ednapeniero's Reading List
5 stories
God Gave Me You✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 2,546
  • WpVote
    Votes 287
  • WpPart
    Parts 20
Si Moises ay isang masayahing tao Mapagbigay pero maloko Sa mga kaibigan tapat sya at totoo Pagdating sa kalokohan numero uno ito.. Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho Palabarkada man sya at basagulero May dignidad naman at may prinsipyo Maraming kababaehan ang nahuhumaling dito Pero ni isa sa mga ito, ay wala man lang nakapasok sa pihikan nitong puso. Hanggang sa nakilala nya si Edna Isang dalagang suplada na isnabera pa Lahat ng diskarte kanyang ginawa mapansin lang sya Pero tila isa lang syang langaw na palaging tinataboy ng dalaga.. Sa ugaling pinapakita sa kanya ni Edna Kahit minsan di sumuko si Moises kahit nahihirapan na sya Ang kanyang minimithi sa buhay ay ang makapiling ang masungit na dalaga Kaya gagawin nyang lahat ng kanyang makakaya Dahil naniniwala syang si Edna ang ibinigay ng Panginoon para sa kanya Na silang dalawa ang nakatadhana sa isa't isa. Magtagumpay kaya si Moises sa larangan ng pag ibig? Si Edna na ba ang bigay ng Diyos para sa kanya? Anong kalalabasan ng kanilang storya? Happy ending kaya o kabiguan ang makakamit ni Moises sa magandang dilag na pinapangarap nyang makasama, magmula pa ng panain ni kupido ang puso nya. ♥🖤 "Hindi ako ang buwan na iiwan ka pagdating ng araw.. Hindi din ako ang araw na iiwan ka pagsapit ng dilim.. Hindi din naman ang mga tala na lilinlang sa iyong paningin.. Ako ang magiging lahat ng ulap na yayakap sa mundo mo, maliwanag man o madilim." - MOISES - ♥🖤 True to life Love Story of 🖤Moises & Edna ♥ Keep track of the love they fought for, just to be with each other ... ° ° ° For Eternity & Beyond... 💃MahikaNiAyana
   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 1,234
  • WpVote
    Votes 165
  • WpPart
    Parts 12
Ako nga pala si Jp, isa akong manunulat. Sa totoo lang.. Hindi ko naman pinangarap ang maging writer. Ang hilig ko lang ay mangarap ng gising. Kaso ang isip ko malayo ang nararating, naglalakbay kung saan saang dako ng mundo. Mula noong bata pa kasi ako, marami na akong karanasang kakaiba.. Yun bang may mga nakikita ako na hindi nakikita ng iba. Kumbaga malakas ang pakiramdam ko sa mga mahiwagang nilalang. Parati rin akong nananaginip na tila sa ganung paraan kinokonekta nila ako sa kanilang mundo. At ang lahat ng pangyayari ay parang totoo. Sa sobrang koryosidad ko sa mga napapanaginipan kong mga engkanto. Naglalakbay ako at kung saan saang lugar na nakakarating. Diko inakala ng isang gabing kabilugan ng buwan. Habang pauwi nako samin at napadaan sa kakahuyan, may narinig akong malamyos na boses ng babaeng umaawit. Ako'y napahanga sa boses nyang tila may mahika, lalo na ng masilayan kong kanyang anyo na napakaganda. At ng sinabi nyang kanyang pangalan, ako'y natulala. Isa daw syang Diwata, ng kahariang Umbra... na matatagpuan sa mundo ng Engkantadya. Sya si Diwatang Ayana, na pinangarap kong makasama.. Hinanap ko sa kagubatan ang daan patungo sa mundo nila. At dahil sa isang aksidenteng napaupo ako sa isang putol na puno para magpahinga. Nahati yun sa gitna at hinila ako ng malakas na pwersa patungo sa mundong mahiwaga. Sa mundo ng Engkantadya biglang nagbago ang buhay ko, masyado akong naaliw sa ganda ng kapaligiran at sa mga Engkantong nakakasalamuha ko. May mga Dwende, Sirena, Shokoy, Anghel, Bampira at kahit na nga mga lmpakta, na ang iba ay naging kaibigan ko na. Halika, kaibigan!... Samahan mo akong lakbayin ng ating diwa at imahinasyon ang mahiwagang mundo ni Ayana. Kilalanin rin natin ang mga Engkantong malapit sa kanya. At higit sa lahat ating tuklasin ang taglay nyang mahika... 💃MahikaNiAyana - Photos from deviant art / Pinterest -
Angel of Mine🗡Assassin Series5 ✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 1,366
  • WpVote
    Votes 118
  • WpPart
    Parts 11
⚔ Prick Lefur ⚔ Prick, is a bomb expert of Hainsha Organization, A Russian nationality, who preferred to be an assassin secret agent. He is a member of the group of Keros Kitsume, the boss of Asia. Kabilang din sya sa samahan ng mga baliw! Panglimang hanay sya. Dahil ang boss nilang kuripot na si Keros ang pasimuno ng lahat. Pumapangalawa naman si Pyre na generous guy ika ngay tagalibre nila. Pangatlo si Griffin na missing in action palagi. Pang apat si Eruto na palaging late at mareklamo. At sya na pang lima sa kanilang bilang ang laging nabu bully dahil bagong pasok lang sya sa grupo at hindi deretso managalog. Pang anim ay si Aeris ang madiskarte at maharot sa kanilang lahat. Kapag magkakasama silang anim, sabog ang tahimik na kapaligiran. 🖤❤ ⚔ Destiny Hedrex ⚔ Si Destiny Hedrex ay isang nurse at pag walang ginagawa nag tututorial din sya minsan. Adik sya sa mga romantic stories, magbasa ng pocketbook, wattpad at kung anupang anik anik basahin na nakakapag pabuhay ng kanyang dugo. Ng magkasakit ang pinsan nyang tutor, pinakiusapan sya nitong humalili munang magturo sa Russian nitong studyante. Dahil sa pag aakalang bata ang tuturuan nya, agad na pumayag sya. Laking gulat nya ng makita ang tuturuan nyang studyante. Hindi ito bata kundi malaking mama, Ay mali! Ito'y isang macho at gwapitong Fafalicious. At ng magpakilala ito.. "Hi, I'm Prick Lefur, nice to meet you!" At hinimatay na sya! Charot... 💃MahikaNiAyana
ITINADHANA🥀  ✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 710
  • WpVote
    Votes 187
  • WpPart
    Parts 12
Draca At Euri 🥀 Love Story Isang mandirigmang kabalyero si Euri sa palasyo ng Umbra. Isa sa mga kaharian sa Engkantadya kung saan ang namumuno ay mga makapang yarihang engkanto at mga diwata. Dito nagtagpo ang landas nila ni Draca. Ang diwatang ubod ng sama ang pag uugali. Bakit ganun na lang kung husgahan nya si Draca? Kasi, naging saksi sya sa pagpapahirap nito sa kaibigan nyang si Dwarf. Ang pinsan ni Draca na dwende at may lihim na pagtatangi sa kanilang Prinsesa Ayana. Sa inis at matinding pag ayaw nya sa diwata hindi nya inakalang mahuhulog ang loob nya dito, at ang masama pa nito minamahal nya na pala ang sutil na diwata.. Ano ng gagawin nya gayong batid naman nya kung gaano kasama ang pag uugali nito. Paano nya ba mapapaibig ang diwatang napakalakas, na kahit si Dwarf hindi manalo nalo sa tunggalian ng mga ito? Mapipigilan nya bang nararamdaman gayung naniniwala syang itinadhana silang dalawa para maging isa? Malaking suliranin ito para kay Euri na ngayon lang umibig... Magtagumpay kaya sya... O Mabibigo. Paano ng paniniwala nyang Itinadhana sila ni Draca sa isa't isa? kakalimutan na lang ba nya yun O maglalakas loob syang tapatan ang diwatang dragon ng Engkantadya. Draca At Euri 🥀 Love Story 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -
Ang Sekreto Ni Valentina🐍✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 712
  • WpVote
    Votes 165
  • WpPart
    Parts 12
Ako si Valentina🐍 Val sa gabi, Lentina sa umaga. Hindi ako bakla at hindi rin ako tomboy. Sadyang kakaiba lang ang aking pagkatao. Dalawa ang katauhan ko, na kahit ako nahihirapang intindihin at hanapan ng kasagutan kung bakit ako ganito. Kung bakit kakaiba ako.. Kung bakit sa pag bukang liwayway ay nagiging babae ako. At sa pagsapit ng takip silim nagiging lalaki naman ako. At may isang sekreto pa akong itinatago, na kaming dalawa lang ni Inang ang nakakaalam nito. Meron akong taglay na kapangyarihan, at kung papano o saan ko man natutunan o nakuha ito? Yun! Ang hindi ko rin alam. Basta kusa na lang lumalabas ang kulay purple orchids sa mga kamay ko kapag ginusto ko ito. At ang sinasabog nitong halimuyak ay iba iba ang taglay na kapangyarihan at kahulugan.... Ito ay... Nakakabighani, Nakakagaling, Nakakahalina, At higit sa lahat... Nakamamatay. Kung anong naisin ko na maging amoy nito, mabuti man o masama, yun ang isasabog na halimuyak ng purple orchids. Masyadong masalimuot ang tinatahak kong daan, para lang matuklasan at malaman ang tunay kong pinagmulan.. Magtagumpay kaya ako saking paglalakbay? Mabigyan ko kaya ng hustisya ang lahat ng nangyayari saking buhay? Ako ba'y totoong tao? O Baka naman ako'y isang engkanto? AKO SI VALENTINA🐍 × × × AT ITO ANG AKING KWENTO. 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -