Kamikatchi
Rose Haymitch. Labinsiyam na taong gulang. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap. Ang gusto lang niya ay magmahal at mahalin. Sa paghahanap niya ng pagmamahal, matatagpuan at makikilala niya ang isang lalaki. A guy that she ever dreamed of. Isang lalaki na magbibigay sa kanya ng saya, pagmamahal at mamahalin niya.
Pero paano kung isang araw, magising siya sa isang masamang panaginip. Panaginip na magiging totoo pala. Kakayanin pa ba niyang mahalin ang taong mahal niya kung ngayon nalang ang sigurado at bukas, hindi na? O susuko at bibitaw nalang siya sa pag-aasang makakahanap pa siya ng pagmamahal sa iba?