jillay86's Reading List
135 stories
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,410,866
  • WpVote
    Votes 41,463
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
[Completed] Cold Eyes Saga 4: The Hunter And The Hunted by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 93,885
  • WpVote
    Votes 3,873
  • WpPart
    Parts 54
Isang murder sa kagubatang nagtatago ng napakagandang waterfall. Isang katawan ang basta na lamang itinapon sa napakagandang tubig. Ilang mga taong hindi pa rin natatagpuan, mga batang nagsisimulang mawala. Naniniwala ang mga taong malapit sa kagubatang iyon na may isang halimaw ang naglilibot tuwing gabi upang humanap ng mga bibiktimahing turista. Isang halimaw na naninirahan sa napakagandang talon na tuwing bilog ang buwan ay nagiging kulay dugo ang malinis na tubig. Subalit hindi iyon pinaniniwalaan ni Jemimah. Hindi niya nais alisin ang tiwala na buhay pa ang mga taong hinahanap. Gagawin niya ang lahat para maalis ang maskara ng halimaw sa kagubatang iyon at maibigay ang katarungan sa mga naging biktima... kahit kapalit pa ang kanyang buhay.
DARK CHOCOLATE SERIES 3 - LUSCIOUS SINS, LOVE AFLAME by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 120,241
  • WpVote
    Votes 2,798
  • WpPart
    Parts 13
Maraming nagawang pagkakamali sa buhay si Katalina, mga pagkakamaling naging dahilan kung bakit kinilala siya ni Gabriel Wharton, ang nag-iisang anak ng mag-asawang nagawan niya ng kasalanan. At ang tanging nais nito ay parusahan siya para sa mga magulang nito. Labis ang galit ni Katalina sa lalaki, halos kapantay din ng galit nito sa kanya. Pero ang galit ay mabilis itawid sa pagmamahal. At doon nga nauwi ang damdamin ng dalaga para sa lalaki. Naging handa siyang gawin ang lahat para bumagay lang sa mundo nitong batid niyang walang lugar para sa isang tulad niya. Pero paano na ang mga madidilim na lihim niyang hindi lingid dito? Kaya ba nitong tanggapin ang lahat ng iyon gayong mayroong babaeng handa na nitong pakasalan?
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 174,295
  • WpVote
    Votes 5,634
  • WpPart
    Parts 94
*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang puso ay may katugon, ang isa ay hindi niya magawang saktan. Pero bago masolusyunan ni Jemimah ang problema ng team at ng personal din niyang buhay, may isang malaking kaso munang kailangang harapin at lutasin ng kanilang team: a new monster is on the loose and they need to stop it soon. Someone had been collecting hearts - literally. Kailangan nilang unahan ang psychopath serial killer na gustong ibilang sa heart collection nito ang isa sa dalawang pusong gustong umangkin sa puso ni Jemimah.
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 113,621
  • WpVote
    Votes 3,594
  • WpPart
    Parts 64
Cops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhere. Isa pang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ay ang mga mensaheng ipinapadala sa SCIU patungkol sa mga lugar na planong bombahin. Lots of lives were at stake and they needed to work faster. Pero hindi lang pala iyon ang problemang kakaharapin ng kanilang team, mayroon pang isang problemang sisira sa grupong matagal na inilagaan. Sisira sa kasiyahan at pag-asa ng bawat isa...
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 314,451
  • WpVote
    Votes 5,285
  • WpPart
    Parts 92
"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagiging tanyag kung hindi niya naman magawang makuha ang puso ng pinakamamahal niyang best friend na si Rafael. He was in love with somebody else at hindi niya magawang ilayo ito dito. Then, she realized there was no way he could learn to love her more than a friend. Nanatili siya sa Seoul para makalimutan ito, doon ay nakasama niya si Raffy, ang kakambal ni Rafael na siyang dahilan kung bakit siya nagdurusa. Pilit niya itong nilalayuan pero dahil sa agency nito ang humahawak sa kanya ay wala siyang ibang choice kundi ang pakisamahan ito. But unconsciously, nagugustuhan niya na rin ang presensiya nito. He was not as bad as what she thought. Nalipat na ba dito ang nararamdaman niya para sa kakambal nito? That was ridiculous. She was so tired of loving so much and ending up getting hurt. Hindi niya na gustong maulit pang muli ang sakit na naranasan niya galing sa kakambal nito. Pero bakit makulit pa rin ang puso niya? Bakit kailangang hanap-hanapin niya pa ito? Would she be able to risk her heart to love again? {This is an unedited version. There are some scenes that are only available in the published novel. The Breakers Corazon Sociedad is a series published under Precious Hearts Romances written by Venice Jacobs. The fifth book (Raffy Choi) was published on August 2014. The series is available in all Precious Pages Book Stores & National Book Stores nationwide. Hope you can support the published books too. Thank you.}
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 7: Daniel Fabella by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 265,683
  • WpVote
    Votes 4,392
  • WpPart
    Parts 75
Daniel Fabella, an international car racer, ang pinakamadaling lapitan sa lahat ng mga kabarkada nito. She must be friends with him. Iyon lang ang paraan para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa 'society' ng mga ito - The Breakers Corazon Sociedad. Alam niyang ito lang ang makakatulong sa kanya para sa career niya. Magandang topic sa magazines ang samahan ng mga ito, kaya kailangan niyang malaman ang lahat tungkol sa 'society' na iyon. Pero mukhang nagkamali siya ng nilapitan. He never talked about their society, iniinis lang siya nito tuwing magkikita sila. Bakit ba siya nagtitiyagang lapitan ito gayong wala naman siyang mapapala? But there was something in this handsome car racer's smile that could make her heart stops beating for a while. Kay Christopher na lang sana siya lumapit! Hindi na sana nahulog ang loob niya dito!
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 296,174
  • WpVote
    Votes 5,165
  • WpPart
    Parts 74
Stacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa kanya. Pinapabayaan na lang niya ang mga ito na mag-isip ng ganoon. Rumors were a part of everyone's life. As long as she was happy, wala na siyang pakialam sa ibang tao at sa sasabihin ng mga ito. Then one day, nakaharap ni Stacey si Michael de Angelo, a very famous actor in Hollywood and in the country. Walang kapantay ang kayabangang dala ng lalaki. Ang kapal ng mukha ng lalaking ipamukha ang playgirl reputation niya, mas malala naman ang pagiging babaero nito! Pero bakit gustong itama ni Stacey ang maling akala ni Michael sa pagkatao niya? What was wrong with her? {This is an unedited version. There are some scenes that are only available in the published novel. The Breakers Corazon Sociedad is a series published under Precious Hearts Romances written by Venice Jacobs. The fourth book (Matthew Azcarraga) was published on July 2014. The series available in all Precious Pages Book Stores & National Book Stores nationwide. Hope you can support the published books too. Thank you.}
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 678,582
  • WpVote
    Votes 8,009
  • WpPart
    Parts 45
Hindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito at maging tulay para mapaglapit ang mga ito. It didn't take long until those two entered a relationship. Akala niya ay tapos na ang komunikasyon niya sa lalaking iyon pero nagkamali siya. Dahil sa hilig ng kaibigan niya sa paghahanap ng kasiyahan sa iba't ibang lugar ay siya ang pinakiki-usapan nitong samahan muna ang boyfriend nito tuwing hindi ito makakarating sa usapan ng mga ito. Kahit ayaw niya ay wala na rin naman siyang choice dahil naaawa rin siya sa lalaking iyon na halatang patay na patay sa kaibigan niya. Pero mas matindi ang pagkaawang naramdaman niya para dito nang malaman niyang niloloko ito ng kaibigan niya. She didn't know what to do. Sasabihin niya ba dito ang mga panloloko ni Cheska at sirain ang tiwala ng kaibigan? She knew that she shouldn't meddle with their relationship. But there was a part of her heart that wants this man to forget her friend and just look at her. Why was she being like this?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 66,208
  • WpVote
    Votes 1,825
  • WpPart
    Parts 21
*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala kundi pawang sakit, paghihirap at kalungkutan. Subalit isang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay niya nang muling makatagpo si Nico Santiago isang taon matapos mamatay ng asawa. Si Nico ay isa sa malalapit na kaibigan nila ni Arnold. Silang tatlo ang madalas na magkasama noon. Hindi maintindihan ni Dianne kung bakit nag-iba ang klase ng pagtrato at pagtingin ni Nico sa kanya ngayon. Pero mas higit na hindi maintindihan ni Dianne ang sayang nararamdaman kapag kasama ang binata. At maging ang pagpapadala niya sa bawat halik at haplos nito. Hindi ito tama. Kaibigan si Nico ng dating asawa at siguradong pag-uusapan siya ng mga tao kung sakaling patuloy siyang makikitang kasama ito. At isa pa, isang sekreto ng asawa ang pinaka-iingatan niyang itago - isang sekretong nagkulong sa kanya sa pagsasama nila ng mahabang panahon. Isang sekretong hindi niya maaaring ipaalam sa ibang mga tao. Magagawa niya bang patuloy na panghawakan ang sekretong iyon at bitawan ang sariling kaligayahan?