chiafseed
- LECTURES 85
- Votes 15
- Parties 7
In a world of full sacrifices, hindi naiiwasan na may mga bagay na mahirap isakripisyo.
Sa murang edad, naging breadwinner ako, namulat sa buhay, na hindi lahat ay madaling makuha.
Maaaring sa iba ay madali lamang makuha ang kanilang mga naiisin; pero sa mga kagaya kong kapos sa salapi, halos isang batalyon ang itataya makuha lamang ang ninanais.
Dahil sa kakulangan ng sahod sa mga trabaho, napilitan akong maging personal assistant ng unico hijo ng pamilya Montairé.
Nakilala ko si Silas, wala siyang sinasanto, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya agad. Akala ko, masungit lang talaga siya, pero habang nakakasama ko siya sa araw araw, may bagay na naging rason kung bakit ninais ko siyang takbuhan.
Sa bawat araw na lumipas na mag kasama kami, may mga bagay na nabunyag, may mga bagay na pilit itinago; pero walang siikretong hindi nabubunyag.