shrinkingvoilette
Mga Tula ni Anonimo
"Lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na ang tagumpay ay anak ng pakikibaka, na ang kagalakan ay namumulaklak mula sa pagdurusa, at ang pagtubos ay isang produkto ng sakripisyo"
-Jose Rizal
About the title
Alimuom- singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ambon.
Bagamat hindi maganda sa pakiramdam ang alingasaw ng lupa ay iba naman ang kaso para sa mga halaman. Ang pagulan matapos ang matinding sikat ng araw ay nangangahulugang muling pagsibol ng nila mula sa matagal na pagkakabilad.
Malungkot ang ibig imungkahi ng ulan para sa nakararami, ngunit isa itong pagbabago para sa mga halaman mula na dating kinagisnan. Kagaya ng taong nalululong sa romansya ng materyal, mahalaga para sa atin ang mamulat sa (hindi man kagandahan ngunit makatotohanang) reyalidad at ituring itong sustansiya sa buhay
Nais lamang ng awtor na ibahagi ang ilan sa mga tulang kanyang nilikha gamit ang sariling wika bilang pagkilala sa sosyedad at literatura ng ating bansa. Hindi lahat ay nagkakaroon ng interes sa asignaturang Filipino at literatura, kaya't sino man ang makapagbasa nito ay hinahanggan at pinasasalamatan ng may akda.
Sabi nila: "Mahalin ang sariling atin"
Oh eto na nagsusulat na ng tagalong na tula oh ano pa ba gusto ny-charr
Noon pa man ay naiimpluwensyahan na tayo ng mga kultura ng ibang banyaga. Walang masama sa pagtangkilik ng ibang kultura pagkat maging tayo ay nawiwili sa tuwing tayo ay kinikilala ng ibang bansa. Kailangan lamang natin panatilihin na buhay ang ating wika at kultura sa habang panahon. Alisin natin ang kaisipang "hindi na moderno ang pagsasalita ng purong tagalog"
Raising social awareness can be expressed in any language. So i hope this could help you wake up to the reality. Using romanticized words, I'll bring them to the REAL world.