ShadoncrisAksjers
- Reads 4,226
- Votes 24
- Parts 5
Sollano Brothers #7
Calmer Charlie Sollano
I love fame, I love the spotlight because I feel happy every time I catch their attention. Pero minsan, nakakasakal din. Masaya ang palakpakan, pero mabigat ang expectations. Pero ngayon hindi ko na alam kung hanggang kailan ako sa spotlight na pinangarap ko.
Waynona Fama, the picture of perfection. A stunning influencer, model, and endorser na halos lahat ay naiinggit sa kanya. Sa mundo ng fame, doon lang siya nakakaramdam ng tunay na kasiyahan. Pero sa likod ng mga ngiti at spotlight, may takot siyang ayaw ipakita, ang mawalan ng kontrol sa sariling buhay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang mundo nila ni Calmer Charlie, ang leader ng kanilang banda, isang lalaking lumaki sa sariling sikap. Sa muling pagtatagpo, bumalik ang mga alaala na matagal nang pilit kinakalimutan. Mga damdaming matagal nang ikinulong. Mga salitang hindi kailanman nasabi. Ngunit hanggang kailan nila kayang pigilan ang tibok ng puso?
At sa desperadong pagtakas ni Waynona mula sa kagustuhan ng mga magulang na ipakasal siya, ginamit niya si Calmer bilang isang fake boyfriend. Isang kasinungalingang akala'y kontrolado-hanggang sa unti-unting masira ang pamilya Fama sa mata ng karamihan.
At sa araw ng kanyang downfall, sa gitna ng pagkawasak at katotohanang masakit tanggapin, handa pa rin bang manatili si Calmer? O iiwan niya si Waynona sa sarili niyang pagbagsak?