PrinsesaEspateti's Reading List
3 stories
Somewhere In My Past by yhoonica
yhoonica
  • WpView
    Reads 5,366
  • WpVote
    Votes 420
  • WpPart
    Parts 14
LUCID DREAMERS SERIES 2: SOMEWHERE IN MY PAST ---- Nagkaroon ka na ba ng mga alaala na hindi mo alam kung saan nanggaling at animo ito ay totoong nangyari? Ang magkaroon ng takot o phobia na hindi mo alam kung ano ang puno't dulo. Pakiramdam na hindi kabilang sa henerasyon na ito. Paulit-ulit na panaginip. Maging pamilyar sa isang lugar kahit hindi naman ito napupuntahan pa. Pakiramdam na kilala mo ang isang tao kahit kakakilala mo lamang dito. At mga hilig, interes at talento na bigla na lamang sumibol. Ilan lamang iyan sa mga senyales ng mga taong nabigyan ulit ng pagkakataon na mabuhay muli o mas kilala sa tawag na reincarnation. Ikaw, naniniwala ka ba sa past life? Kung oo, ilan sa mga nabanggit ang naranasan mo? ---- Siya si Althea 'Tia' Zamora, ang Lucid Dreamers na may kakayahang makita ang nakaraan at kasalukuyan sa pamamagitan ng Lucid Dreams. Sa pamamagitan ng kakayahan niyang ito, siya ay napadpad sa mismo niyang nakaraan-- sa taong 1999. Kung saan, siya'y nagngangalang "Pacentia 'Tia' Delos Reyes" -- ang boyish na sobrang angas at sakit sa ulo ng lahat. Na mayroong sikretong pagtingin sa barkada nitong si Paquito 'Kito' Hernandez' -- na siyang kamukhang-kamuka ng estrangherong kaniyang naengkuwentro at hinahanap-hanap ng kaniyang puso sa kasalukuyan. Date Published: April 06,2025 Date Finished:
Moving Closer by yhoonica
yhoonica
  • WpView
    Reads 46,910
  • WpVote
    Votes 4,081
  • WpPart
    Parts 61
LUCID DREAMERS SERIES 1: MOVING CLOSER --- Naranasan mo na ba makontrol ang iyong panaginip? Tulad na lamang ng paglipad, paglutang, pagtalon mula sa mga matataas na building at pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan gaya ng mga napapanood sa mga fantaserye sa TV. At maalala ito ng malinaw sa iyong paggising? Kung ganoon, isa ka sa 1% population sa buong mundo na tinatawag na Lucid Dreamer. --- Meet Trisha Myliejoy Zamora, isa sa mapalad na pinagkalooban na makontrol ang panaginip nang walang ka-effort-effort. Sa pamamagitan ng Lucid dream, nakakilala siya ng mga katulad niya't naging kaibigan sa realidad. Isang gabi, sa kaniyang pamamasyal sa Dreamland ay kaniyang na-engkwentro ang isang lalaking napakakulit at ubod ng daldal na nagpakilalang si Moises. Sa una'y naiinis siya sa katabilan at pagbuntot-buntot nito sa kaniya ngunit habang tumatagal ay nagugustuhan na niya presensya at ang 'unfamiliar feelings' niya para rito. Dahil doon ay mas ninais niyang mas mapalapit at makilala niya ito, hindi lamang sa Dreamland, sa kaniya ring realidad. ---- Date Published: March 30,2024 Date Finished: April 05, 2025
NO ORDINARY LOVE II by yhoonica
yhoonica
  • WpView
    Reads 6,780
  • WpVote
    Votes 1,623
  • WpPart
    Parts 39
Sole's Knights I: No Ordinary Love (Season 2) Sa wakas, naipagtapat din ni Renz ang kaniyang nararamdaman para kay Jennica. Subalit, mas lalo namang dumami ang kaniyang karibal dito. Kabilang na roon ang nagtatago sa alyas na 'King Katarata'. Muli namang nagbalik ang natulog na pagtingin ni Jennica para sa kaniyang first crush/first love na si Renz. Ngunit isang bahagi ng kaniyang pagkatao ang kaniyang natuklasan, na siya ring nagpagulo ng kaniyang puso't isipan, at ng kaniyang simpleng buhay. Ano nga ba ang mas mananaig at pipiliin ni Jennica? Ang sariling kaligayahan? O ang tungkulin niya bilang... First Queen of Maharlika?