realmeniemendz
3 stories
Dela Vega Heir: Christian Grae (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 923,748
  • WpVote
    Votes 18,131
  • WpPart
    Parts 23
Nagsimula ang alitan dahil lamang sa pagnakaw ng isang titulo. Kailangan pa paibigin ang nag-iisang tagapag-mana ng Dela Vega Empire, para lamang mabawi ang dating titulo na naging kanila. Paano kung ang nasimulan mo ay hindi muna kaya pang tapusin? Imbes na paibigin mo siya ay ikaw mismo ang napaibig nang isang Christian Grae Dela Vega.
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,146,622
  • WpVote
    Votes 46,552
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
Duke Sean FORD SERIES 1 COMPLETED (TO BE SELF PUBLISHED) by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,892,580
  • WpVote
    Votes 40,583
  • WpPart
    Parts 40
Si Duke Sean Ford ay bata pa lang ay pangarap na ang maging isang sikat na car racer. Sa edad na disi-otso ay natupad ang pangarap niyang iyon. Siya rin ang panganay na anak ng sikat at kinakatakutan na si Dimitri Sergio Ford na isang Mafia Boss. Bukod sa pagiging car racer ay may katangian si Duke na talagang kinaiinisan ng babaeng gusto nito; at iyon ay ang pagiging possessive nito. Bukod sa pangarap ni Duke na maging car racer ay meron pang kinahuhumalingan ang binata. Mailap sa kaniya ito, lagi siyang iniiwasan pag parating na siya. At para bang may sakit siya na maaaring makahawa. Bata pa lang ay parang aso't-pusa na sila. At ang kinahuhumalingan nito ay ang simpleng dalaga na si Nestle Rin Ramirez. Maganda ang dalaga at masunuring anak. Matalino rin ito at mabait. Kaya naman hanggang sa magdalaga ito ay mas lalong lumalalim ang pagkagusto ng binata rito. Inaamin ni Duke na habang tumatagal ay parang hindi na niya maalis sa sistema niya ang dalaga. Lagi siyang nakasunod kung saan ito magpunta. Maging ang school na pinapasukan nito ay siya ring pinapasukan niya. Nagkaroon ito ng boyfriend na kinagalit niya. Kaya hindi makakapayag si Duke na ang babaeng kinababaliwan niya ay madali lang na maaagaw sa kaniya. Gumawa siya ng paraan para makuha ito. Kahit masama ay ginawa niya..Hindi siya susuko hanggang makuha niya rin ito. Nestle Rin Ramirez.. Duke Sean Ford's Property. Ang kay Duke ay kay Duke. Kaya pag kaniya na, hindi na niya hahayaan pang makuha ng iba. ©MinieMendz