PHR Stories
5 stories
❤Loving You So (Completed; Published under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 66,181
  • WpVote
    Votes 1,337
  • WpPart
    Parts 11
After the heartache and pain she went through a year ago, all that Danielle wants is to start a new life. Pero mukhang magugulo na naman ang bagong buhay na iyon dahil sa kapitbahay niyang saksakan ng antipatiko at papansin-si Charles. Sa una pa lang na pagkikita nila ni Charles ay inis na kaagad ang umusbong sa dibdib niya para sa lalaki. Every time na magkakaharap sila ay para silang aso't pusa. Pero bakit nagiging irregular ang heartbeat ni Danielle lately kapag nakakaharap ang binata? Hindi pa siya handang magmahal uli pero paano nga ba niya basta-basta mapagbabawalan ang sarili na ibigin si Charles? Tama bang buksan niyang muli ang puso para sa binata? Note: unedited version po ito
❤Heaven's Love (COMPLETED; Published Under PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 68,781
  • WpVote
    Votes 1,347
  • WpPart
    Parts 10
"Papatulan ko lahat ng kabaliwan mo, just to make sure na hindi ka mawawala sa akin. I'd rather look stupid than to spend my whole life without you near me." Hindi inaasahan ni Heaven na tototohanin ng kanyang ama ang sinabi nito na ipinagkasundo siya nito kay Kurt Tan. Kapag hindi raw siya nagpakasal kay Kurt, kahit singkong duling ay wala siyang matatanggap na mana. Pero sadyang matigas ang ulo niya. Tumakas siya. Wala siyang alam na mapupuntahan maliban sa bahay ng kaibigan niya noong college. Kaya bitbit ang napakataas na pride niya ay nagtungo siya sa isang liblib na bayan sa Quezon para doon magtago. Doon niya nakilala si Christian Opeda. She fell in love with him. Masaya na sana siya sa bagong buhay niya pero noon naman siya natunton ng mga magulang niya. Kulang na lang ay magmakaawa siya para lang hayaan na siya ng mga ito. At halos mamatay siya nang malaman niyang ang nagturo ng kinaroroonan niya ay ang walanghiyang si Christian!
When Anne Meets West Again (ebook under PHR) by sillycee
sillycee
  • WpView
    Reads 47,248
  • WpVote
    Votes 778
  • WpPart
    Parts 14
(RAW/UNEDITED) released in digital form by Precious Hearts Romances Bilang isang matagumpay na accessory designer sa bansa, wala nang mahihiling pa ang isang tulad ni Anne Natalie kundi ang makawala sa mga alaala ng isang lumang pag-ibig. At ngayon kung kailan handa na siyang umibig muli ay tsaka magbibiro ang tadhana - muli silang pagtatagpuin ng kanyang nakaraan, si West. Pilitin man ang sarili, hindi matanggap ni Anne na may iba nang mahal ang dating kasintahan. Wala na dapat siyang pakialam rito pero sa tuwing tinititigan siya ng magaganda nitong mga mata at muling matikman ang matamis nitong mga halik ay bumabalik sa kanya ang lahat. Sa kanya lamang dapat ang mga titig at ang mga halik nito at hindi siya papayag na maangkin ito ng iba. Sa ngalan ng pag-ibig, gagawin niya ang lahat para makuhang muli ang pag-ibig ni West, kahit pa nga ang kapalit nito ay ang makasakit ng iba...
Sa Agos ng Tadhana (Precious Hearts Romances) by Emerald_Blake158
Emerald_Blake158
  • WpView
    Reads 73,380
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 13
"I had no plans of changing my lifestyle and perspectives. I thought my world would just remain the same, totally upside down. But all you did throughout this time was to make it right side up. Nagsimula ang lahat nang makilala kita sa barko. Binago mo ang takbo ng buhay ko..." HARLAN DELA RIVA. Known to be the headstrong, witty, and impulsive bachelor in his late twenties. He also happens to be the ultimate heir of Dela Riva Inc. Hindi siya magkamayaw sa napakaraming babaeng tila nahuhumaling sa kanyang pisikal na anyo, katalinuhan at kayamanan. Ngunit sa kabila ng halos perpekto niyang buhay ay isang mapait na pangyayari dalawang taon ang nakalipas. Isang bahagi ng kanyang buhay ang 'di niya na ninanais pang balikan bunga ng takot na muling mabuksan ang mga sugat at pilat ng kahapon. DAISY ANDRADA. Gentle, optimistic and softspoken. Nakahiligan na niya ang pagiging florist sa maliit na flower shop ng kanilang pamilya. Isang aksidente sa dagat ang naganap dalawang taon ang nakalilipas, at ito ang nag-iwan ng malaking pinsala sa kanyang pagkatao. Sa kabila nito, nanatili siyang puno ng pangarap, pag-asa at magagandang saloobin sa buhay. Ang tangi niyang ninanais ay isang buhay na payak ngunit mapayapa at higit sa lahat, ang makapagbigay ng inspirasyon sa mga batang may pinagdadaanan tulad niya. Iisang pangyayari sa nakaraan ang humubog ng kanilang mga buhay. Ngunit sa muli nilang pagkikita, mabura kaya ang mga sugat at pilat ng kahapon upang maging susi sa pagbabago ng kanilang mga tadhana?
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 275,432
  • WpVote
    Votes 4,980
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.