SierraEmpress
LET ME TASTE YOUR LIES
SARCASM SERIES #2
Zenaida Razel Cappuccino, aksidenteng nainom ng dalaga ang kape nung lalaking bampira, subalit hindi pala 'yon kape kungdi isang dugo! At sa kamalas-malasan pa ay may halong gayuma ang nainom niya, kaya wala ng atrasan ito! Papatayin n'ya lahat ng mga babae upang wala na siyang kaagaw sa bampirang bumihag sa puso niya.
Isa ito sa gabi-gabing gumugulo sa isipan ng dalaga, kung ang tungkol ba sa gayuma at bampirang iyon ay talaga bang nangyari sa kaniyang nakaraan o may kakayahan siyang makita ang hinaharap? O baka naman...isang reincarnation, kung ano pa man sa tatlong iyon ang pinaka punot dulong dahilan ay dalawa lamang ang tanong...
Ngayong nakita n'ya muli ang bampira, gagawin n'ya rin ba kung ano yung palaging napapanaginipan n'ya? O ipagsasawalang bahala na lamang ang damdaming namumuo at puputilin ang pag-ibig na umuusbong sa kadahilanang may asawa at anak na ang bampirang kung makaasta ay mukhang hindi siya kilala!