Pil_nyong_pilyo
- Reads 427
- Votes 237
- Parts 16
Bumuntong hinga naman sya kaya diko maiwasang mapayuko at mapangiti at tsaka tumingin ulit sa kanya.
"Eunika...." mahinang sabi nya kaya napaangat ang dalawang kilay ko at napabuka rin ng maliit ang bibig ko sa pagaantay sa susunod nyang sasabihin.
Kinakabahan ako, ano kayang sasabihin nya? Tae, magpopropose na ba sya? Laaah advance ko naman mag-isip...oh baka naman ikakasal na sya iinvite nya lang ako, pero langya naman sya kong yun lang sasabihin nya...pero putek ano ba? Aatakihin na ako sa kaba shocks!.
"The First time I saw you, I told myself that maybe..you are the one...Pero nang nasa harap na ulit kita....sabi ko...Ikaw na nga talaga."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya, yung tipong Sheeeeeeeet! Totoo ba to? Totoo ba tong naririnig ko? O guni guni ko lang? Pero hindi! Hindi! Totoo to!
"I think I love you Eunika Englis....at willing akong manligaw sayo hanggang sa sagutin mo ako...please give me a chance."
Diko mapigilang ngumiti sa tinuring nya--nagblush na nga yata ako eh pero wala akong pakils! Nakakakilig naman talaga!