pipoy0820's Reading List
42 stories
Mystery in Island (Completed) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 39,455
  • WpVote
    Votes 2,405
  • WpPart
    Parts 50
Sa pagkawala ng isang babae kasama ang grupo nito, ay siya namang pagbukas ng isang lihim mula sa lugar na hindi pa natutuklasan ng karamihan. Isang Isla na sa angkin ganda'y kabaligtaran naman ang handog na ligaya. Narinig mo na ba ang umusbong na Isla ng Danayon? Kung hindi pa, halika't samahan akong maglakbay tungo sa pagtuklas ng mga sikreto, pagkatao, kababalaghan at magimbal sa katotohanang mabubunyag. Ano pa'ng hinihintay mo? Ihanda ang armas at lakas ng loob upang makalaban sa nakaambang pagsubok. ----- Mahilig ka ba sa adventure? Something na hindi lang puro saya kundi mga nakakatakot at nakakakabang paglalakbay. Kayang mo bang sumabay? Halika at pasukin natin ang Islang hindi mo pa napupuntahan, napapanood o nababasa kahit saan. Sabayan ang iba't ibang tao na ating magiging bida sa kanilang pakikipagsapalaran, mahanap at matagpuan lang ang matagal na nilang sinasaliksik. ----- Hindi po ako ganoon kagaling pero, subukan n'yo po munang basahin sa simula at samahan na rin ng wakas. Enjoy and Godbless po! 🤗🤗🤗 DATE: 2015 - 2016
The Bloody Road (completed) by aklatnimarikita
aklatnimarikita
  • WpView
    Reads 6,234
  • WpVote
    Votes 250
  • WpPart
    Parts 25
Ideya ni Zen ang magtungo sa the Bloody Road, ang kalsadang may nababalot na kababalaghan at madugo na kasaysayan. At sa gabi na'to kasama niya ang kanyang mga kaibigang sina Claire at Tara, at ang pinsan ni Tara si Ella. Ang dapat katatakutan lang na karanasan na hanap nila, ay hindi nila aakalain na may naghihintay sa kanila na mas nakakagimbal na mga pangyayari. WARNING: Contain some violent scene and strong language.
Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka ) by ElthonCabanillas
ElthonCabanillas
  • WpView
    Reads 15,291
  • WpVote
    Votes 568
  • WpPart
    Parts 43
Nalakihan at naibigan natin ang kwento ng isang mahiwagang ibon na siyang tanging lunas at nagpagaling sa naghihingalong hari ng Kaharian ng Berbanya. Pero saan nga ba talaga nanggaling ang maalamat na Ibong Adarna? Isang aklat ang magbubukas na magdadala sa inyo sa mundo ng hiwaga at salamangka. Mabighani at mamangha sa tunay na kapangyarihan ng pag-ibig at pag-asa.
The Scent Of Madness (COMPLETE) by stephenseven
stephenseven
  • WpView
    Reads 9,057
  • WpVote
    Votes 468
  • WpPart
    Parts 40
Isang maaliwalas na umaga, nakasakay si Mark sa isang bus patungo sa bagong kumpanyang kanyang aaplayan. Walang kamuwang-muwang na sa araw na iyon ay susuungin niya ang isang delubyo na sanhi ng isang uri ng bulaklak. Habang si Boyet naman sinusubukan muling makapag-umpisa matapos niyang masisante sa call center company dahil sa isang napakaliit na pagkakamali. At ang kapatid ni Mark na si AC, buwisit at hindi kasundo ang kanyang kuya. Paano ba naman kasi, ginawa na yata nitong hobby ang magalit sa kanya. Silang tatlo ay pagtatagpuin ng isang pangyayari na hahamon sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan at pinahahalagahan.
V ( A Vampire's Kiss ) by ElthonCabanillas
ElthonCabanillas
  • WpView
    Reads 222,565
  • WpVote
    Votes 3,808
  • WpPart
    Parts 36
Naging batas na ng lahi ng mga bampira ang umibig sa isang mortal at magsilang sa isang kalahating-tao at kalahating imortal. Itago ang tunay nilang katauhan hanggang sa tumungtong sa tamang edad para na rin sa kaligtasan ng buong angkan. Isa na rito si Edgardo isang kalahating-bampira na nahulog ang loob kay Esther isang purong tao. Nagsimulang gumulong ang kani-kanilang mga buhay nang magdesisyon ang kanilang nag-iisang anak na si Marcus na mag-aral sa isang totoong paaralan. Sa paglabas niya ng kanilang bakuran ay makikilala niya ang dalagang si Samantha, isang mortal. Ano ang mangyayari sa oras na magkrus ang landas ng dalawa? Pag-ibig nga ba ang maghahari o digmaan ng dalawang lahi? Halina't buksan ang mga pahinang puno ng pag-ibig at kilig na sa sobrang ganda ay pati sa pagtulog ay iyong maaalala.
Baryo Santa Josefa by elterceiro
elterceiro
  • WpView
    Reads 151,570
  • WpVote
    Votes 3,559
  • WpPart
    Parts 26
Hindi inaasahan ng limang magkakaibigan na mapapadpad sila sa baryo Santa Josefa, bagama't hindi nila inaakala na sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay sa halos walang katapusang kalsada ay maaaksidente sila. Ano kaya ang kanilang kahihinatnan sa loob ng baryo? Makakalabas pa kaya silang humihinga...? Sa gayong sabi-sabi ng iba'y walang nakakalabas dito ng buhay? Samahan natin sina Mari, Aiken, Kianey, Alu, at Kiko sa kanilang paglalakbay patungo sa kanilang kamatayan! ALL RIGHTS RESERVED. Baryo Santa Josefa © July 2016 by elterceiro
Gayuma ( Completed) by flyingsnow23
flyingsnow23
  • WpView
    Reads 144,144
  • WpVote
    Votes 3,394
  • WpPart
    Parts 12
Mahal kita... Mahal mo'y iba... Akala mo ba papayag akong maging masaya kayong dalawa?
Misteryoso 2 (Completed) by unfoundfears18
unfoundfears18
  • WpView
    Reads 18,580
  • WpVote
    Votes 988
  • WpPart
    Parts 29
Mas tumindi ang galit ni Cedric at ginusto niyang mas marami ang mapahamak. Siya ay lumuwas ng Manila kasama ang nakababatang kapatid at ang itinuturing na ama. Bagong pakikipagsapalaran, paghihimagsik at mga bagong taong magpapakita ng katapangan. Mananatili ang Kababalaghan hanggang sa mga susunod pang henerasyon. AUTHOR: Sa mga nag-direct dito, okay lang naman po at malinaw ang kuwentong nailahad pero kung ako ang tatanungin, make sure na nabasa n'yo na muna ang BOOK 1 na posted sa account ko bago ang isang ito. This is also one of my 2015 novel kaya expect n'yo na pong may mga error. Hehe. Hope na ma-enjoy n'yo. Godbless! DATE: 2015-2016
EKSORSISMO: Annalyn ng Sirang Lupa by robcontigo
robcontigo
  • WpView
    Reads 66,480
  • WpVote
    Votes 2,872
  • WpPart
    Parts 84
[COMPLETED] The story follows the series of exorcisms performed by a Catholic priest on a possessed young woman, Annalyn, as hell was unleashed upon her family. This is written in Filipino language.
Take Me To The Moon (completed) by aklatnimarikita
aklatnimarikita
  • WpView
    Reads 2,238
  • WpVote
    Votes 36
  • WpPart
    Parts 86
Simula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya ang nakaraan. Doon pwede siyang mag wish. Pero noong nakarating na siya sa lugar ay nabura ang memorya niya. Wala na siyang maalala kung bakit siya napadpad rito. Ano ang lugar na napuntahan niya? Bakit nawala ang memorya niya? Paano makakaalis si Magi? Paano na ang wish niya? Matutupad pa kaya 'to? * Deals with mature and sensitive topic. Some violence too. And some language might be offensive.