ChaMeco25's Reading List
198 stories
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 220,518
  • WpVote
    Votes 5,013
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
Devon's Birthday Wish by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 8,081
  • WpVote
    Votes 258
  • WpPart
    Parts 11
The Past Series: He Needed Me by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 58,920
  • WpVote
    Votes 1,456
  • WpPart
    Parts 11
"Hindi naman talaga ako umaasang mamahalin mo rin agad. But I know that we will get there because I will make you love me." Sa naging instant reunion nilang magpipinsan, pumayag si Valeen sa isang kasunduan na hindi na nila kailanman babalikan ang mga lalaking naging dahilan ng kanya-kanyang mapait na karanasan sa pag-ibig. Ang susuway ay mapaparusahan. Hindi mahirap para kay Valeen na sundin ang kasunduan dahil sobra ang galit at sama ng loob niya kay Landon-ang lalaking nakatakda sana niyang mapangasawa four years ago. Mahal na mahal kasi niya si Landon mula pagkabata. Umasa siya na mapapansin din ng binata lalo at naipagkasundo na siya rito. Pero nang ma-realize ni Landon na mahal pa rin nito ang ex-girlfriend, umatras ito at sa mismong araw pa ng kasal nila. Naiwan si Valeen na hindi lang napahiya sa mga tao kundi nagkadurog-durog din ang puso. At dahil sa nangyari, naging sobrang bitter siya pagdating sa pag-ibig. Pero biglang bumalik sa buhay ni Valeen si Landon-desperado at nangangailangan ng tulong. Sa kabila ng matinding galit, naawa siya sa binata at sa sinapit ng pamilya nito. Kaya lang, ang kondisyon para matulungan si Landon ay kailangang pumayag siya na ituloy ang naudlot na kasal nila noon. Natatakot siya hindi lang sa parusang matatanggap sa pagsuway sa kasunduan nilang magpipinsan, kundi lalo na sa posibilidad na bumalik ang dating pag-ibig kay Landon at masaktan lang kapag muli silang nagkasama.
[COMPLETED] My Ex's Stepbrother (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 230,145
  • WpVote
    Votes 4,569
  • WpPart
    Parts 10
Hello! May mga naghahanap ng librong 'to kaso wala na raw mabilhan, luma na kasi. Haha! Hindi 'to edited, pasensya na, kung may mga typo at grammatical errors. Sana ma-enjoy niyo :)
[COMPLETED] Snow & the Seven Princes by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 108,316
  • WpVote
    Votes 2,883
  • WpPart
    Parts 30
"Don't be too lovable, sasabog na ang puso ko." Nang palayasin si Snow ng madrasta, to the rescue ang matandang tinulungan niya sa isang aksidente-si Elissus San Gabriel, isa sa mga pinakamayamang negosyante sa bansa. Pinatuloy siya ng matanda sa bahay, sa isang mansiyon. Parang nasa castle si Snow. At ang matanda naman ang nagsilbing fairy godfather niya. At siyempre may prince, dalawa pa nga: ang magkapatid na Jason at Cole. Noong una, mas napalapit si Snow kay Cole dahil laging kontrabida si Jason sa kanila. Hanggang sa dumating ang araw na mas nami-miss na ni Snow ang presensiya ni Jason kaysa kay Cole. Ang haba ng hair ni Snow dahil parang pinag-aagawan siya ng magkapatid. Pero biglang kumulot ang buhok ni Snow sa galit nang malamang ginagamit lang pala siya ng magkapatid. Ginawa siyang panangga ni Cole kay Jason dahil itinatago ni Cole ang babaeng talagang minamahal dahil aagawin iyon ni Jason. Dahil doon, umalis si Snow sa "castle." Nasa point na siya ng pagmu-move on nang um-appear sa eksena si Jason, acting like a prince saving his damsel in distress princess. Ayaw nang maniwala ni Snow kay Jason pero ang puso niyang makulit, nag-i-insist na bigyan niya ng chance ang binata. Could be it that Jason was his prince after all?
My Favorite Girl (Completed) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 103,073
  • WpVote
    Votes 3,287
  • WpPart
    Parts 22
Nag-suggest lang naman si Strike sa best friend niyang si Kraige na piliin si Cleo---ang one true love nito--- kesa pakasalan ang fiancee nito na alam niyang hindi talaga nito mahal. Siya rin ang mastermind sa planong binuo ng squad nila para magkatuluyan sina Kraige at Cleo. And yes, proud at masaya siya na naging successful ang plano nila. Pero ang masama, na-love at first sight siya kay CeeCee--- ang ex-fiancee ni Kraige na iniwan nito dahil sa udyok niya. Nakita niya kung ga'no ka-devastated si CeeCee pero nakita rin niya kung ga'no ito katatag at kabait sa kabila ng heartbreak na pinagdadaanan nito... dahil sa kanya. He fell madly in love with CeeCee. Pero pa'no niya aaminin dito na siya ang dahilan kung bakit ito iniwan ni Kraige? He doesn't want to lose CeeCee, dammit.
Miss Ugly Duckling Chases Mr. Bangko (COMPLETE) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 123,424
  • WpVote
    Votes 3,784
  • WpPart
    Parts 18
"'Sabi mo, I deserve someone better. Sino ba 'yong 'someone better' na 'yon? Kamag-anak ba siya ni 'someone like you'? Well, pakisabi kay 'someone better' na hindi ko siya kailangan dahil meron na akong 'someone like you.'" Funny-walain si Kisa kaya nang may nagsabi sa kanya ng "follow your dreams," sinundan naman niya si Stone.
Crazy Little Liar Called Kookie by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 128,032
  • WpVote
    Votes 2,663
  • WpPart
    Parts 38
"When you turn thirty next month and you feel like you already want to get married, don't hesitate to propose to me. I'll say 'yes' in a heartbeat." For Oreo, it didn't matter if Kookie was a liar, until she told him she loved him after he caught her sleeping with another man. Matagal nang gusto ni Oreo si Kookie, pero alam niyang mahihirapan siyang makuha ang dalaga. She was wild, she was infamous for her boy toy collection, and she had a "sex video." Pero nang araw na makita niya si Kookie sa grocery store kung saan pareho silang kumakain ng parehong brand ng lollipop, alam niyang magagawa niya itong tanggapin kahit pa napanood ng mga kaibigan niya ang sex video ng dalaga. So he asked her to marry him. But of course, Kookie turned down his proposal, and even told him she only wanted to sleep with him. Tinanggap niya ang alok hindi para pagsamantalahan ang dalaga, kundi para gamitin ang pagkakataon na maligawan ito. Oreo thought he was succeeding in making her fall in love with him when she agreed to be his girlfriend, until she left him... ...and when Kookie returned, she lied again and told him she didn't remember him.
Steal His First Kiss (Published) by LKsolacola
LKsolacola
  • WpView
    Reads 34,960
  • WpVote
    Votes 2,791
  • WpPart
    Parts 23
Ladybug needs to steal Cricket's first kiss to live long. Pero keri ba 'yon ng konsensiya niya kung 29 years old na siya at college student pa lang ang lalaki? Isa pa, bilang mga journalists, magkaiba ang prinsipyo nila sa buhay!
NIGHTINGALE TRILOGY book 1: AWIT KAY RAKEL (UNEDITED) (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 75,254
  • WpVote
    Votes 1,470
  • WpPart
    Parts 18
"Bale-wala sa akin ang anumang haharapin ko para bumalik ka sa akin. Alam kong mahirap pero hindi ko kayang isuko ka nang basta-basta nang hindi man lang lumalaban." Dahil sa biglaang pagkamatay ng mga magulang, pinili ni Rakel na manirahan sa lola niya sa San Alfonso. Doon niya nakilala ang isang delinquent student sa kanilang eskuwelahan na walang ibang pinagkaabalahan kundi ang tumugtog ng gitara at kumanta-si MJ. Dahil sa mga di-inaasahang pangyayari, naging malapit sila sa isa't isa at lubusang nakilala ni Rakel ang binata na walang ibang pangarap kundi ang maging isang singer. Pero dahil sa murang edad, marami ang humadlang sa kanilang pag-iibigan at di-nagtagal ay nagkahiwalay sila ng landas. Sampung taon ang lumipas at may kanya-kanya na silang buhay. Si Rakel, isa nang journalist at malapit nang ikasal sa boyfriend niyang si Wallace. At si MJ, isa nang sikat na vocalist ng isang international rock band. Pero naging mapagbiro ang tadhana dahil muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, haharapin na nila ang anumang hadlang para maituloy ang naudlot na pag-iibigan.