PHR
10 stories
Wedding Girls Series 14 - Caroline by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 105,590
  • WpVote
    Votes 2,448
  • WpPart
    Parts 17
WG CAROLINE - The Florist Hindi niya alam ang eksaktong sagot sa tanong ng kapatid niya. Mahigit isang buwan na silang palaging magkasama ni David-ang binatang nagmamay-ari ng resort na napuntahan niya. Pero hindi pa nila pinag-uusapan kung ano nga ba ang relasyon nila sa isa't isa. Hindi na niya naiisip na magtanong dahil bukod sa wala siyang lakas ng loob na magtanong ng tungkol sa estado ng relasyon nila ay kuntento naman siya sa nangyayari sa kanila. Masaya sila palagi. Hindi sila nag-aaway. Sa bawat date nilang dalawa, pinapatunayan ng binata sa kanya ang pagiging romantiko nito. Ang totoo, hindi niya inaanalisa ang damdamin niya para kay David. Ni ayaw niyang isiping in love siya sa binata. Pakiramdam niya, kapag natanto niya ang bagay na iyon ay magiging problema lang niya. Baka maging demanding lang siya sa binata na suklian din nito ang pag-ibig niya. And yet, itinatanggi pa rin niyang mahal niya ito. She must be crazy. At napangiti niya. Yes she was crazy. She was crazy in love with him. At lumuwang ang ngiti niya. Inamin din niya sa sariling in love nga siya sa binata.
Wedding Girls Series 18 - Lynette by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 70,846
  • WpVote
    Votes 1,914
  • WpPart
    Parts 20
Lynette - The Jeweler Marriage of convenience, iyon ang solusyon upang mapadaling maisalin sa pangalan ni Lynette ang naiwang pag-aari ng kanyang ama. Ang totoo ay puwede niyang kontestahin sa korte ang tungkol sa kondisyon nito. Pero ang pinakapraktikal na paraan ay ang sundin na lang niya ang gusto nitong magpakasal siya at makisama sa mapapangasawa sa loob ng anim na buwan. At hindi masamang magpakasal kay Dominic Laurente. He was her first love, after all. At mapapatunayan niya sa sarili kung totoo ang sabi ng iba na: first love never dies...
Wedding Girls Series 16 - Samantha by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 75,894
  • WpVote
    Votes 2,392
  • WpPart
    Parts 18
SAMANTHA - The Caterer Bumiling siya ng higa paharap sa puwesto ng higaan ni Joshua. Ilang araw na silang magkasama sa isla. Barkada pa rin ang turingan nila at hindi gumagawa ng anumang kilos si Joshua upang mag-take advantage sa kanya. Sa sitwasyon lang nila ngayon ay isa lang siguro ang maniniwala sa isandaang taong makakaalam na ganito ang setup nila sa loob ng cottage. Hindi raw uubrang walang mangyari sa isang babae at isang lalaki kapag nagkaroon ng pagkakataong magsolo pero napatunayan niya ngayon na hindi totoo iyon. She was confident of herself being a woman. Alam niya, may taglay din siyang karisma pero hindi rin naman niya nararamdamang naiinsulto ang kanyang pagkakababae dahil sa hindi nito pagte-take advantage sa kanila. He was indeed a gentleman. Hindi niya alam kung mayroon pang lalaking kagaya ni Joshua. And she was really attracted to him. Hanggang sa mag-agaw tulog si Samantha ay si Joshua ang laman ng isip niya. Tila nahati pa nga iyon sa dalawnag bahagi. Ang isa ay nagdidikta sa kanyang aminin ang pagkahulog ng kanyang loob sa binata habang ang isang bahagi naman ay defensive na defensive sa pagtanggi. But then, her heart knew better... ----- Imee - The Cake Expert Gusto niya sanang mag-isip pero sa halip na makapag-isip siya ay ang halik ni Janus ang pumupuno sa balintataw niya. At hindi lang iyon. Kinakapa rin niya ang tunay na damdamin niya para kay Janus. Could it be possible that she was also in love with him all along? Na akala lang niya ay platonic lang ang pagtitinginan nila pero ang totoo ay wala lang nangangahas na magkaroon ng kakaibang lalim ang kanilang relasyon? She remembered their kiss again. She could still feel the fire in their kiss. Kung iyon ang pagbabatayan ay imposibleng hanggang platonic lang ang turingan nila. Besides, inamin na ni Janus na mahal siya nito. Sarili naman niya ang tatanungin niya ngayon. Mahal din ba niya ang binata?
WEDDING GIRLS 20 - Sydney by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 84,944
  • WpVote
    Votes 2,705
  • WpPart
    Parts 29
WG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at nauuwi lang sa hiwalayan. Kaya ang mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay hindi inaasahan ni Sydney na mangyari. Dahil lang sa maliit na problema ay nagkahiwalay sila. At noon na-realize ni Sydney kung gaano niya kamahal ang binata. Gusto niyang habulin si Paolo. Mahal na mahal niya ito pero paano siya makikipagbalikan dito kung may iba na itong girlfriend. Mabuti na lang at sa kanya pa rin boto ang ina at kapatid ng binata. Tutulungan siya ng mag-ina para magkabalikan sila ni Paolo. Effective naman kaya?
Wedding Girls Series 23 - Alexandra by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 59,341
  • WpVote
    Votes 1,403
  • WpPart
    Parts 13
WEDDING GIRLS 23 - Alexandra - The Printer Umiikot ang araw-araw sa buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. At kung pakiramdam niya ay kailangan niyang lumabas ng bahay, iyon ay ang oras ng pamamasyal niya sa mall. Her life was such a bore. At tanggap niya iyon at wala naman siyang reklamo. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang bagong lipat niyang kapitbahay. Guwapo, matipuno, matangkad, moreno. Unang kita pa lang niya rito ay literal na siyang napanganga. Bakit ba hindi ay nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa katawan. He was Alexander. At noong oras pa lang na iyon na nalaman niya ang pangalan nito, malakas ang sapantaha niya ay sila ang itinadhana. Alexander at Alexandra. Pangalan pa lang nila ay bagay na bagay na. Tama naman nga kaya ang kanyang sapantaha? ----- WEDDING GIRLS 24 - Jamaica - The Wedding Photographer "Shit! Ano ba?" angil niya nang mabunggo niya ang paparating na lalaki. Pakiramdam niya ay isang pader ang nabangga niya. Mabangong pader dahil mabilis na nanuot sa pang-amoy niya ang samyo ng Hugo Boss. "Huwag kang mataray, miss. Ikaw na nga itong nakabunggo sa akin," sagot ng lalaki, tila galit din. "So, ako pala ang may kasalanan?" "Obviously," matabang na tugon nito. "Then sorry!" tila mas tumaray pa ang tono niya. Hinagod niya ito ng tingin saka matalim na umirap bago nagpasyang ituloy ang paglakad. "Sandali, miss," habol na tawag nito. Huminto siya at nilingon ito. Naghintay siya ng sasabihin nito pero ang nakita niyang ginawa nito ay ang paghagod din nito ng tingin sa kanya. "Aba't..." "Ganti-ganti lang, miss." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi kasi ako sanay na sinusukat ako ng tingin. Gusto ko lang ding malaman kung ano ang meron sa iyo para tingnan mo ako mula ulo hanggang paa." "Arogante!" gigil na wika niya. "Suplada."
Sometimes You Just Know - Volume 1 by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 70,796
  • WpVote
    Votes 3,508
  • WpPart
    Parts 44
Don't ask me that way na para bang kahit ako na ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo ay hindi mo maaatim na pakasalan. Hindi sila magkasintahan ni Benedict pero nagpakasal sila dahil sa manipulasyon ng kanyang ama. Ayaw ni Mariel na isipin ni Benedict na pinikot niya ito kaya siya ang tumatanggi sa kasalan bago pa man. Ngunit sa tingin niya, sa lahat ng pinipikot, si Benedict ang willing victim. He had his own reasons, sabi sa kanya ni Roselle. Ang secretly, she wished na sana'y kasama sa mga dahilang iyon ng lalaki ang pagmamahal sa kanya dahil kahit na sinong babae ay hindi tatanggihan ang lalaking kagaya nito.
Of Love and Serendipity by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 72,081
  • WpVote
    Votes 2,134
  • WpPart
    Parts 26
Matindi ang paniniwala ni Serendipity sa destiny. Kaya nang humingi siya ng sign sa langit at ipinadala sa kanya si Tristan ay ginawa niya ang lahat para matutuhan siyang mahalin nito. She believed he was fated to be hers. Pero nang magtapat siya rito ng damdamin ay tinapat siya nito na kalimutan na lang niya iyon. May iba raw itong mahal. The night she was rejected by him was the last time she ever saw him. Nang akala niya ay nakalimutan na niya ito ay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. She realized he was the same Tristan she loved but it seemed he was bound to break her heart again. Dahil nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. Maniniwala pa ba siya sa love at destiny?
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed) by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 121,519
  • WpVote
    Votes 3,955
  • WpPart
    Parts 37
Para kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fateful night. Nalaman niyang ito ang bunsong anak ng may-ari ng TGF. He was the black sheep of the family. But for her, Icko was her falling star. Ito ang bumuhay sa pangarap niya na inakala niyang hindi na mabibigyang-katuparan pa. He saw right through her and believed in her when no one else did. He said she deserved all the beautiful things life had to offer. Suddenly, he became another dream her heart wished to fulfill. Ngunit sa pagkakataong iyon, mukhang dibdibang paghiling sa isanlibong bituin ang kailangan niyang gawin para matupad iyon dahil kay Rachel, ang babaeng nagmamay-ari sa puso nito...
One-Week Date Project by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 66,205
  • WpVote
    Votes 2,004
  • WpPart
    Parts 20
Nang ma-"reject" ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head editor ng publishing house na pinagsusulatan niya upang tanungin ito kung ano ang problema. He turned out to be the gorgeous France Buencamino, the guy she rejected back in college for being a playboy. Ayon dito, kulang daw sa romance ang mga nobela niya dahil hindi pa niya nararanasan ang ma-in love. He offered to help her out. "Date me for a week," anito. "It will give you a brief idea of what romance truly feels like." At tiyak daw na ang resulta niyon ay makakasulat na siya ng isang nobela na siguradong maa-approve. She thought it made sense so she accepted his offer But during their "dates," she started to fall for him. May pag-asa bang mauwi sa totohanan ang "romance" nila pagkatapos ng "one-week date" nila? At kung sakali, kaya ba niyang i-reject uli ito kapag napatunayan niyang hindi pa rin ito nagbabago sa pagiging palikero nito?
To Find You Once Again by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 67,974
  • WpVote
    Votes 1,325
  • WpPart
    Parts 14
Nasa high school pa lamang si Nikki nang makilala niya si Matt. She was the campus princess, he was the campus nerd. Pero hindi naging hadlang iyon para magkalapit ang mga loob nila. Masaya siya kapag kasama niya ito. But everything went sour when she denied him in front of her friends on the night of their Christmas ball. That was the last time she ever saw him. She thought she would never see him again. Pero pagkalipas ng pitong taon, bigla itong dumating uli sa buhay niya. He was now a full-grown man oozing with confidence and appeal. And she realized she wasn't completely over him. Was it all right to believe in second chances?