jho-llybhie
Bumangon si Vivien at nagpatuloy sa buhay. Naging mas matatag pa siya sa kabila ng hindi mabilang na pagsubok na pinagdaanan. Mas naging mabuti siyang tao. Mas pinahalagahan niya ang mga taong nasa paligid niya. Ngunit hindi niya kayang lubusang buksan ang puso niya para muling umibig. Dahil alam niyang hanggang ngayon, hinahabol pa rin siya ng nakaraan. Ang pag ibig na hindi man lamang nabigyan ng katugunan.
Si Mateo, bagaman kuntento sa buhay na meron siya sa ngayon. Pilit naman siyang hinahabol ng nakaraang hindi niya maalala. Binabagabag siya ng malabong alaala na tanging sa paniginip lang nagpaparamdam sa kanya.
Pagtatagpuin sila ng kapalaran
Paano nila hihilumin ang sugat ng bawat isa?
Kaya ba nilang lumaya? Kaya ba nilang mahalin ang isa't isa? Kaya ba nilang takasan ang nakaraang pilit humahabol sa kanila?
Paano kung ang lahat ay nababalot sa isang kasinungalingan ng nakaraan?
Thank you @insomia_everyday sa book cover.