prettyzeyn
Sa edad na labing-apat, tahimik lang na nagmamahal si Aeris Celestine Villareal, isang batang bakla na walang lakas ng loob na ipakita ang tunay niyang nararamdaman para sa lalaking pinakasikat sa buong campus-si Zyron Kassian Del Fierro, ang gwapo, mayaman, at star basketball player na halos sambahin ng lahat.
Araw-araw, may lihim na ritwal si Aeris: nag-iiwan siya ng sulat, pagkain, at maliliit na regalo sa locker ni Zyron, umaasang kahit hindi siya kilala nito, mararamdaman man lang ang pagmamahal na matagal na niyang kinikimkim.
Ngunit nagbago ang lahat nang maging opisyal na kasintahan ni Zyron ang campus queen bee na si Seraphina Elise Montecillo-ang pinakamaganda, pinakasikat, at perpektong babae sa kanilang paaralan. Doon nagsimulang masaktan si Aeris at unti-unting piliing maging totoo sa sarili. Sa tulong ng kaniyang transgender na tita, sinimulan niya ang paglalakbay bilang babaeng matagal nang gustong lumaya-pinahaba ang buhok, tinanggap ang sarili, at nagsimulang mabuhay bilang Aeris, hindi bilang taong tinatago lamang ang tunay na pagkatao.
Hanggang sa isang araw, nahuli siya ni Zyron habang nag-iiwan ng regalo sa locker nito.
At sa harap ng maraming estudyante-kasama si Seraphina-pinahiya siya ng lalaking minahal niya nang buong puso.
Wasak ang dignidad at puso, iniwan ni Aeris ang paaralan at ang nakaraan, dala ang pangakong babalik siya bilang taong hindi na muling mamaliitin ninuman.
Lumipas ang mga taon.
Sa isang gabi sa bar, muling nagtagpo ang landas nina Aeris at Zyron-ngunit ngayon, isa na siyang napakagandang babae na hindi na nakilala ng lalaking minsang dumurog sa kanya. Nahulog si Zyron sa babaeng hindi niya alam na siya rin palang lihim na tagahanga noon.
Plano lang sana ni Aeris ang paghihiganti.
Pero paano kung habang sinusubukan niyang ibalik ang sakit ng kahapon, pareho silang mahulog sa pag-ibig na nagsimula bago pa siya maging siya?