MarjorieFletcheteroD's Reading List
11 stories
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 678,787
  • WpVote
    Votes 8,017
  • WpPart
    Parts 45
Hindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito at maging tulay para mapaglapit ang mga ito. It didn't take long until those two entered a relationship. Akala niya ay tapos na ang komunikasyon niya sa lalaking iyon pero nagkamali siya. Dahil sa hilig ng kaibigan niya sa paghahanap ng kasiyahan sa iba't ibang lugar ay siya ang pinakiki-usapan nitong samahan muna ang boyfriend nito tuwing hindi ito makakarating sa usapan ng mga ito. Kahit ayaw niya ay wala na rin naman siyang choice dahil naaawa rin siya sa lalaking iyon na halatang patay na patay sa kaibigan niya. Pero mas matindi ang pagkaawang naramdaman niya para dito nang malaman niyang niloloko ito ng kaibigan niya. She didn't know what to do. Sasabihin niya ba dito ang mga panloloko ni Cheska at sirain ang tiwala ng kaibigan? She knew that she shouldn't meddle with their relationship. But there was a part of her heart that wants this man to forget her friend and just look at her. Why was she being like this?
ASERON WEDDINGS-SHAPE  OF MY HEART by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 16,082
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 2
Alam ni Georgette na siya ang huling babaeng papasok sa isipan ni Zrael kung ang pag-uusapan ay makakasama sa buhay. Hindi nga ba at noong lang sa mismong kaarawan nito ay tinawanan lang nito ang tsismis na narinig ukol sa lihim niyang pagsinta dito? Kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang halos maglumuhod ito sa harapan niya upang isuot niya ang engagement ring na ibinibigay nito. Subalit dagli ding napalitan ng nag-uumapaw na inis ang pagkagulat niya nang ipaliwanag nitong magkukunwari lang pala silang engaged para tantanan na ito ng matchmaker nitong lolo. Ani pa nito kung iyong mga karaniwang nakakarelasyon daw kasi nito ang ipapakilala nito sa lolo nito ay hindi maniniwala ang matanda na seryoso na ito at nagbabalak talagang magpakasal. But by introducing her as his fiancee, someone who was the exact opposite of his gorgeous and sexy bevy of women, his grandfather could only believe it was really true love that prompted him to look beyond her unattractiveness. Sa madaling sabi, sa opinyon nito ay siya ang Beast sa Beauty nito kaya dapat ay maniwala ang lolo nitong pang-fairytale nga ang lovestory nila.
My Gossip Girl COMPLETED(Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 510,743
  • WpVote
    Votes 5,500
  • WpPart
    Parts 21
My Gossip Girl By Angeline Buena
Light and Joy by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 202,031
  • WpVote
    Votes 763
  • WpPart
    Parts 6
"When God made that smile possible for you, He must have thought how badly I needed that smile right now." (Published under Precious Pages Corporation) Nasangkot sa isang vehicular accident si Cammi na ikinasawi ng kanyang ama at ikinabulag niya. Pakiramdam ni Cammi, lahat ng pag-asa at gana niyang mabuhay, namatay na rin. Hanggang sa isang estranghero ang dumating sa buhay niya: si Jarren na inupahan daw ng kanyang best friend para maging PA niya. Tinuruan siya ni Jarren na bumangon at muling pahalagahan ang buhay gaano man kahirap iyon gawin. Tinulungan siya nitong makakita ng liwanag sa gitna ng dilim. Pero higit pa roon ang itinuro nito sa kanya. Tinuruan din ni Jarren ang kanyang puso na makaramdam ng isang emosyon na hindi niya akalaing mararamdaman sa uri ng sitwasyong kinasusuungan. He taught her how to fall in love... with him. And that wasn't so hard. Pero masusubok ang lalim ng pagmamahal niya kay Jarren nang sa pagbabalik ng kanyang paningin ay natuklasan niyang may kinalaman pala ito sa pagkamatay ng kanyang ama at pagkabulag niya...
Love Trap (COMPLETED) Published by PHR by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 924,064
  • WpVote
    Votes 19,710
  • WpPart
    Parts 32
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Only You (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 881,223
  • WpVote
    Votes 16,068
  • WpPart
    Parts 18
Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan. Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?
Sexy and Dangerous (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,121,928
  • WpVote
    Votes 26,637
  • WpPart
    Parts 23
"Kung hindi ba ako isang bodyguard mo lang, mamahalin mo rin ako?" Sa unang pagkakita pa lamang ni Redentor kay Samantha ay kinainisan na niya ito. Marahas, walang finesse, at tila lalaki. Pero wala siyang magawa, pinagbabantaan ang buhay niya at ito ang napili ng pinsan niyang maging bodyguard niya at sinasabing si Samantha ang pinakamahusay. Sa unang pagkakita pa lang ni Samantha kay Redentor ay gusto nang lumukso ng puso niya. Magdadaan muna sa ibabaw ng seksing katawan niya ang sinumang nagnanais na saktan ito. Then she realized Red had a girlfriend-babaeng ang mga katangian ay ang kabaliktaran niya: Mestiza, petite, and voluptuous, at malaanghel ang kagandahan. While Samantha was tall, dark, rough, and tomboyish. Mauunsiyami ba ang damdaming noon lang niya naramdaman sa buong buhay niya?
When Fools Rush In (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 689,060
  • WpVote
    Votes 16,517
  • WpPart
    Parts 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy niya na malapit na siyang maging old maid at dapat nang mag-asawa ay hindi siya nababahala. Until Gregorio. Nagising siyang katabi ito sa kamang hindi sa kanya. At pareho silang walang maalala kung paano sila nakarating doon. At kung paanong sa loob lang ng isang gabi ay mag-asawa na sila. Hindi siya ang uri ng babae na magpapakasal sa isang estranghero. Ngunit dahil sa tila makatwirang argumento ni Greg, napapayag siyang bigyan ng tsansa ang di-inaasahang kasal. Magtagumpay kaya ang pagsasamang walang matibay na pundasyon?
Black Magic Woman by Rose Tan by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 703,178
  • WpVote
    Votes 11,674
  • WpPart
    Parts 44
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..." Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?
Once, Again, Always (published under PHR March 30, 2016) by CelineIsabellaPHR
CelineIsabellaPHR
  • WpView
    Reads 437,601
  • WpVote
    Votes 7,633
  • WpPart
    Parts 30
Anim na taon na ang nakakaraan ay may isang bagay na nagawa si Elaine na labis na nakaapekto sa pamilya niya. Dahil doon, pakiramdam niya ay habambuhay na siyang kailangan may patunayan sa mga ito. She was on the right track. Guidance Counselor na siya ngayon sa isang exclusive school for girls. Pero muling magkrus ang landas nila ni Red Caringal - isang lalaking konektado sa nakaraan ni Elaine. Nagkita silang muli dahil anak pala ni Red sa pagkabinata ang isa sa mga estudyanteng suki sa opisina ni Elaine. Nagkalapit ang mga loob nila ni Red. At inaamin ni Elaine na hindi madaling labanan ang atraksyong nararamdaman niya para kay Red. Lalo na at maging si Red ay tila wala namang balak na labanan iyon. One thing led to another. They became lovers. Kaso, marami ang kumukontra. Sana kung against all odds ang drama nila. Dahil paano naman ipaglalaban ni Elaine ang isang lalaking hindi naman in love sa kanya?