Aeri27's Reading List
77 cerita
YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA)  BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTA oleh iamcranberry
YGNACIA ESCONDIDO (HIDDEN YGNACIA) BOOK 1: SYMLA, ANG ITIM NA SANTA
iamcranberry
  • Bacaan 29,042
  • Undian 1,549
  • Bahagian 57
DISCLAIMER: THIS STORY WAS PUBLISHED BY PRECIOUS HEARTS ROMANCE UNDER PHR GOTHIC IMPRINT. THIS IS UNEDITED VERSION. STATUS: COMPLETED ❤️ ❤️TEASER❤️ "Hindi naman dahilan ang igsi o tagal ng panahon kung kailan natin puwedeng sabihing gusto natin ang isang tao. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nakikita at nakakasama ka." Itinuring na santa ng mga bampira si Symla nang malaman nila na maaari siyang magkaanak. Dahil doon ay itinago siya ng kanyang mga kalahi. Siya raw ang pag-asa ng mga bampirang magpapatuloy ng kanilang lahi. Nauubos sila dahil sa digmaan laban sa mga lobo. Nalaman ng mga lobo ang kanyang kapangyarihan at sa huli'y naging bihag si Symla ni Amado Estacion, ang suwail na prinsipe ng mga lobo. Kailangan daw siya ni Amado dahil sa mga plano nito at kapag nakuha na ang gusto ay papatayin din siya. Pero hindi sinasadyang nahulog ang loob niya kay Amado. Kahit anong pigil niya ay nauwi sa pagmamahal ang pagkamuhi niya dahil sa natuklasang ugali nito. Dama niya sa mga halik at haplos nito sa kanyang katawan na maaaring mabuhay ang init sa kanyang puso. Pero isa iyong malaking kalokohan. Isa siyang bampira at isa itong lobo. Mayroon bang nagkakatuluyang nilalang na tulad nila? Isa pa, mayroong nakaatang na obligasyon ang buong angkan sa kanya. Alin ang pipiliin ni Symla? Si Amado o ang mga kalahi?
MIDNIGHT KISS oleh ZindyRivera
MIDNIGHT KISS
ZindyRivera
  • Bacaan 63,630
  • Undian 1,306
  • Bahagian 10
"Hindi ko maaaring pilitin ang puso kong magmahal ng iba. I can only love once, at ikaw lang iyon..." Pagkatapos saktan ni Max ay sinabi ni Sabrina sa sarili na kalilimutan na niya ang lalaki. Ngunit nagbalik si Max sa buhay niya. Sa pagbabalik ng lalaki ay muli nitong binuhay ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Muli nitong ginulo ang nananahimik niyang buhay. Kaya kahit mahirap na magiging amo pa niya si Max ay umakto siyang bale-wala lang sa kanya ang lahat. Ngunit mahirap nga yata talagang pigilan ang pagmamahal sa isang tao. Napatunayan iyon ni Sabrina dahil sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang nahulog sa karisma ni Max. Isang halik lang ang nagpatunay na hindi niya kayang mawala ang lalaki. Hindi siya nangiming ibigay ang sarili kay Max dahil naramdaman niyang pareho sila ng damdamin. Pero hindi pa man umaamin si Sabrina kay Max sa nararamdaman ay naging malinaw na sa kanya na masasaktan lang siya sa huli. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan uli siya ng lalaki. Nalaman kasi niyang ikakasal na si Max kay Lyra, ang babaeng sumira sa relasyon nila noon ng binata.
The Eternal Kiss oleh DreamGrace
The Eternal Kiss
DreamGrace
  • Bacaan 4,073
  • Undian 131
  • Bahagian 21
His mission was to kill her to save his species. But he ended up saving her. And loving her...
STRANGER IN MY HEART (COMPLETED) oleh gabreiv17
STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)
gabreiv17
  • Bacaan 101,621
  • Undian 1,706
  • Bahagian 10
Mula nang itakwil si Haya ng pamilya niya ay nangako na siya sa sariling hinding-hindi na uli magpapapasok ng estranghero sa buhay niya. Ayaw na niyang maranasan uli ang sakit ng rejection mula sa kahit na sino. Pero nagbago ang lahat ng dumating sa buhay niya ang pansamantalang kapit-bahay niya. He teased her, followed her and made her see him. Tinuruan siya nitong ibaba ang depensang iniharang niya sa puso niya. She was beginning to enjoy having him in her life nang biglang sumulpot ang mga magulang niya. Ang akala niya ay mabibigkisan ang nasira nilang relasyon pero walang habas na hiniya siya ng mga ito. Nalaman niyang si Wade ang may pakana ng pagkikita nilang iyon ng mga magulang niya. Dahil sa matinding sakit ng ikalawang rejection ng sariling pamilya ay dito niya ibinunton ang lahat. Itinaboy niya ito gaya ng pagtataboy ng pamilya niya sa kanya. May pag-asa pa kayang maghilom ang mga sugat niya? Magawa pa kaya niyang patawarin hindi lamang ito kundi maging ang sarili niya?
😊Finally Found You (COMPLETED - Published under PHR) oleh iamsapphiremorales
😊Finally Found You (COMPLETED - Published under PHR)
iamsapphiremorales
  • Bacaan 86,666
  • Undian 833
  • Bahagian 5
Arabella's almost perfect world shattered when her fiance went missing on the day of their wedding. Ang masakit at wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit iniwan siya nito. Pinayuhan siya ng boss at kaibigan niya na magbakasyon muna para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon ng babae na sa resthouse ng pamilya nito sa Quezon magpunta. Ang akala niya ay makakapagpahinga siya ng maayos roon, pero isang gabi pa lamang siya sa pananatili doon ay dumating ang isang napaka-aroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya - si Jared. Pinsan pala ito ng boss niya at naroon din ito para magbakasyon. Pagkatapos ng matinding diskusyon at nagkasundo sila pareho na manatili doon. Magkasama sila sa resthouse pero wala silang pakialam sa isa't-isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang atraksiyon na nadarama niya para rito. This beast was so damn hard to ignore!
The Estranged Wife (COMPLETED) oleh CadyLorenzanaPhr
The Estranged Wife (COMPLETED)
CadyLorenzanaPhr
  • Bacaan 320,629
  • Undian 7,444
  • Bahagian 49
Estrange couple sina Jackie at Albert sa loob ng dalawang taon. Pero isang araw ay bigla na lang nagpakita si Albert sa asawa, humihingi ng pangalawang pagkakataon. "I need to make things right again. I am your inspiration for your poems," sagot nito nang tanungin niya kung bakit. Apparently, napanood pala nito ang performance niya nang minsan nag-spoken poetry siya. Matagal na ang mga tula ni Jackie. Wala na iyon sa kanya. At sa totoo lang, ayaw niyang isa-puso ang mga iyon kahit marami ang naapektuhan. Kinalimutan na niya si Albert. Pero bakit siya pumayag na makipagbalikan rito?
ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HAVE YOU oleh DreamGrace
ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HAVE YOU
DreamGrace
  • Bacaan 68,439
  • Undian 499
  • Bahagian 4
I'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Flynn. And so now I must focus on my grandson Hisoka. There are three things that are absolutely important to Hisoka: Hisoka, Hisoka, and Hisoka. And sometimes if it's challenging enough, he can be called on to do his familial duty. Hindi ko alam kung bakit, pero nag-aalala talaga ako sa apo kong ito. Sa kanilang lahat, siya ang masasabi kong pinakamalapit ang ugali sa akin. He's as hard as a rock, as strong as an ox, and as manipulative, scheming, and domineering as I was when I was his age. Sa palagay ko, dahil din doon kaya madalas siyang nami-misunderstood ng mga taong nakapaligid sa kanya. This grandson of mine has not had it easy growing up under the care of his crazy mother's family.
You're Still The One oleh GezillePhr
You're Still The One
GezillePhr
  • Bacaan 157,861
  • Undian 3,698
  • Bahagian 20
Sa mga nakabasa na po ng story nila Andrei at Gizelle, heto na po ang kuwento ng mga kapatid nilang sina Alex at Winona. You're Still The One (Special Edition, 256 pages) By Gezille "I can't lose you. Mababaliw na ako kapag nawala ka na naman sa 'kin." Sa unang pagtatagpo pa lang, inis na si Winona kay Alex-ang panganay na anak ng boss niya. Si Alex na yata ang pinakairesponsable, pinakamayabang, pinakamapang-asar at pinakapapansin na lalaking nakilala niya. Kaya naman hindi niya naiwasang lihim na magreklamo nang atasan siya ng kanyang boss na maging secretary slash temporary trainer ni Alex habang nagsasanay ito sa pagpapatakbo ng DOBI-ang kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Walang ginawa si Alex kundi ang magpasaway at pasakitin palagi ang ulo ni Winona. Wala ring ginawa ang lalaki kundi ang magpa-cute sa kanya. Ngunit dahil malaki ang utang-na-loob niya sa kanyang boss, tiniis niya ang lahat at pinilit na bale-walain ang mga pagpapapansin ng lalaki. Hanggang isang araw, naubos na ang pasensiya niya. At kasabay ng pagkaubos ng pasensiya niya ay ang pagkahulog na pala ng loob niya sa lalaki. Na-in love siya kay Alex sa kabila ng pagiging pasaway nito. And she realized that was the biggest mistake she had ever done. Dahil hindi pala madaling mahalin ang pasaway na katulad nito.
Braveheart Series 10 Jade Buenviaje (The Substitute) oleh dawn-igloria
Braveheart Series 10 Jade Buenviaje (The Substitute)
dawn-igloria
  • Bacaan 84,586
  • Undian 2,033
  • Bahagian 11
Phr Book Imprint Published In 2006 "Gusto kong halikan ka. How can I not kiss you? You have the sweetest lips." Sinisisi ni Jade ang sarili sa pagkamatay ng asawa ni Jaime Nueva. Dahil sa sundot ng konsensiya kaya nagpilit siya na tumira sa bahay ng lalaki. Tumanggi si Jaime. Pero nagawa ni Jade na ipilit ang gusto, kahit magmukha siyang unwanted guest doon. Inalagaan niya ang anak nito. Pero dahil na naman sa kanya, ang bata naman ang nadisgrasya. Labis na guilt ang naramdaman ni Jade. Galit na galit si Jaime sa kanya. Kaya nagulat siya nang iutos nito na gampanan niya ang tungkulin na naiwan ng namatay na asawa. Kaso lang, sobrang sungit pala ni Jaime. Muntik-muntikan na siyang mag-back out. Pero unti-unti niyang natutuhan na mahalin ang masungit na lalaki. Pero minsang umalis siya sandali sa bahay ni Jaime, pagbalik niya ay nakababa na ang mga gamit niya. Lumayas na raw siya roon at huwag nang bumalik pa.
How to Forget Beautiful Memories? [PUBLISHED under PHR] oleh akihiro_sakimoto
How to Forget Beautiful Memories? [PUBLISHED under PHR]
akihiro_sakimoto
  • Bacaan 45,669
  • Undian 818
  • Bahagian 12
Catchline: "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Hindi rin ako nagbibiro nang halikan kita. Pasensiya ka na, hindi ko napigilan ang sarili ko." Teaser: Mula pagkabata ay lihim nang iniibig ni Feab ang childhood best friend niyang si Dyrus. Pero hanggang sa maghiwalay sila ay hindi niya nasabi rito na mahal na mahal niya ito. Nangako silang magsusulatan pero kahit isang sulat ay wala siyang natanggap mula rito. Ilang taon ang lumipas bago muling nagkrus ang kanilang mga landas. Nagpalit pa ito ng pangalan dahil ayaw raw nitong magpakilala sa kanya hangga't hindi nito napapatunayang hindi niya nakalimutan ito. Galit din daw ito sa kanya dahil hindi man lang niya sinagot ang kahit isa sa mga sulat nito sa kanya. Nagtaka siya. Paano nangyari iyon? Nang malaman nila ang dahilan ay saka nila inaming mahal nila ang isa't isa. Nakahanda na sana silang dugtungan ang kanilang nakaraan nang malaman nila ang isang nakagugulat na katotohanan na nakaambang tuluyang pumutol sa matamis na pagmamahalan nila. OSTs: "Moonlight Memories Of You" "Everything And More" (Songs by Billy Gilman) This was published under Precious Hearts Romances, January 26, 2010.