JoshuaAnths
- Reads 1,214
- Votes 49
- Parts 7
Ang tanging hangad lang ni Hans sa ngayon ay ang muling makakita ng mga alitaptap.
Simula pagkabata ay iyon na ang kanyang nais na maranasan--ang makasayaw ang mga nagkikislapan nilang paglipad. Alam na alam din iyon ng matalik niyang kaibigan na si Stefan kaya't naisipan niyang isama si Hans sa kanyang pagbisita sa Batangas.
Ngunit gaano nga ba kadaling maabot ang isang bagay kung kahit na abot-kamay, ay halos milya-milya pa rin ang layo kung tutuusin?
Ang istoryang ito ay patungkol sa isang pangarap na minsan nang itinago, naglaho, at nakalimutan, ngunit muling binuhay. Istoryang isinasalin ang kahulugan ng isang tahanan. Isang istorya na maging ang mga alitaptap ay may kakayanang maintindihan.