Drae_yah's Current Reads
4 stories
The Heist por EMPriel
EMPriel
  • WpView
    LECTURAS 3,090
  • WpVote
    Votos 215
  • WpPart
    Partes 11
Nagbalik si Rush matapos ang tatlong taong pagkakawala nang mabalitaan ang pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ernesto Dela Tore, ang may-ari ng ilang mga casino at resort sa Maynila at Pasay. Alam niyang hindi malinis ang pagkamatay ng kanyang kapatid na nababahiran ng pulitika at galit ng iilang may katungkulan sa gobyerno at sa mundo ng kalakalan sa Pilipinas. Sinubukan niyang hanapin ang mga tao sa likod ng pagpatay ng kanyang kapatid, umisip rin siya ng paraan para matanggalan ng maskara at mahubaran ng yaman ang mga taong gumawa noon sa kanyang nag-iisang pamilya. Bumuo siya ng isang grupo, limang tao na pawang mga propesyonal sa kanilang mga larangan. Mga taong alam niyang magiging kasangga niya sa mga pinaplanong panloloob sa mga casino at resort na minsang pinamunuan ng kanyang kapatid. Sa ganoong paraan ay mababawi niya ang nawala sa kanilang pamilya at matulungan din ang mga taong naghihirap at nakalugmok sa madilim at nanlilimahid na lipunan. Titingalain nga ba sila ng mga taong natulungan o sa huli ay huhusgahan dahil sa kanilang pamamaraan?
D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally) por EMPriel
EMPriel
  • WpView
    LECTURAS 2,838
  • WpVote
    Votos 177
  • WpPart
    Partes 10
Matapos mamatay ang asawa ni Eric Frost, isang Senior Tech Analyst sa Reinheart Robotics and Prototypes ay tila naging manhid na sya sa araw-araw na kalungkutan. Mas pinili niyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa at pinilit na gawing normal ang kanyang mga araw nang wala siya. Matapos ang isang linggo ay naisip niyang muling buuin ang kaisa-isang ideya na kanyang binuo simula pa lamang nang siya ay makapagtrabaho sa naturang kompanya. Naisip niyang bumuo ng isang prototype na nagngangalang D.I.A.N.A. o Database Intelligence Artificial Network Ally. Isang prototype na kayang maging katuwang ng tao sa pang araw-araw na gawain na may kahalintulad din sa emosyon ng tao maging sa kilos nito. Ngunit hanggang saan nga ba ang limitasyon ng emosyon ng kanyang prototype na binuo? Maaari nga bang maturuang umibig ang isang puso na gawa sa bakal? Paano matatanggap ni Eric ang katotohanang isa lamang siyang imahinasyon, isang makina, isang konsepto na kanyang ginawa? Sa panahon ng teknolohiya, magiging buhay pa nga ba ang pag-ibig na nawala sa pamamagitan niya?
MOON por maxinelat
maxinelat
  • WpView
    LECTURAS 21,663,758
  • WpVote
    Votos 715,167
  • WpPart
    Partes 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this work. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Project M #ProjectM1 31/12/17
Sirene por UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    LECTURAS 6,105,771
  • WpVote
    Votos 187,808
  • WpPart
    Partes 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018