MY WORKS
4 stories
Somewhere In My Past by yhoonica
Somewhere In My Past
yhoonica
  • Reads 2,373
  • Votes 227
  • Parts 7
Nagkaroon ka na ba ng mga alaala na hindi mo alam kung saan nanggaling at animo ito ay totoong nangyari? Ang magkaroon ng takot o phobia na hindi mo alam kung ano ang puno't dulo. Pakiramdam na hindi kabilang sa henerasyon na ito. Paulit-ulit na panaginip. Maging pamilyar sa isang lugar kahit hindi naman ito napupuntahan pa. Pakiramdam na kilala mo ang isang tao kahit kakakilala mo lamang dito. At mga hilig, interes at talento na bigla na lamang sumibol. Ilan lamang iyan sa mga senyales ng mga taong nabigyan ulit ng pagkakataon na mabuhay muli o mas kilala sa tawag na reincarnation. Ikaw, naniniwala ka ba sa past life? Kung oo, ilan sa mga nabanggit ang naranasan mo? ---- Siya si Althea 'Tia' Zamora, ang Lucid Dreamers na may kakayahang makita ang nakaraan at kasalukuyan sa pamamagitan ng Lucid Dreams. Sa pamamagitan ng kakayahan niyang ito, siya ay napadpad sa mismo niyang nakaraan-- sa taong 1999. Kung saan, siya'y nagngangalang "Pacentia 'Tia' Delos Reyes" -- ang boyish na sobrang angas at sakit sa ulo ng lahat. Na mayroong sikretong pagtingin sa barkada nitong si Paquito 'Kito' Hernandez' -- na siyang kamukhang-kamuka ng estrangherong kaniyang naengkuwentro at hinahanap-hanap ng kaniyang puso sa kasalukuyan. Date Published: April 06,2025 Date Finished:
Moving Closer by yhoonica
Moving Closer
yhoonica
  • Reads 41,022
  • Votes 3,561
  • Parts 61
Naranasan mo na ba makontrol ang iyong panaginip? Tulad na lamang ng paglipad, paglutang, pagtalon mula sa mga matataas na building at pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan gaya ng mga napapanood sa mga fantaserye sa TV. At maalala ito ng malinaw sa iyong paggising? Kung ganoon, isa ka sa 1% population sa buong mundo na tinatawag na Lucid Dreamer. --- Meet Trisha Myliejoy Zamora, isa sa mapalad na pinagkalooban na makontrol ang panaginip nang walang ka-effort-effort. Sa pamamagitan ng Lucid dream, nakakilala siya ng mga katulad niya't naging kaibigan sa realidad. Isang gabi, sa kaniyang pamamasyal sa Dreamland ay kaniyang na-engkwentro ang isang lalaking napakakulit at ubod ng daldal na nagpakilalang si Moises. Sa una'y naiinis siya sa katabilan at pagbuntot-buntot nito sa kaniya ngunit habang tumatagal ay nagugustuhan na niya presensya at ang 'unfamiliar feelings' niya para rito. Dahil doon ay mas ninais niyang mas mapalapit at makilala niya ito, hindi lamang sa Dreamland, sa kaniya ring realidad. ---- Date Published: March 30,2024 Date Finished: April 05, 2025
NO ORDINARY LOVE II by yhoonica
NO ORDINARY LOVE II
yhoonica
  • Reads 6,715
  • Votes 1,623
  • Parts 39
Sole's Knights I: No Ordinary Love (Season 2) Sa wakas, naipagtapat din ni Renz ang kaniyang nararamdaman para kay Jennica. Subalit, mas lalo namang dumami ang kaniyang karibal dito. Kabilang na roon ang nagtatago sa alyas na 'King Katarata'. Muli namang nagbalik ang natulog na pagtingin ni Jennica para sa kaniyang first crush/first love na si Renz. Ngunit isang bahagi ng kaniyang pagkatao ang kaniyang natuklasan, na siya ring nagpagulo ng kaniyang puso't isipan, at ng kaniyang simpleng buhay. Ano nga ba ang mas mananaig at pipiliin ni Jennica? Ang sariling kaligayahan? O ang tungkulin niya bilang... First Queen of Maharlika?
NO ORDINARY LOVE by yhoonica
NO ORDINARY LOVE
yhoonica
  • Reads 100,567
  • Votes 9,241
  • Parts 72
Sole's Knights I: No Ordinary Love (Season 1) Naaalala mo pa ba ang iyong childhood friend? Hanggang ngayon ba, kaibigan mo pa rin sila? How about your childhood crush? Nai-crush back ka na ba? Ang first love mo? Naging last mo ba? Or nagsilbi na lang silang ala-ala ng nakaraan? --- Simple lang ang buhay estudyante ni Jennica, ngunit nagkaroon iyon ng sigla't kulay nang dumating ang pilyo, bully at mala prince charming transferee na si Jeron Renz Santillan-- ang pumukaw sa damdamin ng mga babae at bakla ng kanilang eskwelahan. Maski na rin siya ay lihim na humanga rito dahil sa pinapakita nitong kabaitan sa kaniya. Sila'y naging magkaibigan. Nang lumaon siya'y nagkautang dito ng kasal at nangakong kanilang tutuparin sa kanilang paglaki. Ngunit naglaho iyon nang ipagkalandakan sa kaniya nitong kailanma'y hindi siya nito magugustuhan. Magmula no'n ay dumistansya na siya rito. Labis-labis na nalungkot at nasaktan si Jennica nang hindi man lang sa kaniya ito nagpaalam nang lumisan ito. Lumipas ang maraming taon, nawala nang tuluyan ang paghanga ni Jennica kay Jeron Renz. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, si Jeron Renz ay nanatili ang pagtingin para sa kaniya at lihim siya nitong minamatyagan sa malayo magmula nang sila'y magkahiwalay. Isang araw, sila'y muling nagkaharap, muling nanariwa ang sakit kay Jennica. At nanatili namang desididong makabawi si Jeron Renz sa kaniya. Maipagtapat kaya ni Jeron Renz ang kaniyang tunay na nararamdaman para sa kababata? O habang buhay na lang siyang matotorpe? 🎧🎶 Shape of my heart by Backstreet Boys 🎧🎶