rebelde sya,inilayo nya ang sarili at ang loob sa pamilya nya. Ngunit paano kung ang tadhana na mismo ang nag akda? Malalabanan nya ba ito? - Si Chasty Park,isang cute na half pinoy half korean na beki,dumanas ng maraming paghihirap sa step father. Mula noon ay nagalit na sya sa mga lalaki. Nagsumikap at tumayo sa mga sariling paa. Paano kung magtagpo sila ng lalaking galit sa mga tulad nya? Mag kaka gulo ba sila o magkaka sundo? Paano kung hindi sinasadyang mahulog sila sa isa't isa? Masusupil ba nila ang damdamin? Hanggang kailan nila ito titikisin? Hanggang kailan nila ito lalabanan?
The Stripper (boyxboy) - Completed! by YorTzekai
YorTzekai
  • WpView
    Reads 1,682,630
  • WpVote
    Votes 32,445
  • WpPart
    Parts 34
BOYXBOY GAY BROMANCE | Si Kaze Celis ay sobrang gwapo,napakaganda ng katawan,napaka kinis,may pamatay na ngiti,kinakabaliwan ng mga matrona,babae,bading at minsan ng kapwa lalaki na gustong magtrip. Sya ang pinaka Star Dancer sa Strip Club na pinagtatrabahuhan nya,kaya nyang sumayaw ng hubo't hubad,magpa table at magpatake out ngunit sa kabayaran ng malaking halaga. Biniyayaan ng malaking kargada,magaling na pag indayog sa kama. Ngunit ang lahat ng iyan ay nawawala pag nasa bahay at eskwela na sya. Madami syang bagyong pinagdaanan sa buhay at hindi sya naniniwala sa Pag ibig. Paano kung may taong pinaniwala muli sya dito? Paano sya babaguhin ng pag ibig?