misszavelinazoniah
- Reads 1,534
- Votes 920
- Parts 26
Dianelle Aveline Revellio, isang matinik at mahusay na journalist. Kilala siya sa pagbabahagi ng mga makatotohanang balita para sa mga tao, kaya't halos perpekto ang tingin sa kanya ng karamihan: matalino, mabait, at madaling lapitan. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay at ng ngiting palaging naka-ukit sa kanyang labi, may mga alaala siyang pilit nililimot--lalo na ng kanyang matalik na kaibigan na siya 'ring kanyang unang pag-ibig. Tila pinaglalaruan siya ng tadhana, dahil ang taong matagal na niyang kinalimutan ay muling bumalik, kasabay ng mga alaalang pilit niyang ibinaon.
Clarenze Torvyn Millenosa, isang batikang engineer na kinikilala sa iba't ibang bansa. Hindi niya inasahan na muli siyang babalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat--sa piling ng matalik niyang kaibigan na naging higit pa sa inaakala niya, at sa lugar kung saan naramdaman niya ang pinakamasakit na bahagi ng kanyang nakaraan.
They were once best friends --now strangers with a shared past. Will time heal what was broken, or does fate have a different ending written for their unfinished story?