SkyeSy
Kumbaga sa pelikula, hindi nabasa ni Rashmi sa script na magpapangap pala siya bilang kasintahan ni Raffhael Gideon, anak ng may-ari ng Gideon International na pinagtatrabahuhan niya, sa eksenang napasukan niya nang bigla na lamang siya nitong hapitin palapit dito at tukuyin bilang kasintahan nito para maidispatsa ang dati nitong girlfriend.
Dahil doon, naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa alukin siya nito na maging kauna-unahang kaibigang babae nito. So far, their relationship went good. Then the common conflict between friendship came. In love na siya sa binata.
And there was this another major problem. Ang akala ni Raffhael ay may boyfriend na siya- and there was his ex-girl friend desperate to make Raffhael back into her life. But despite the conflicts, Raffhael declared his love for her. Na tinanggap naman niya. Pero kahit ganoon, natatakot siya sa magiging kahihinatnan ng love story nila.
Was he really someone to love?